Kathang Isip

118 4 0
                                    

AN: Party 3 po ng Tambay 😅 pasensorry very much dear readers. Lunod na lunod po ako kay rawr at reeses cups.

Also, Alexa, play Kathang Isip by Ben&Ben.

May secret din ako sasabihin. Ngayon lang ako nagjump sa Ben&Ben fandom. Why? A friend told me once na para mas ma-appreciate ko yung isang kanta na mostly overplayed sa radio dapat maghintay ako ng konting time na matapos yung hype dun sa kanta na yon. I followed that advice and im a whole new person 😁

Enjoy, buddies.

*****

Nagtitinginan sina Franco, Anton, Ted at Lilah habang si Eleonor yun, focus na focus sa binabasa nyang readings.

Nagkukurutan pa.

Akala mo mamamaga na rin ang mga nguso nila dahil nagtuturuan pa gamit yung mga nguso nila. Pinoy na Pinoy, diba?

"Pwede ba tigilan nyo na yan." Biglang sabi ni Leon na hindi inaalis ang tingin sa binabasa. "Hindi ako makapag-concentrate dito."

Natigilan yung apat sabay naupo ng tuwid.

"Ano ba yan? Kung may sasabihin kayo sabihin nyo na. Busy ako."

Anton scoffed. "Naks. Parang big boss sa isang malaking company." Biro nito. Sya lang naman ang nakakapagbiro ng ganito kay Leon after two months. Finals na ni Leon ng first sem sa senior year nya. Isang sem na lang. Kaya kailangan focus na focus na sya sa pag-aaral.

"Hindi, nagbibiro lang to si Tonyo. Pero ang gusto talaga namin sabihin is mag-party party naman tayo. Papasok na 2nd sem. Celebrate na din natin na running for flying colors ka na ga-graduate." Seryosong sabi ni Franco.

"Hindi naman kailangan... Distraction lang yan."

Umirap si Ted saka bumulong. "Sus. Parang di willing magpa-distract dati kay Therese."

Siniko sya ni Lilah at binatukan naman sya ni Franco. Sabay.

"Aray!"

"Wag ka ngang nang-a ano, hindi lang yan ang aabutin mo sa'ken." Bulong ni Lilah.

Doon lang nagtaas ng tingin di Leon at tinitigan ang mga kaibigan.

"Naririnig ko bulungan nyo."

"Edi goods! Para mahimasmasan ka naman sa kalokohan mo." Hindi nagpaawat si Ted. Kahit anong pigil sa kanya ng iba. "Sandali. She needs to hear this!"

Binaba ni Eleonor ang binabasa then crossed her arms. "Sige, Ted. Sabihin mo. Wag nyo pipigilan Ate Li."

"Eto lang sasabihin ko, Ellie. Alam kong nasaktan ka dun sa nangyari noon. Pero pakiusap naman, wag mong idamay na sirain yung pagkakaibigan natin sa pagkakasira ng sa inyo ni Therese! Final sem na susunod neto. Parang nabibilang na lang sa kamay yung mga araw nating magkakasama tapos ganyan ka pa."

"Ted!" Malakas na nasampal sya ni Lilah.

"Aray! Masakit!" Angal nya na nakahawak sa pisngi.

Nagngingitngit naman si Lilah na piningot ang tenga nya. "Mas masasaktan ka kung di ka tumigil."

"Tigilan nyo na yan, Te Li." Kalmadong pigil ni Leon. Inayos na rin nya yung mga readings sa harap nya at pinasok sa bag. "I apologize then."

Gulat yung apat na tumingin kay Leon.

To The Tune OfWhere stories live. Discover now