Chapter 12

581 8 0
                                    

Ate Jessy and Arya were kidnapped. What will happen to them? Our family and Arya's family were doing their best to find them. I am here in our province after what happened. Maybe they are worried about me too.

My mood suddenly lifts. I am happy to think that. But I felt horrible after that thoughts. How could I? My cousin, Ate Jessy, and Arya were missing.

"Hala, gabi na pala!" kabado kong ani nang mapansin kong madilim na ang paligid.

Nasa playground ako ngayon na madalas naming tambayan ni Ate Jessy noon. Malayo ito sa bahay namin at liblib itong lugar. Ito kasi ang lugar na pinupuntahan namin lagi kapag tumatakas kami.

Dito madalas kasi si Ate Jessy pag umuuwi rin ako. Same school kami pero mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Siya ang paborito ng buong pamilya namin dahil siguro ay perpekto siya. Laging may papuri mula sa kanila. Maski anong gawin ni Ate Jessy ay tuwang-tuwa sila. Hindi naman ako nakararamdam ng selos kay Ate Jessy dahil kahit ako ay proud sa kaniya. 'Yun nga lang ay nakakatampo. Ako rin naman magaling sa school, ah? Ako rin ay maraming medals pero bakit si Ate Jessy lang lagi ang pinapansin nila? Bakit si Ate Jessy lang ang may regalo?

Kung tutuusin ay ako ang anak nila Mommy at Daddy, pero bakit pamangkin nila ang mas tinutuunan nila ng pansin?

Napa hinga na lang ako nang malalim. Gano'n ata talaga ang buhay.

Nang naglalakad na ako pabalik, may nakita akong anino ng dalawang lalaki. Sinusundan ba nila ako? Pero wala naman silang makukuha sa akin. O baka kung ano-ano lang iniisip ko?

Ngunit nang maka liko ako ay nakasunod pa rin sila sa akin. Nagpapawis na rin ako dahil sa kaba. Kinakabahan ako para sa sarili ko.

Malayo ang playground sa bahay namin kaya hindi na ako makapag hintay na makarating sa gate ng village namin.

May naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko. "Neng, sama ka na sa amin. Ihahatid ka namin sa inyo."

Nakangiti itong pareho sa akin.

"Baka magalit si Mayor kapag hindi ka nakauwi nang maayos."

Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa akin.

"K-kaya ko umuwi mag-isa," kunwaring matapang kong saad, kahit na nanghihina na ang tuhod ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"'Wag ka na mahiya," ngiti niya at tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

Wala akong ibang naisip kung hindi tumakas. Tumakbo ako kahit na nanginginig na ako sa takot. Tumakbo ako kahit na maliliit lang ang mga hakbang ko dahil maliit lang ang mga biyas ko. Tumakbo ako kahit na alam kong hinahabol nila ako. Tumakbo ako para mag sumbong kina Mommy at Daddy. Para magsumbong kay Lolo at Lola kahit na alam kong pagagalitan nila ako.

Hindi ko namalayan na habang tumatakbo ako ay umiiyak na ako sa takot at kaba. Natatakot ako na baka hindi na ako makabalik sa amin.

Kahit na naka pasok na ako sa village namin ay tumatakbo pa rin ako papuntang bahay namin.

"Hija, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa'yo at hingal na hingal ka?" nag-aalalang tanong ni Nay Dorya.

Umiling lang ako sa kaniya at naglakad papuntang pintuan para pumasok sa bahay. Mahaba pa ang itinakbo ko dahil malawak ang entrance pag pasok sa gate.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero natigil ako sa sigawan nila. Nag-aaway sila kaya napa hinto ako s kinatatayuan ko at nag tago para hindi nila ako makita.

Hindi na bago sa akin na nag-aaway sila. Halos lagi ko na lang silang naririnig na nag tatalo tungkol sa maraming bagay. Sumisikip lagi ang dibdib ko tuwing naririnig ko silang nag-aaway. Ayaw kong makarinig ng nag tatalo. Lalo na pag sina Mommy at Daddy. Pag ganitong nag tatalo sila, nag tatago ako at tinatakpan ng unan ang mga tainga ko para hindi sila marinig.

Clutch of AfflictionWhere stories live. Discover now