Lifetime

99 5 0
                                    

AN: Yup. Na-enjoy ko na ang oneshots cuz fresh ideas just keeps on coming. Overflowing nga so i need to channel them talaga into something or else hindi ako makakausad 😂. Anyway, Part 4 of Tambay.

Set after 2 years ng pag-alis ni Leon sa Maynila. If sum scenes for the last parts are familiar, pls refrain from taking this out of wattpad 🤗.

Also, Alexa, play Lifetime by Ben&Ben.

*****

It's been two years since Eleonor graduated in college.

Her friends never saw her ever since they bid her goodbye at the bus station. She never really went to those organized batch reunion nor their circle of friends' get together.

So they just assumed that after her stunt in public service, she chose to study Law in Naga.

*****

It was Anton's day off. Wala din silang pasok so him and his college friends except for Eleonor decided to have a small inuman session given that everyone's both working and studying Law too.

Minalas lang din at may ginagawa ang Nanay nya tapos biglang may nangungulit na bumili.

"Tonyo ano ka ba naman! Ang liit liit na bagay ikaw na muna ang humarap doon sa kanina pang bumibili."

Binatukan sya ni Franco at inagaw pa yung bote ng beer sa kaibigan. "Ogag, sige na sundin mo na yung nanay mo oy. Asikasuhin mo na yon at baka mawalan ng suki si Nay Rosing."

*****

Nakapamulsa pa na naghihintay ng tao.

Mayamaya'y pinindot pa nya ang level up na button para mangulit ng tindera na haharap sa kanya.

"Sandali! Kanina pa yan pindot ng pindot. Ang kulit! Parating na!"

The person smirked then sighed, knowing full well that Anton's probably shit his pants once he sees her.

"Ano'ng bibilhin nyo?"

"Ganyan po ba talaga kayo humarap sa suki nyo? Suplado?"

"PUNYETA!"

Eleonor let out a loud belly laugh after Anton's exclamation.

"Magandang hapon naman, Anton."

*****

Parang na-estatwa si Anton.

Nasa harap nya si Ellie-Leonor ngayon.

"Hoy gising na... Kanina pa ko dito."

Dali daling lumabas si Anton. Padabog pa na binuksan ang gate nila.

"LEON! PUTA, BUHAY KA PA PALA!"

Nakangisi pa rin si Leon na lumapit sa kaibigan. Akala nya nga ay yayakapin sya nito pero bigla sya nitong ni-headlock.

"Amp!... Tonyo!!!" Hirap na hirap na sigaw nito na dinig hanggang sa bakuran nila Anton na dahilan para lumabas din ang mga barkada nila. "Hindi ako makahinga, Tonyo!"

To The Tune OfWhere stories live. Discover now