CHAPTER 42

98 4 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Timothy, ano na ang plano?" Excel asked.

"Hindi ko pa alam, eh si Ate nagpa-therapy, ayaw magpasama, eh. Sabihan ko na lang kayo kapag may sinabi na si Ate sa'kin." Timothy said.

"Hoy Karl h'wag kang madaya, bumunot ka na kaya!" sigaw ni Excel kay Karl dahil nahuli niya itong bumunot ng isa pang baraha.

"Gagi hindi pa, lutang ka nanaman Excel!" Karl said and he even smirk.

"H'wag mo akong mangisi-ngisi baka upakan kita at mawala 'yang mga ngipin mo." mayabang na sabi nito.

"Boys, tumigil na nga kayo, oh ikaw na Nicole." Najifah said.

Bumunot si Nicole ng baraha kay Najifah at si Najifah naman ay bumunot kay Shaina at hanggang sa paunti na ng paunti.

Si Excel, Karl at Timothy na lang ang natira kaya naman focus na focus si Excel at Karl samantalang si Timothy ay parang relax lang dahil alam niya na kung sino ang matatalo.

"Oh, tanga ikaw ang talo ngayon Excel bobo mo talaga bagay na bagay sa'yo 'yung laro kasi muka kang unggoy." sabi ni Karl kay Excel na nanlulumo, nagtawanan naman ang lahat ng nakarinig.

"Ang yabang mo! Parang ngayon ka lang nanalo, eh. Tanga? Ako? Ikaw ang tanga kasi ako ngayon lang natalo, eh ikaw? Ilang beses ka na natalo bobo!" sigaw niya kaya nagtawanan nanaman ang lahat ng nakarinig.

"Hoy tama na 'yan parehas naman kayong bobo at tanga." Sabi ni Timothy kaya binigyan siya ng masamang tingin ng dalawa.

"Makapag salita ka naman papi Timothy nakaka hurt ka na huh? Lagi mo na lang ako sinasaktan." bakla-baklaan na sabi ni Excel at nag punas pa siya ng luha na peke naman. Nagtawanan ang lahat ng nasa paligid.

"Fuck you Excel, mamaya matuluyan ka na niyan." sabi ni Timothy.

Hindi na nakapag salita si Excel dahil nag ring ang cellphone ni Timothy kaya naman walang choice si Timothy kung hindi sagutin ito.

"Hello?" Timothy answered the call. It was unknown number kaya hindi niya alam kung sino ang tumatawag.

"Your Ate is in danger." ito lang ang sinabi at pinatay na ang tawag kaya naman agad nagmadali si Timothy lumabas ng hide out nila.

Meron din silang hide out malapit sa company nila pero minsan ay sa Mansion na lang sila nagkikita-kita dahil ayaw nilang lumabas masyado si Addison.

"Timothy ano ang nangyayari?" Shaina asked.

"Tawagin mo sila at sabihing pumunta sa clinic ni Mr. Morales, Ate is in danger." sabi niya at nauna ng umalis at sumakay sa sasakyan niya.

Nagmaneho pa rin siya kahit na binabawal siya ng Ate niya.

Minadali niya ang pagmamaneho at habang nagmamaneho siya sinusubukan niyang tawagin ang Ate niya pero walang sumasagot.

Tumawag si Timothy kay Excel.

"Hello Excel pa track naman ang number ni Ate, sabihin mo sa'kin kapag nag iba ang lokasyon niya, dapat nasa clinic lang siya ni Mr. Morales." sabi ni Timothy at hindi niya na hinintay ang sagot nito at pinatay na.

Malapit na siya sa clinic ni Mr. Morales pero may napansin siyang itim na Van pero hindi siya sigurado kung ando'n nga ang Ate niya.

Dumiretso pa rin siya sa clinic.

Nang nandoon na siya agad siyang pumasok sa clinic ni Mr. Morales at ang naabutan niya ang magulong clinic at si Mr. Morales na walang malay sa sahig.

Agad ulit siyang bumalik sa sasakyan niya hinabol ang Van na nakita niya kanina.

Habang nagmamaneho tumunog ang cellphone ni Timothy kaya naman sinagot niya ito.

"Timothy nasa clinic pa rin ang lokasyon ng cellphone niya, hindi naman siya uma--" Excel didn't finish his sentence because Timothy cut him.

"She's not at the clinic, I've been there and she's not there. Track my number and follow me, I'm following a Van now and I need a back up." Timothy madly said.

