Chapter Forty-Four

532 33 1
                                    

Traiven's POV

I'm wearing a black three-piece suit. Nasa loob na rin ako ng kotse ko,sinusundan ang van na sinasakyan nila Mom at Dad.

Gusto nga nilang sumabay na lang daw ako sa kanila eh pero tumanggi ako,baka mag-away kami dun ni Dad dahil gustong-gusto ko talagang tumakas.

Kung tutuusin ay pwede ko ng iliko ang kotse ko pero marami namang tauhan si Dad na nakasunod lang sa'kin. Tch,buhay nga naman parang life.

Siguraduhin lang nilang magugustuhan ko ang babaeng ipapakilala nila sa'kin.

Tumigil kami sa isang gate na napakalaki. Matataas ang mga bakod at pader,wala kang makikita na kahit ano sa likod.

Saglit lang kaming huminto dahil agad na bumukas ang gate nun at tumuloy kami sa loob.

Woah.

Napakalaki ng space sa harap ng mansion.

Sumobra na ata yung space sa front yard.

May malaking fountain sa harapan at may mga in-install ring kung ano-ano'ng lights para pagandahin lalo ang view ng front yard. May mga taong naka-all black sa bawat sulok ng mansyon kaya I assume na mga bodyguard ang mga 'to.

May kumatok sa bintana ng kotse ko kaya napakurap ako at napagtantong nandito na pala ako sa tahanan ng soon-to-be wife ko kuno.

I open my car's door and went out.

Maraming tao sa buong venue,mapaghahalataan kaagad na may party.

That girl must be really special. Ang bongga ng debut.

"Let's go inside. They must be waiting for us."

Pagpasok namin sa entrance ng mansion ay hiningan kami ng invitation letter nung guard.

Aba halatang bigatin talaga!

Syempre,binigay iyon ng ama kong naka all smile. Ewan ko kung ano'ng problema ni Dad ngayon,hindi ko alam kung bakit ngiting-ngiti eh. Si Mom din ganun.

Akala ba nila masaya ako sa pamimilit nila sa'king pumunta dito? Pwes,maling-mali sila.

Kung sana wala akong kinalaman sa punyemas na party na 'to edi sana sumama na ako kay Nash ngayon. For sure mas mag-eenjoy pa ako dun kahit na hindi kami bati ng bebe ko.

A billionaire.

Tch. Sobrang yaman pala ng soon-to-be wife ko. Sobrang laki ng sala. Nakakalula.

I mean,malaki rin naman yung sa'min pero mas malaki ang bahay na 'to.

Inip akong nakatayo sa likod ni Mom at Dad na nakikipagkamayan pa sa mga ka business associates nila.

Maya-maya pa'y iginiya kami ni Dad sa table na nasa unahan.

Bakit nga ba dito kami uupo?

Pa-display lang Dad?

Tchh... Ewan ko kay Dad.

"Wala pa pala sila rito..." sabi ni Mommy ng maka upo na kami.

I crossed my arms and boredly stared at the wide dancefloor.

"Pwede ba mom,dad... Tell me who's the damn celebrant. Wag niyo 'kong gawing tanga dito." Inip kong saad at kinuha ang isang wine na dala-dala nung waiter na dumaan sa gilid ko at ininom ito.

I know I acted like a jerk right now but I don't care. Gusto ko nang matapos ang gagong party na 'to ngayon nang sa ganun ay maka alis na ako. