Chapter 7

25.3K 544 29
                                    

Pinagpahinga ako ni Dwight saglit. Sabi niya, magpe-prepare lang daw muna siya ng dinner naming dalawa. Pipikit pa lang sana ako para umidlip nang biglang may kumatok sa pinto. Thinking that it was Dwight na nakalimutan lang magtanong kung ano ba ang gusto kong kainin, binuksan ko 'yong pinto habang nakangiti pa nang bongga. Kaso langya. Mali pala ako. 'Yong bruha pala 'yong nasa labas ng pinto.

"Can we talk?" tanong niya sa akin and at that time, nawala rin 'yong ngiti sa mukha ko. May pakiramdam ako kung saan mapupunta 'yong usapan naming 'to.

Imbis na sagutin siya, umusog na lang ako sa pagkakaharang ko sa pinto at hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto. Hindi naman sa wine-welcome ko talaga siya with open arms—sadyang wala lang akong choice. Dumeretso na agad siya sa sofa tapos isinara ko na 'yong pinto. Sobrang awkward na no'ng atmosphere sa kwarto kaya sa kama na lang ako umupo para makahinga ako kahit papaano.

"Georgina, why don't you seat beside me?" sabi ng bruha habang nakatingin nang deretso sa mga mata ko. Dahil sa kabang nararamdaman ko, sumunod na lang ako sa kanya kahit na labas sa loob ko.

"If I may ask, tungkol saan po ba 'yong pag-uusapan natin? Kung tungkol po sa nangyari kanina—" pagsisimula ko pero hindi na niya ako hinayaang tapusin pa 'yong sinasabi ko.

"Hindi tungkol doon pero dahil nagtanong ka na rin lang, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Let's go straight to the point. I guess, alam mo namang ayaw ko sa 'yo—hindi lang para sa anak ko—pero ikaw mismo. Tama ba ako?"

"Alam ko naman po 'yon. But don't worry. The feeling is exceptionally mutual."

"Are you seriously out of your mind? Kaya kong gamitin ang kahit na anong sinasabi mo ngayon against you. Alam kong 'yong mga pinagsasabi ni Dwight no'ng graduation n'yo ay puro kasinungalingan lang."

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko sa kanya. Langya. Paano niya nalaman ang tungkol dito?!

"Obvious naman, Georgina, at sa tingin ko, hindi ganoon katanga ang anak ko para buntisin ang isang katulad mo. So, tell me. Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?" tanong niya ulit sa akin.

Inipon ko lahat ng lakas ko para harapin ang napakalaking bruha sa harapan ko. Hindi niya pwedeng malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ko at hindi niya pwedeng malamang natatakot na ako sa posibleng mangyari sa akin ngayon.

"Magpapaikot-ikot lang po ba tayo sa issue na 'to? Wala po ba kayong ibang plano sa buhay? Medyo boring na rin po kasi 'yong ginagawa n'yo. Sobrang cliché na ng mga nangyayari, e."

"How dare you talk to me like that? My son doesn't deserve a contemptuous person like you!" sabi niya at palakas na nang palakas 'yong boses niya. Halatang napipikon na rin siya sa mga sinasagot ko sa kanya. Well, I can't blame her. Maiinis din naman ako kung ganito ang maririnig kong sagot mula sa kausap ko. Sucks to be her though dahil siya ang nasa receiving end ngayon.

"Excuse mo lang po pero napatingin na po ba kayo sa salamin nitong mga nakaraang araw? Bakit hindi n'yo na po tanggapin 'yong desisyon ng anak n'yo? Honestly, wala na pong patutunguhan 'tong pakikipagtalo n'yo sa akin. Lahat ng kalokohang pinaggagagawa n'yo laban sa akin ang mismong nagpapalayo kay Dwight sa inyo.

"Buong buhay ni Dwight, sinunod niya kung anong gusto n'yo. Bakit hindi n'yo subukang tanggapin naman kung anong gusto niya ngayon? You've got nothing to lose here maybe except for your pride. Besides, nasimulan n'yo naman nang magpanggap na gusto n'yo ako sa harapan ni Dwight. Bakit hindi n'yo subukang totohanin na lang ang lahat?" sagot ko sa kanya as calm as I could.

Napatahimik siya bigla dahil doon pero halata namang pinipigilan lang niya ang sarili niya na bugbugin ako.

Magsisimula pa lang sana siyang insultuhin ulit ako nang biglang bumukas 'yong pinto ng kwarto. Pumasok ng kwarto si Dwight and just like that, naging santo na naman ang bruha. Grabe rin talaga sa pagiging best actress, e.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now