CHAPTER ONE

1.2K 20 0
                                    

A smile instantly appear on my face when I saw Davin's cute face. Kakagising lang niya kaya nakabusangot pa ito,but that's the cutest face he has in a day,ang bagong gising.

"Hey my baby", tawag ko sa kaniya.

Agad naman niya akong nilingon at kumunot ang noo,such a cutie. Isang tao lang ang naalala ko kapag ganyan siya eh.

Bumuntong-hininga ako,it's been 3 years since I last saw him. Napatitig ako kay Davin ng magsimula na itong gumapang papunta sa akin.Nakangiti akong lumapit sa kaniya at kinuha siya.

"Me mik" aniya sa cute na boses.

Natawa naman ako at agad kaming lumabas ng kwarto niya para bumaba nandon kasi ang gatas niya,he's just 3 years old. This is our morning routine,gigising ako ng maaga para maghanda ng agahan,magtitimpla ng milk ni Davin at gigisingin na siya.

Davin is my world. Davin may be the cause of all the changes I've been through,but he makes my life even better. A change for a better.

Napangiti akong pagmasdan siyang umiinom sa feeding bottle niya at nakaupo sa high chair.

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya ng biglang magring ang cellphone ko.

Tiningnan ko muna ang caller bago sagutin.

"Hey Jho?", sagot ko sa masayang tono.

"Hey mo mukha mo Beadel! ",Pasigaw niyang sagot.

Napangiwi ako pero agad ding nakabawi ng maalala kung anong petsa ngayon. OMG!

"Hmm Jho! Happy Birthday! Hehehe ".

"Chee Beadel! Ikaw pa naman ang unang taong ini- expect kung babati sa akin,ready na ako mag-restory ng bati mo sakin sa IG tas wala?,alam mo bang alas otso na ng gabi dito?",madamdaming Ani Jho,napailing nalang ako, Jho as Jho super OA.

"K fine,you don't have to be so dramatic,babati na ako". pagsuko ko.

"Wow parang wala ka lang choice ha? Napipilitan?" Pagsusungit nito

Natawa nalang ako,ang OA talaga.

"Kinda".

"Ang sama ng ugali mo mabulunan sana si Thirdy". Biglang sambit ni Jho.
si Thirdy". Biglang sambit ni Jho.

Hindi ko na nagawang sumagot ng biglang maubo si Davin dahil nabulunan siya sa isang hotdog.

Anak ng!

Agad kong nabitiwan ang phone  ko at nagmamadaling tinanggal ang belt ng high chair ni Davin. Kinarga ko siya habang  tinapik-tapik ang likod. Nang mahimasmasan si Davin ay saka ko palang siyang pinainom ng tubig.

"HOY!? BEA? ANONG NANGYARI JAN? Nabanggit ko lang ang pangalan ni Thirdy talangang nawala ka agad ha,ano nga bang nakain mo at umalis-alis ka ha? Pabebe ka talaga kahit kailan".naririnig kong sambit ni Jho.

Bumuntong-hininga ako at agad na kinuha ang phone ko.

"Ahhm may tiningnan lang",sagot ko

"Ay sus palusot mo di lumusot HAHA anyways kailan ka babalik dito Bei? May plano ka nga ba? We missed you here,namiss  na namin si Kapitana Bea De Leon na sana Ravena na",ani Jho at hindi ko maiwasang pagtaasan ng kilay ang pahayag niya iyon.

"So you think mag-aasawa na ako at this age?",sarkastiko kong sagot.

"Kung sa bagay, we're just 20 hindi pa tayo handang mag-asawa at magka-anak,ang dami pa nating gustong gawin". ani Jho na sobrang seryoso,she has a point though.

Hindi ko maiwasang matawa, seriously Jho? Kung alam mo lang kung ano ang hawak ko ngayon,sasampalin mo ako for sure. Hindi nga ako nag-asawa may anak naman,sagot ko sa isipan.

LAST FIRST NIGHT ( A ThirBea Fanfiction )Where stories live. Discover now