Chapter Four

997 39 0
                                    

Hanna's POV

"Salamat sa paghatid Traiven." Naka-ngiti kong pasalamat sa kanya. Hinatid niya kasi ako sa apartment ko. Bago pa nga lang kaming magkaibigan pero ang bait-bait na niya sa'kin.

Kahit pa siya ang anak ng may-ari ng school ay hindi iba ang pakiki-tungo niya sa'kin. Napaka-gentleman din niya.

"Sus! Wala yun! Kaibigan kita eh!" Naka-ngiti ring saad niya.

Bakit ba walang gustong makipag-kaibigan sa kanya? Eh,ang bait-bait nga. Tapos ang guwapo niya,he had this..... Flawless and white skin,long eyelashes,a set of deep blue eyes,long and pointed nose,thin and red lips,sharp and define jawline. Yung kilay niya,hindi mo aakalaing lalake eh,kasi ang ganda ng porma! His dark black hair was on the perfect form,it styles his face very well.

Matangkad siya,hanggang bibig nga lang niya ako kahit na 5'6 ang height ko. His uniform gripped his tight muscles.

Ewan ko ba kung bakit ayaw ng mga ka-schoolmates namin sa kanya! Matalino rin naman siya.

Ano nga ulit ang lahi nito?

American-Filipino-Spanish

That explains his physical appearance. Ang guwapo niya talaga,pero hindi ko siya type---err fine! Crush ko siya. Hindi rin naman malabong hindi ako ma-in love sa kanya..

You didn't transfer school to flirt.

Well,I know..

And don't you dare fall in love with him! That's against the rules.

I clearly know.

******

Traiven's POV

Hindi ako excited pumasok sa school---NOON. Dahil ngayon,may kaibigan na 'ko kaya excited na ako palagi!

Oh well,susunduin ko pa ngayon ang independent kong kaibigan kasi sa apartment lang siya nakatira.

I get my keys and bid my goodbyes to our housemaids.

Sa sobrang excited ko nakalimutan ko tuloy ang bag ko sa sofa.

Naks! Ang tanga lang Traiven huh?

Excited lang eh. Panira moment to! Hmp.

Pinakuha ko lang kay Kuya Wendell,yung guard namin.

Agad akong umalis pagkabigay ng bag ko. Hindi naman siguro magagalit si Hanna kung susunduin ko siya diba? Mabait naman yun eh.

•°•

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Napakamot ako sa batok ko ng makita ko si Hanna papalabas ng apartment niya,as usual,naka-eyeglasses na naman siya. Nerd nga diba? Tss.

Pero iba ang outfit niya ngayon.

Naka-palda siya na floral na lagpas tuhod, naka-hoodie ng yellow at naka-pink ng doll shoes.

"Traiven.... Tinatanong kita..."

Ows?

"Uh... Susunduin ka! Hehehe"

Kumunot ang noo niya pero maya-maya pa ay nawala yun at nakangiti na siya, lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

Abot niya pala ako?

"Ayaw mo ba? Ayaw mo ba nung sinusundo ka?"marahan kong tanong sa kanya.

"Tsk! Wala naman akong magagawa kung susunduin mo 'ko eh! Ano pa bang magagawa ko eh,nandito kana.. Tara na nga! Alis na tayo!"

'Yun oh! Pumayag din!

"Let's go!"

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok naman siya sa passenger seat.

Ngiting tagumpay ako ng maka-upo ako sa driver's seat. Pina-andar ko ang makina ng kotse at umalis na.

.

"Guys,look! Si King Traiven may kasamang nerd!"

"Oh nga!"

"Hindi ba siya yung transferee?"

"Ano nga ang pangalan niya?"

"Parang H-hanna ata?"

"Jeez... Bakit magkasama sila?"

"Nakakadiri pa naman ang mga nerd!"

"Yuck! Ang kapal naman ng mukha niya para dumikit kay Traiven!"

Ang o-OA nila ha? Eh sila nga ayaw akong lapitan eh!

"Ang dami mo namang fans!" Bulong ni Hanna sa'kin. She seems unbothered. Strong ata 'to!

"Sus! Hayaan mo na yan sila! Mga papansin lang yan!"

Tumango siya.

"Pero bakit ayaw nila sa'yo kung fans mo naman pala sila?"

Naguguluhan din ako sa point ba yan. Hinahangaan nila ako pero hindi sila nagtangkang lumapit sa'kin.

"Ewan ko sa kanila! Well... It's their loss,not mine!"

Tumawa kaming dalawa.

Ang cute naman ng boses niya kapag tumatawa siya.

"'Nga pala... Hanna,asan parents mo?"

She pouted."Nasa China,nagpaiwan sila. Actually,ako lang naman talaga ang may gustong umuwi dito... Hindi naman kasi kami mayaman kaya ako lang ang pumunta dito,sakto lang sa'kin ang perang dala ko."

Oh...... Kay?

Akala ko mayaman sila kasi sa mga nababasa ko,mayayaman daw ang nga nerd. Hindi pala lahat.

"Ikaw? Nasa'n ang parents mo?" Baling niya sa'kin kaya napasimangot ako.

"Si Mommy nasa France para sa business trip. Si Dad naman na sa States,nandun kasi ang original branch ng company namin at nagkaroon ng anomalya dun. Kaya ang naga-asikaso ng school ngayon ay yung secretary ni Mom..."

"Sooooo.... Ikaw lang pala ang nandito?"

"Oo."

Sanay naman ako sa set-up ng pamilya namin. Mula pagkabata ko kasi ay si Nanay Julie na ang naga-alaga sa'kin. Siya yung mayordoma sa mansion at siya na rin ang pinagkakatiwalaan nina Mommy't Daddy.

Pinakama-taas na ang isang linggo kung makasama ko sina Mommy,dahil busy sila palagi. Minsan nga ay dalawang araw lang silang nakapag-stay sa bahay dahil palaging nay urgent meeting.

"Palagi silang busy? Eh... Nung new born baby kapa lang,sino ang nag-alaga sa'yo?"

I sighed.."Syempre sila.... They give me their one hundred percent attention until I turn six years old. Pero nung seven na 'ko si Nanay Julie na ang nag-aalaga sa'kin. Although,binigay naman nila lahat ng kailangan ko at pinag-tuunan ako ng pansin minsan kapag may problema ako."

Tumango-tango siya at bigla na lang ngumiti."Okay lang yan! Ang importante,hindi kana lang ngayon nag-iisa! Tama?"

Napangiti ako."Tama!"

"Tara na nga! Baka mag-bell na.."

Inakbayan ko siya at nagsimula kaming maglakad papunta sa building namin,without bothering our surroundings.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon