Prologue

55.3K 1.1K 78
                                    

Paano kung inalok ka ng biyenan mo na tumira kasama ang anak niya sa bahay niya? Kakakasal n'yo pa lang ng asawa mo at gusto mo sanang mag-stay muna sa sarili n'yong lugar. Ang kaso, hiwalay na ang mga magulang ng asawa mo, at nag-iisang anak siya ng mga ito—so ibig sabihin, mag-isa na lang ang biyenan mo sa bahay nila. Ang sabi niya, hindi naman daw siya makikialam sa kasal n'yo ng anak niya, pero hindi ka naniniwala dahil para sa 'yo, isa siyang bruha. Isa siyang monster!

Well, not literally.

Actually, simple lang naman talaga 'to: Ayaw mo sa nanay ng asawa mo dahil isa siyang monster. Ayaw niya sa 'yo dahil ang tingin niya sa 'yo, isang gold digger. Gusto niyang tumira kayo sa bahay niya para mabantayan niya ang bawat kilos mo. At naniniwala siyang buntis ka kahit na hindi naman talaga.

So, ano na ang gagawin mo?

A. Magwala na para bang wala nang bukas?

B. Kumbinsihin ang asawa mo na tumira pa rin sa condo mo hanggang sa mabuntis ka muna talaga?

C. Lumipat sa bahay ng bruha pero umasta na para bang hindi mo siya nakikita?

D. Lumipat sa bahay ng bruha at pilitin na tanggapin ka niya?

Oh, God! Somebody, help me!

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now