Paninindigan Kita

163 3 0
                                    

AN: Pagbigyan nyo na ko guys. Hayaan nyo muna ko tumakas sa stress 🥺 stress reliever ko ngayon ang pairing sa Tambay chapter. That being said, this is continuation of Tambay chapter, few months after ng Tambay chappy. Note that 1 year ang advance ni Leon kay Therese. So yeah... I really hope you dont find this weird. And also, pakiusap ko na lang na wag nyo na ichichismis sa iba kasi nasasabihan na kami ng weird sa labas eh 🥺. Also this is to protect those people na we need to shield from harm. Anyhoot, without any further ado... Alexa, play Paninindigan Kita by Ben&Ben.

Enjoy, buddies 🤙🏾

*****

"Bye!" Leon smiled as she waved to Therese. Kakahatid lang nito sa dalaga sa boarding house nila. Galing kasi sila sa tindahan ni Aling Rosing. Nanay ni Anton. As usual, every Friday sila nagkikita kita. Maliban kay Patricia dahil mas bata sya ng 2 taon kay Leon at mas iba ang course nito kesa sa kanilang lahat.

Sumimangot naman si Therese. She pouted her lips and pull a puppy dog eyes on Leon.

"Uy, ano yan? Haha." Tawang tanong ni Leon.

"Hindi naman kasi dapat bye yung sinasabi mo eh. Di ba dapat-"

"See you..." Pagtutuloy naman ni Leon. Lumapit ito kay Therese. Nakakamulsa pa ang kanang kamay nito na mas kina-angas pa nya. "See you, Reese..."

Saka nito dinampian ng maikling halik sa temple.

"Sige na. Mauna ka na sa loob."

Namumula pa si Therese pero umiling ito sa sinabi ni Eleonor. "No, you go na. Saka na ko papasok pag nakalayo ka na."

"Anubayan..." Ngumingiti pa si Leon. "Hindi nga, Reese. Pasok ka na sa loob. Oks lang ako."

Tumango si Therese saka tumalikod na at nagsimulang maglakad pero natigil ito at humarap ulit kay Eleonor.

"Oh? Anyare?"

Ngumiti lang ng matamis si Therese sa kanya saka tumakbo pabalik at niyakap sya. "Salamat sa paghatid... I cherish you."

Impit ang ngiti ni Leon dahil ayaw ipahalata na kinilig sya sa sinabi ni Reese. "I cherish you too, Reese. Sige na. Pasok ka na so I can go home na."

"Naman... Nang-gi-guilt trip pa eh."

"I'm not. I'm just telling the truth. Usapan ay usapan. So go on. Pasok ka na, sara ng pinto. I lock mabuti at wag magbubukas ng pinto kung hindi si Patring yung kumakatok."

"Hindi yun kakatok kasi may susi yon."

Eleonor shrugged. "Then don't open the door for anyone... Maybe except if it's your landlord. Pero wag mo papapasukin. I mean, wag mo pagbubuksan ng pinto. Kausapin ka nya sa bintana."

"Grabe ka kay Manong Miggy."

Again, Leon just shrugged. "Ayoko sa hilatsa ng pagmumukha nung nag-aastang landlord nyo eh anak lang naman sya ng totoong landlord. Kala mo kung sino."

"Nagseselos ka ata talaga don eh."

Leon scoffed. "Sus. Hindi ah. Mas gwapo ko kesa don."

To The Tune OfWhere stories live. Discover now