Chapter 2

38.9K 830 43
                                    

Nagpatuloy ang mga araw at ganoon din ang nangyayari sa pagitan namin ni Dwight. Magkasama kami sa iisang bahay pero may mga pagkakataong umaasta kami na parang hindi kami kasal. Papasok ako nang maaga tapos uuwi ako nang late. Pinipilit ni Dwight na ihatid ako palagi sa office pero madalas, ako na ang tumatanggi. Ang taas na nga ng presyo ng gas tapos wala pa rin naman kaming source of income pareho. Halos kasisimula ko pa lang sa trabaho samantalang siya, naghihintay pa ng desisyon ng nanay niya kung kailan ba siya magsisimula.

"G, can we talk?" tanong ni Dwight pagkarating ko sa bahay galing trabaho.

"Dwight, pagod ako. Hindi ba 'yan pwedeng ipagpabukas na lang?" Kailangan kong mag-overtime ngayon sa office dahil may nira-rush kaming project. Ang laki rin kasi ng expectation ng management sa akin since alam nilang grumaduate ako with honors at dahil na rin sa recommendation ni Ate Mae-Mae. Sobrang tindi na ng pressure sa akin and I really need to keep up.

"Pagkatapos, ano? Maaga ka na namang aalis bukas tapos hindi na naman tayo makapag-uusap."

"So, anong point mo? Na iniiwasan ko 'to? Na iniiwasan kita? Dwight, I'm trying to make a living!" sagot ko sa kanya at medyo napalakas na ang boses ko.

Biglang nag-iba ang ekpresyon sa mukha ni Dwight at doon na niya napagdesisyunang ilabas ang mga hinanakit niya. "Gusto mong malaman ang naiisip ko? Oo, G, sa tingin ko, iniiwasan mo ang lahat ng 'to. Sa sobrang pagpupursigi mo sa trabaho mo, nakalimutan mo na nga yatang may asawa ka. So, kailan mo balak sabihin sa aking aalis ka pala papuntang Cebu?"

Napanganga ako dahil sa sinabi ni Dwight. Gusto kong magpaliwanag pero walang gustong lumabas na salita mula sa bibig ko. Tama nga naman kasi siya. Pupunta nga talaga ako sa Cebu for two days dahil sa job fair ng company namin. Ang kaso, hindi ko pa nasasabi kay Dwight. Ngayong siya na mismo ang nag-bring up nito, bakit parang nagi-guilty ako?

"Wow. Ni hindi mo man lang maipagtanggol ang sarili mo," pagpapatuloy niya dahil nanatili lang akong tahimik. "Georgina, hindi na lang 'to tungkol sa 'yo ngayon. Oo, sige, may mga hindi tayo pagkakaintindihan sa ngayon pero parte na ako ng buhay mo. Ni hindi man lang ba 'yon sumagi sa isip mo?" tanong ni Dwight sa akin.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong ikwento kaso hindi ko alam kung saan ba dapat magsimula. At katulad ng mga cliché scene na nangyayari sa mga kwento at pelikula, umalis na si Dwight kung kailan handa na akong magsalita.

Hindi na kami nag-usap ni Dwight pagkatapos. Tumuloy ako sa Cebu katulad ng plano at hindi man lang ako nakatanggap kahit na "take care" message mula sa kanya. Sobrang unusual para sa kanya na maging ganoon katahimik pero hindi ko naman siya masisisi. Kasalanan ko rin naman kasi ang lahat. Kung naging mas honest lang sa ako sa kanya, hindi sana kami aabot sa ganito.

Nang makabalik ako galing Cebu, minsan, magigising ako sa gitna ng gabi. Umaasa akong katabi ko na ulit si Dwight pero wala naman pala siya roon. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Siyempre, hindi naman talaga siya tatabi sa akin. Doon pa rin siya sa kabilang kwarto natutulog. Gustong-gusto ko nang mag-reach out sa kanya pero hindi ko alam kung paano.

Eventually, napagod na rin si Dwight na maghintay sa akin na gumawa ng first move. Minsan, maririnig ko ang pagkatok niya sa pinto pero hindi ko pa rin siya pinagbubuksan. Oo, alam kong dapat matagal ko nang nilunok 'yong pride ko at nakipagbati na ako sa kanya. Ang kaso, hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Ilang linggo na rin kaming magkasama sa iisang bahay pero parang kilometro ang layo namin sa isa't isa.

May isang beses pa nga na naabutan kong natutulog si Dwight sa labas ng kwarto ko. Nakaupo lang siya sa tabi ng pinto. Gusto kong sabihin sa kanya na para siyang tanga kasi may kwarto naman siya pero hindi na lang ako nagsalita. Kahit naman ganyan siya, mahal ko pa rin siya.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now