Tambay

173 6 0
                                    

AN: If this feels weird for u guys you can skip. But this is about lnrs 😅 pasensya na. Nakakahappy kasi sila ** **** and SRH. Same same dyosa tapos they both have each others back. Feel good ship ko lang rn. Again, warning na ha. If you feel it's so weird, skip na buddies.

Setting: College setting. Boarding house. Magkaiba sila ng college na pinapasukan tho magkapitbahay lang ang Uni nila.

*****

Lintik, wala akong dalang payong!

Sabi sa isip ni Eleonor nung makitang lumalakas ang patak ng ulan.

To humor herself, she tried to find the nonexistent umbrella on her bag pero wala talaga.

Papasok pa lang sana sya sa kanto papunta sa boarding house nya kaso mukhang kailangan pa nya maghanap ng masisilungan dahil hindi na lang ulan kundi malalakas na kulog at kidlat na din ang sasalubungin nya kung sakali.

Sakto walang tao sa tindahan sa malapit kaya tinakbo na nya to.

"Lamig!" Sabi nya kasi basa na sya ng ulan.

Wala pa man din isang minuto pagkatapos nyang makasilong ay may biglang nagsalita sa likuran nya.

"Manang Rosing, makikisilong po muna!"

Tumingin ito bigla sa likod at nanlaki ang mga mata.

Si Tisay! AKA si Therese Herrera. Sikat yan. Habulin hindi lang sa uni nila na katabi lang ng uni nya pero ng lahat. As in lahat.

She can neither deny nor confirm kung kasali ba sya doon sa mga humahabol. Pero nakakagulat dahil ngayon lang talaga nya ito nakita ng ganito kalapit.

Tisay na tisay. Ibang klaseng pagka-dyosa. Napakaganda.

"Uhm... Hello?"

Eleonor was broke from her trance when the subject of her dreams tap her arm.

"Ha?"

She giggled. Jesus... She's so cute. "Sabi ko, may dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa kasi nakatitig eh."

Eleonor blinked. "Aaahh... Ano, uh... Wala. Wala naman. Ano lang, ang ganda... Uh, ang puti... Ano..."

"Sabihin mo, I lab yu, Eleonor." Biglang singit ng lalake. Si Anton na galing sa loob ng sari-sari store. "Nauutal ka dyan nakita mo lang si Therese eh."

"Tarantado, Tonyo hindi." Maangan pa ni Eleonor pero nakangiti lang si Therese at pinapanood sila. "Ano, uh, wag ka maniniwala dito. Walang alam na matino tong taong to."

Tumawa lang si Anton sabay bukas ng katabing pinto. "Sus, wag ako Leon." He jabbed his thumb in the direction of Eleonor but he's looking at Therese. "Alam mo ba, Therese na hindi kumpleto araw nito kung hindi ka nagiging topic. In short, baliw na baliw sayo."

"Uy, hindi naman siguro, Anton wag mo na nga sya niloloko." Malambing na sagot ni Therese.

Again, Eleonor has to think of how sweet her voice is. Kasi sya hindi eh. Minsan nga napagkakamalan syang lalake kaso brusko kung magsalita.

"Aysus! Lahat naman baliw sayo, Therese!" Pansin naman ni Anton na nawala na naman sa pag-iisip itong si Eleonor kaya binatukan nya to ng marahan. "Tama na pananaginip ng gising Leon. Pasok na muna kayo. Pwede kayong dito muna tumambay. Andito din naman yung ibang tropa eh."

To The Tune OfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon