CHAPTER THREE

992 15 0
                                    

"Bea? Davin?! Davin apo ko?!", Agad na akong napangiwi ng marining ang malakas na tili na yun ni mom,nilingon ko si Kuya sa gilid, surprise pala ha.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Napatingin ako kay Daddy na nasa tabi lang ni mom habang nakangiti rin ng matamis samin. Si Kuya naman as usual nakangiti ng pilit. Ng makalabas ng gate ay agad akong sinabulong nina dad. He carried Davin at agad na hinalikan sa noo. Lumapit din siya sakin at hinalikan din ako sa noo.

Si Kuya naman ang kumuha ng mga luggage namin,napangiwi pa ako ng makita si Mom na nasa isang gilid na para bang kumukuha ng tamang angle if I know she's filming us again para sa IG story niya.

Nilanghap ko ang hangin ng Pinas,well.. it's good to be back.. for now.

Agad din kaming pumunta sa kotse dahil tulog si Davin at medyo pagod din ako. Ng makaupo ako sa backseat ay tumabi agad sakin si mom.

"So how's my Bea?". She asked as she gently touch my head down to my cheeks.

This is the feeling that I missed for a long time,I'm a daddy's girl but when mom does this to me it's the best. Hinilig ko Ang ulo sa balikat ni mom at pumikit.. feels good.

"I'm fine, we're fine not until pinauwi ako ni Kuya cause di daw kayo okay ni Dad?", Sagot ko sa tanong ni mom habang nakapikit pa rin.

"Haha parang napipilitan ka lang atang umuwi eh,alam mo ba anak medyo di nga kami okay ng dad mo kasi siya eh.. nakakainis pero kanina when your Kuya told us to accompany him at the airport doon ako kinausap ng dad mo. Buti nalang talaga medyo chismoso ang dad mo dahil kinausap Niya ako para tanungin kung para saan ang lakad namin hindi ko din naman alam pero medyo napahaba-haba kasi ang kwento namin kaya ayon when we arrived at the airport okay na  kami". Mahabang kwento naman ni mom.

"Hmm so blessing in disguise pala tong uwi ko eh", asar ko sa kaniya.

"Yep blessing nga ata to,anyway Buti naman at napilit ka ng kuya mo noh? I miss Davin na rin kasi".

"Yeah.. we miss you too". Sagot ko habang antok na antok na talaga ako.

"You're daddy too anak,he misses you two sabi nga niya sakin,samin ng Kuya mo we should visit you at California before the opening baka daw mapilit ka niyang umuwi".

I can't help to feel guilty all of a sudden. I thought, do I took every time I have for myself? Kuya's right my family needs me.

"Well... I guess he doesn't have to do it since I'm here na". Pilit ang ngiting sagot ko kahit di naman nakikita ni mom.

Hindi ko na alam ang pinagsasabi ni mom after non dahil talagang hinihila na ako ng antok,medyo nagising lang ako ng kumilos si Mom dahil nakahilig ako sa kaniya ramdam ko.

"Naku Elmer halikana nga dito,di pa ba kayo tapos jan? Bigay mo na si Davin sakin masyado mo ng sinosolo ang apo ko ah". I heard mom saidl,sa pagod ko hindi ko na naasikaso si Davin,his with dad though at ayaw naman siya ibigay ni Dad ng kukunin ko na.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse.

"Oh? You're taking good care of our baby girl already . Sakin nalang muna si Davin,he's sleeping sa frontseat nalang kami". Ani dad.

Napangiti nalang ako,at the end of the day I'm still the baby girl .

Sa bahay kami agad dumiretso dahil gusto ko na talagang magpahinga,pero naagaw ng pamilyar na daan ang atensyon ko. Our Village, the place where i grew up at nagpamulat sakin ng buhay. I missed this so much,the trees were the same though bagong trim ang iba. Ang nagtataasang gate ng mga kapitbahay namin is still the same. And our house.. halatang bagong pintura lang ito, everything is still the same,walang pinagbago.. now this is home.

LAST FIRST NIGHT ( A ThirBea Fanfiction )Where stories live. Discover now