Chapter 3

273 7 7
                                    

How hard is it to come here? To my moving-up.

I waited. Seconds, minutes, hours. Until, "Hindi na sila makapupunta, hija..." Nay Dorya stated.

I shake my head, "They'll come. I know they'll come..."

She sigh, "Tinawagan ako ni Senyor Peter at sinabing hindi sila makararating."

I hoped. But I guess it won't happen.

As we were walking to the car when someone shouted my name. "Liza Keilyn!" I turn my head and saw Arya. Smiling widely. She ran towards me and hugged me tightly. "Ang galing naman ng kaibigan ko! Valedictorian!" she proudly said.

I chuckle, "'Wag ka nga!"

"Nay Dorya, hiramin ko lang saglit si Liza, please!" nag-puppy eyes pa!

"Ayaw ko nga," seryosong sambit ni Nay Dorya.

"Damot!" pananaray ni Arya.

Kung hindi ko lang sila kilala, aakalain ko na seryoso sila. Umiling-iling na lang ako at tinalikuran na silang dalawa.

"Nay Dorya, two hours lang! Promise!" pamimilit pa ni Arya.

"Wala naman akong magagawa. Basta mag-ingat kayong dalawa." Iling na ani Nay Dorya.

Bigla naman tumalon-talon si Arya at sumusuntok pa sa hangin. "Yes! Thank you, Nay Dorya! Mabuhay ka hangga't nais mo!" sabay hila sa akin paalis.

Hinila niya ako pasakay sa tricycle at sinabihan na, "Grabe naman 'yang mukha mo! Baka sabihin nila pinilit kita!"

"Ay, hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga 'no? Pero kahit na! Smile ka naman! Ganito, oh!" sabay pakita ng ngiti niyang labas ang mga ngipin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" pag-iiba ko.

"Basta!"

Hindi ko na siya pinilit na sabihin sa akin at hinayaan na siya.

After minutes, the tricycle stopped. Pinababa niya naman ako agad at nagbayad. Umiling naman ako sa kaniya dahil alam ko kung gaano siya nagtitipid tapos siya pa nang libre sa pamasahe. Mahal ang pamasahe sa tricycle at walang jeep gaano rito.

"Tada! Surprise!" sigaw niya at hinarap akong nakangiti.

Tinignan ko naman ang paligid at unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Tinignan ko si Arya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Do I deserve Arya?

"Hala, hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalala niyang tanong.

Imbis na sumagot, tumakbo ako patungo sa kaniya at yinakap siya. "Thank you..."

"Pinakaba mo naman ako!" hinila niya pa ang buhok ko. "Masaya akong nagustuhan mo. Masaya ako na kahit papaano ay natuwa ka sa surpresa ko." Hinarap niya pa ako at nginitian ng walang kasing tamis.

"Salamat, Arya. Salamat..." Niyakap ko siyang mahigpit.

"Sus! Deserve mo 'to, Liza! Deserve mong maging masaya lagi. At lalong-lalo na, deserve mong maging masaya sa araw ng iyong kaarawan. Happy Birthday, Liza Keilyn Tijana Cruz! I love you so much!"

I couldn't help but cry. How could I forget my birthday? Did I forget? Or do I just burn it inside of me?

Arya... Arya took me to a beach. She surprised me with a picnic blanket full of food. She said, "Inayos ko 'to kaninang madaling araw bago pumuntang school. Pinabantayan ko muna sa nangangalaga ng lugar. Fresh itong mga prutas, huh? Tsaka masasarap 'yang mga pagkain dahil ako ang nagluto!" pagyayabang niya pa.

Clutch of AfflictionWhere stories live. Discover now