Chapter 14

454 5 0
                                    

"Liza, pasuyo ako nito sa table 6," tawag sa akin ni Nika.

Tumango naman ako at inabot ang tray para ihatid ito sa table 6.

Nag-p-part-time ako rito sa isang restaurant sa Laguna. Pang dagdag sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral

Fifth year architecture student na ako ngayong taon. Dahil summer break pa, mas sinisipagan kong mag trabaho para malaki ang kitain ko.

Mahirap kumita lalo na at wala kang kilala sa lugar maski isa. Noong bago pa lang ako ay nangangapa pa ako at hindi alam kung paano makikisama. Pero nakaka-adjust naman na ako dahil apat na taon na ako rito.

Ilang taon na ako nag-p-part time sa restaurant na ito at laking tuwa ko dahil mabait ang may-ari. Malaki rin ang pasahod kaya p'wede na pang bayad sa upa at pang dagdag sa mga gamit ko sa school.

Libre ang pagkain dito kaya di na kailangang gumastos pa. Sapat na sa aking kumain ng tatlong beses sa isang araw.

"Naku, sa susunod na buwan pala ay pasukan niyo na!" saad ni Ma'am Pia, may-ari ng restaurant.

Tumango ako. "Opo, kaya baka half day ulit ang magiging pasok ko po sa inyo."

"Ayos lang iyon, ano ka ba!" ngiti niya. "Isang taon na lang pala ay mag tatapos ka na! Nakaka-proud naman! Panigurado ay proud din ang magulang mo!"

Ngumiti ako ng mapait. "Salamat po, Ma'am," ani ko.

"Naku, walang anuman! Masaya ako't tinanggap kita noon dahil sa rekomenda ni 'Nay Vina!" aniya.

Napangiti ako ng matamis. Naalala ko noong bago pa lang ako sa Laguna. Dahil kay 'Nay Vina at sa apo niya, nandito ako ngayon.

Nang pauwi ako ay maingay ang paligid. Maraming bata ang naglalaro kahit gabi na. Maraming nag titinda sa paligid at maraming tao na nag kukuwentuhan at nag tatawanan.

Nang pumasok ako sa eskinita namin ay nabawasan ang ingay kaya naka hinga ako nang malalim. Medyo malapit na ang bahay na tinutuluyan ko kaya mas lumaki ang ngiti ko.

"Amara, nakarating na ako," masaya kong bati.

Si Amara ang apo ni 'Nay Vina.

"Magandang gabi, Liza," naka ngiti niyang ani at tumingin sa direksyon ko. "Wala pa si 'Nay Vina dahil may dinaan saglit."

"Kumain ka na? Tara, may dala akong pagkain, pinadala ni Ma'am Pia."

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko. "Salamat," aniya nang alalayan ko siya paupo.

"Walang anuman, ganda," biro ko.

Humagikgik naman siya. "'Wag ka nga mag bibiro pag gabi, baka maniwala ako,"

"Tigilan mo ako, Amara. Talagang ang maganda ka!"

Ngumuso naman siya. "'Yung mata ko lang ang hindi," rinig kong bulong niya.

Napatingin naman ako sa mata niya. Kulay hazel brown ito at singkit.

"Ang ganda ng mata mo, Amara."

"Anong silbi ng mata ko kung wala akong nakikita?" malungkot niyang saad. 

Yumakap ako sa kaniya. "Kahit hindi ka nakaka kita, nagawa mong iligtas ako, Amara," bulong ko. "At nandito ako para mag silbing mata mo."

"Salamat, Liza," ngiti niya. "At kumain na tayo."

Natawa na lang kaming dalawa. Kumuha naman ako ng dalawang pinggan at dalawang kutsara.

"Ayan," ani ko, nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "Masarap 'to,"

Clutch of AfflictionKde žijí příběhy. Začni objevovat