CHAPTER FOUR

888 15 0
                                    

Huli na ba? Wala na bang pag-asa? Siya na ba talaga ang Mahal mo?





Napangiwi ako ng biglang sabihin ng bidang babae iyon,nasa entertainment room kami ngayon ng mga kaibigan ko. Gabi na pero wala atang balak magsi-uwi ang mga to. Nagkayayaan pa ngang manuod ng movie na di ko naman alam ang title.

"Ano nga title nito Pongs?" Tanong ni Deanna na nagkakamot pa ng ulo,maging siya siguro ay hindi din bet ang movie.

"Basta *sob* manuod ka lang maganda to, maghihiwalay na talaga sila ng landas after niyan and kapag umalis na ang babae Saka lang marerealize ni Boy na mahal pa pala niya ito". Ani Ponggay habang umiiyak,sinisingok-singok pa nga siya.

Napailing nalang kami,hindi na namin kailangan manuod dahil alam naman na namin ang buong story,Ponggay may not notice it but she's already spoiling us every second,even the ending. Kaya useless kong manuod ako. Title lang talaga ang hindi namin alam.

I sigh

Tulog na siguro si Davin,na kay Mom and Dad siya gusto kasi nilang sa kanila na muna matulog si Davin,sanay naman sa kanila ito kaya hindi umiyak.

I sigh again.

Ang dami na namang tumatakbo sa isip ko. Natatakot na naman ako sa mga mangyayari sa susunod na mga araw,alam kong hindi ko na matatakasan ang mga tanong na kailangan kong sagutin dahil nandito na ako. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para malaman ni Thirdy ang totoo. Natatakot akong baka hindi pa ito ang tamang panahon,na baka may masira ako lalo na at may Mahal na siya. Pain cross my heart as I think of it.

Gagi Mahal ko pa ba?

Hindi ko din alam ang sagot,basta natatakot lang akong may masira ako, pilit kong iniiwasan ang makasira eh pero paano kung magtanong siya? Paano kung magtanong siya tungkol Kay Davin? I sighed I don't know what to do.

Napatingin ako ulit sa Monitor ng mahagip ng mata ko si Maddie,she's looking at me intently. Nilingon ko naman siya,umiling siya at nilapitan ako. Hinawakan Niya ang kamay ko kaya napatayo ako't hinila naman niya ako papunta sa balcony.

Agad akong tumingin sa labas,madilim na. Sumandal ako sa railings at nilanghap ang hangin.

"Anong iniisip mo Bei?", Biglang imik ni Maddie

Kaya naman nilingon ko siya, bumuntong-hininga ako bago sumagot.

"Wala naman mga bagay-bagay lang".

"Tulad ng?". Talangang no secrets na ba to?

"Kung paano na kapag nalaman ni Thirdy". Sagot ko naman.

"Paano?...Edi malaman Niya". Prenteng niyang sagot at sumandal din sa railings,nakaharap siya sa loob.

Kunwari akong tumawa

"Ha-ha ano ka ba masaya na siya eh,may bago na".

"Ano naman?".

Napatitig ako sa kaniya.

"Anong ano naman? Syempre Maddie ayokong makasira ng relasyon".

"Makasira? Ikaw?" Tanong Niya, kunot-noo akong tumango.

"Akala ko ba tungkol sa anak niyo? Bakit ka kasali?" .

Natigilan ako, hindi ko mapangalanan ang sakit na nararamdaman ko, truth hurts nga naman HAHAHA how did I forgot,nga pala wala na kami, si Davin nalang ang connection namin.

Narinig kong tumikham si Maddie

"Look Bea,I know na mahal mo pa siya no need to deny halata naman,pero Bea 3 years kang nawala iniwan mo nga siya na base sayo para sa ikakabuti ng mga pangarap niya mahabang panahon ang lumipas Bea kaya hindi natin siya masisi kung magmahal na siya nga iba. Pero Bea hindi naman ibig sabihin nun ay gagawa siya ng ikasasama ni Davin,anak niyo pa din yun eh,saka wag mo mga munag isipin yan whatever happens,happens,basta magpakatatag ka lang". Aniya at nginitian ako

LAST FIRST NIGHT ( A ThirBea Fanfiction )Where stories live. Discover now