CHAPTER 49

103 3 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Ngayon na ang kaarawan ng Unico Hijo ng Davis kaya kailangan niyong tandaan ang mga pinapagawa ko. Magagawa niyo lang ito ng maayos kung nakinig kayo sa'kin na mag ingat sa mga kinikilos niyo." sabi ni Cooper at lahat ng mga tauhan niya ay nakikinig lang sa kan'ya.

"Tandaan niyo Davis sila hindi sila basta-basta kaya h'wag kayo magpaka-relax." sabi niya pa.

"Magsikilos na kayo at kumuha na ng mga gagamitin niyong armas." sabi niya kaya agad tumayo ang lahat at kumuha ng mga armas na magagamit nila.

"Dapat alam niyo kung saan kayo pi-pwesto para madali na lang, h'wag kayo magpa-putok ng baril kapag puro tao na dahil magkaka-gulo at 'yung kailangan na dapat ay hindi natamaan dahil sa sobrang dami ng tao, nalaman kong two days and two night iyon kaya kapag tulog na ang mga tao do'n kayo magsikilos. Pero kapag maraming sagabal gawin niyo na ang plan B." sabi niya pa.

"Dad, tuloy na tuloy na talaga ang plano natin." sabi sa kan'ya ni Casper.

"Kailangan maging successful ang plano dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa inyong lahat kapag nangyari 'yon." sabi niya.

"Alexander at Jett handa na ba kayo? Kailangan niyong isaayos ang gagawin niyo dahil alam niyo ang consequence." sabi niya kaya tumango silang dalawa at nagayos na.

"Alexander sana h'wag tayong mapahamak sa gagawin natin." bulong sa kan'ya ni Jett pero hindi siya sinagot ni Miller dahil seryoso ang mukha niya at malalim ang iniisip.

Sa kabilang dako.

"Excel h'wag 'yang gamitin mong baril dapat ito," sabi ni Timothy at binigay ang baril na sniper. "Dahil sa rooftop ka at ikaw ang sharp shooter, sinabi ko na 'to sa'yo nung nakaraan 'di ba?" sabi ni Timothy.

"Oo nga alam ko kung saan ang lugar ko kaya lang naman ito ang hinahawakan ko para kapag kainan na at wala ako sa rooftop tapos may kalaban ano na ang gagamitin ko?" sabi niya pero hindi siya pinansin ni Timothy.

"Hoy Excel h'wag mong awayin ang papi Timothy mo dahil stress 'yan birthday niya pa naman." sabi Oliver.

"Oo nga Excel h'wag mong awayin ang birthday boy." gatong pa ni Joseph.

Magsasalita na sana si Julian ng dinuro na siya ni Excel.

"H'wag ka na makisali Julian, tama na nga pag-untugin ko kayong lahat, eh." sabi ni Excel.

"If you don't shut your fucking mouth, I'll fire a gun into your all mouths!" sigaw ni Aubrielle kaya lahat silang nagsitahimik dahil sa takot.

Kanina pa naririndi sa ingay si Aubrielle pero tinitiis niya pero hindi na niya talaga kaya ang ingay kaya sumigaw na lang siya.

"Oh, ang tahimik ah? Anong nangyari?" tanong ni Timothy na kakarating lang galing sa kwarto niya dahil kinuha niya ang cellphone niya.

Agad na nagsitinginan silang lahat at saka tumingin sila sabay sabay kay Aubrielle na naghahanap ng magandang baril.

"Bakit?" bulong ni Timothy at sila lang ang nakakarinig at hindi si Aubrielle.

"Maingay kasi kami tapos sumigaw siya kaya ayon tumahimik kaming lahat." sabi ni Grace.

Dahil sa narinig agad tumawa ng malakas si Timothy kaya lahat tumingin sa kan'ya at kasama si Aubrielle na nakataas na ang kilay ngayon.

"Why are you laughing?" tanong niya.

"Wala lang," sabi niya at tumawa ulit. "Takot pala kayo kay Ate, eh. Dapat pala kapag maingay kayo sinasama ko si Ate para magsitahimik kayo." sabi niya pa kaya inis na tumingin silang lahat sa kan'ya pero wala silang magawa dahil ando'n si Aubrielle.

Season 2: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now