Chapter 15

500 9 0
                                    

tw: harassment

Everything I thought was perfect, is slowly breaking. The signs that I fear before were showing these days.

What is it now? Why the small freedom I have is slowly fading again?

That seems unfair.

My silence became loud. My presence became a disaster. The disaster that ruins me deep through my veins.

"Putangina! Napaka walang silbi mo!" sigaw sa akin ng bunsong anak ni Mang Tiktik. "Ano na ngayon ang gagawin ko, huh? Napaka malas na buhay 'to!"

Naka yuko lang ako at nag pipigil ng luha. Nanginginig na ang mga kamay.

"S-sorry po," piyok na paumanhin ko. "Bilin po ng Papa niyo na 'wag ko ho kayong bigyan."

Huminga siyang malalim. "Wala akong paki! Utusan ka lang! Kaya 'wag kang maka asta na parang hindi ka utusan! Aso ka lang ng matandang 'yon!"

Hindi na ako sumagot. Ayaw ko nang makipag talo. Ayaw ko ng maingay. Ayaw ko ng sigawan.

"Tantan! Anong kaguluhan ito?" biglang dating ni Mang Tiktik.

"'Yang aso mo, ayaw sumunod sa akin!"

"Anong aso? Umayos ka ng tabas ng dila mo, Tantan!" galit na sigaw ni Mang Tiktik kay Tantan. "Wala kang modo! Wala kang galang! Tama lang na hindi ka bigyan ni piso!"

"Bahala na nga kayo!" sigaw niya at naglakad na palabas ng grocery store.

Buti na lang at sarado na dahil baka maka gawa pa kami ng eksena sa harap ng maraming tao.

Ngayon lang nag ka ganiyan si Tantan. Alam kong may ugali siyang gusto niya ay masusunod siya, pero hindi ko alam na ganito siya kalala.

Kasing edad ko lang si Tantan at pareho kaming pumapasok sa isang university rito sa Laguna. Pulos barkada ang inaatupag lagi kaya lagi kong nakikita na nakikipag basag ulo sa labas ng school. Mayaman ang pamilya kaya laging sunod sa luho.

"Pasensya na, hija," paumanhin ni Mang Tiktik. "Hayaan mo't dadagdagan ko na lang ang sahod mo,"

Hindi ako maka sagot sa kaniya dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Pilit na pinipigilan ang luha na kanina pa gustong bumagsak. Naka tingin lang ako sa sahig at pilit pinapakalma ang sarili.

It's fine, Liza, they won't hurt you. He's gone now, please calm down.

I ended what I needed to do even though I am shaking. I want to leave. I want to run away.

When I am finished, I immediately bid goodbye to Mang Tiktik and go to the nearest convenience store to buy cold water.

I need to calm myself.

Nang makabili ako ng tubig ay sa labas ako ng convenience store umupo. Dinarama ang sariwang hangin. Pero wala itong nagawa sa akin dahil hindi pa rin nawawala ang sakit ng dibdib ko.

Wala akong nagawa kung hindi mag sindi ng sigarilyo na nasa bag ko.

Nice, I thought you'd changed.

I tried my best to quit smoking. I did everything I could but I always ended up in this situation. My smoking was my only way to tame myself. To tame my heart.

"You smell cigarette, Liza," bungad sa akin ni Amara.

Naamoy niya siguro ako dahil nilapitan ko siya para palipatin siya sa kwarto. Nakalimutan kong nag yosi nga pala ako.

"Amoy na amoy ba?"

Tumango siya.

"Sige, mag-toothbrush lang ako at baka maamoy pa ako ni Nanay," tumayo ako para pumunta sa lababo para mag-toothbrush. "Bakit dito ka natulog sa sala?"

Clutch of AfflictionWhere stories live. Discover now