He was close to reaching the Van so he drove his car faster.

"No please Ate, h'wag lang talaga nila saktan ang Ate ko makikita nila kung nasaan ang impyerno." bulong niya sa sarili niya.

Nakita niya sa salamin niya ang sasakyan nila Excel kaya naman binilisan niya ang pagmamaneho at pumunta sa harap ng Van para harangan ito at hindi makatakas.

Nang nasa harap na siya napahinto na rin ang Van kaya naman lumabas ng sasakyan si Timothy at nag labas ng baril na nakalagay sa sasakyan niya kanina.

"Ilabas niyo ang Ate ko!" sigaw niya habang nakaduro ang baril sa kanila.

"Ilabas niyo!" sigaw niya pa kaya naman may dalawang lalaki ang lumabas ng Van at tinutukan din siya ng baril.

Walang takot siyang tumingin dito kahit na mas malaki ang mga katawan ng nasa harap niya ay wala siyang pakialam ang iniisip niya lang ay ang Ate niya.

"Bata, hindi ka uubra sa'min madami kami, kung ako sa'yo umuwi ka na lang at magpa timpla ng gatas sa yaya mo!" mayabang na sabi ng isa kaya naman natawa ang kasama nito.

"Tumahimik ka! Asan ang Ate ko?! Ilabas niyo siya!" galit na sigaw niya pero parang walang pakialam ang dalawa dahil tinawanan lang siya nila.

"Iyong Ate mo? Ayon tulog, by the way ang ganda ng ate mo huh?" sabi nung isa at tumingin sa loob ng Van at ando'n ang Ate niyang nakahiga at walang malay.

Bago pa mabaril ni Timothy ang dalawa meron na nitong gumawa at lahat ng tauhan sa Van ay lumabas dahil sa narinig na putukan.

Hindi na mapigilan ng lalaking nasa likod ng puno ang mga naririnig niya kaya naman hindi na siya nag dalawang isip kung hindi paputukan ito.

Hindi alam ni Timothy ang gagawin dahil hindi naman galing sa mga kaibigan niya ang putok ng baril kung hindi sa taong nasa likod ng puno.

Wala siyang nagawa kung hindi magtago sa likod ng sasakyan niya para hindi siya matamaan ng bala ng baril.

Nakita niya ang Ate niya sa loob ng Van na wala pa ring malay kaya naman dahan dahan siyang pumunta sa Van dahil wala ng tao doon at nakikipag laban na.

Nang nandoon na siya agad siyang lumapit dito at tinapik ng mahina sa pisngi ang Ate niya.

"A-ate, ate. Ate gising." hindi niya ito magising kaya naman pumunta siya sa labas at sinarado muna ang pintuan ng Van para hindi siya matamaan.

Agad niyang nilabas ang baril niya at pinaputukan ang mga lalaking kumuha sa Ate niya.

"Mag hayop! Anong ginawa niyo sa Ate ko!" sabi niya at galit na pinutukan silang lahat.

Pinaputukan lang ni Timothy sa mga paa, kamay at kung saang bahagi ng katawan na hindi sila puwedeng makapatay. Kahit na galit na galit siya hindi niya pa rin hahayaan na makapatay siya.

Nang matigil na ang putok ng baril agad siyang pumunta sa Van at pinuntahan ang Ate niya.

"Ate!" sigaw niya.

Agad siyang tumingin sa likod niya dahil naramdaman niyang may papalapit.

Agad niyang tinutukan ng baril ang lalaking nasa harapan niya.

Tinaas niya lang ang kamay niya na sinasabing hindi siya kalaban.

"Ipunta mo na siya sa hospital, sinukmuraan siya sa tiyan kaya siya nawalan ng malay." sabi nito kaya naman dahan-dahan binaba ni Timothy ang baril niya.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni Timothy.

"To protect the person I love that I have not protected before." sagot niya sa tanong ni Timothy.

"Salamat." sabi nito at pumunta na sa Ate niya.

Aalis na sana ang lalaki ng magsalita ulit si Timothy.

"At salamat sa pag tawag mo kung hindi baka napahamak na si Ate," sabi niya at humarap at ngumiti. "Salamat kuya Miller." sabi nito kaya ngumiti na lang ang lalaki at umalis na.

Dinala na nila Timothy ang Ate niya sa hospital kaya naman napanatag na siya ngayon.

Season 2: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now