Chapter 23

9.6K 182 5
                                    

"Pizza, pasta, chicken . . . Ano pa? May iba ka pa bang gustong kainin?" tanong ni Dwight habang tinitingnan 'yong menu na hawak niya. Sinabi ko naman sa kanya na pwede namang sa bahay na lang kami kumain pero hindi siya pumayag. Kumakalam na raw 'yong sikmura ko kaya hindi na raw pwedeng patagalin pa.

"Uhh, pwede bang magdagdag pa ako ng mojos?"

"G, kasama na 'yon sa chicken, 'di ba?"

"I meant more mojos. Kulang sa akin yung mojos na kasama sa chicken."

Hindi na napigilan pa ng waitress yung pagtawa niya dahil sa sinabi ko. To be honest, kanina pa rin talaga ang nagtitimpi sa kanya dahil sa pagpapa-cute niya kay Dwight. She would often look at his way tapos kukurap kurap siya rito. The nerve of her to do that! Akala niya ba ikinaganda niya 'yon? Para kaya siyang hinipan siya ng masamang hangin! And she even had the nerve to tuck her hair behind ear with matching pa-sway sway pa na para bang nagpapa-tweetums siya sa harap ni Dwight na ewan. E mukha lang naman siyang uod na binudburan ng asin! Finally having enough of this charade, napagdesisyunan ko nang tarayan siya.

"Excuse me pero may nakatatawa ba, ha?"

Tumigil na sa wakas yung waitress sa pagtawa niya at nag-aalangan siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at dahil naghahalo pa rin ang inis at gutom ko, ipinagpatuloy ko ang pagtataray sa kanya.

"Bakit ba kung umasta ka, akala mo kasali ka sa usapan namin, ha? Close ba tayo?"

"G . . ." Dwight tried to stop me but of course, I didn't listen to him.

"No, Dwight. I've had enough from her already. Kanina pa siya, e!" sabi ko kay Dwight tapos hinarap ko na yung waitress.

"At ikaw, kanina ka pa pa-cute nang pa-cute sa harapan ng asawa ko. In case you missed it, one, cute is next to ugly. And two, hindi ka naman cute kaya matuto kang lumugar." Isinara ko nang malakas 'yong hawak kong menu at ibinalibag ko 'yon sa lamesa. After which, dinampot ko na 'yong bag ko at tumayo na ako sa kinauupan ko.

"G, saan ka pupunta?"

"Aalis na. Nawalan na ako ng ganang kumain," sagot ko at nagsimula na akong maglakad papuntang exit ng restaurant. Narinig kong humingi ng tawad si Dwight sa pangit na waitress na 'yon kaya mas lalo lang akong nainis. Binilisan ko na lang ang paglalakad kahit na sumasakit na ang mga paa ko.

Hindi pa man ako nakalalayo sa pinanggalingan kong restaurant nang marinig kong kumalam na naman ang sikmura ko. Para lang makapagtago ako kay Dwight, pumasok na ako sa pinakamalapit na kainang nakita ko. Pinili kong umupo sa pinakamalayo sa entrance at sa mga bintana para hindi niya ako makita agad.

I hate him! Bakit ba kailangan niya pang mag-sorry doon sa babaeng 'yon, ha? Sila nga dapat 'tong humingi ng sorry sa akin, e! Pwes, ngayon, magdusa siya sa paghahanap sa akin.

Busy na ako sa pagkain ng chicken cordon bleu na may steamed vegetables at sinamahan ko pa ng green mango shake nang maramdaman kong nagba-vibrate 'yong phone ko. Dahil alam kong si Dwight lang naman 'yong tumatawag, hindi na ako nag-abala pang sagutin 'yon. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. No'ng hindi pa rin tumitigil ang pag-vibrate ng phone ko, saka ko tiningnan 'yong phone ko. Apparently, si Mommy na pala 'yong tumatawag.

"Hello, Mommy?"

"G, nasaan ka ba? Tinawagan ako ni Dwight. Sobrang nag-aalala na sa 'yo ang asawa mo!"

"Ayaw ko po muna siyang makausap. Naiinis pa rin po ako sa kanya," sagot ko at sumubo ulit ako ng isa pang slice ng cordon bleu.

"I heard what happened. I'm not going to defend Dwight but I won't be agreeing to what you did as well. Georgina, I know you're very emotional right now because of your pregnancy but the two of you should talk this out. Ayaw kong umabot kayo sa point na wala na kayong ibang pagpipilian kung hindi maghiwalay. Huwag n'yo akong tularan. Let your child grow up in a complete and happy family."

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now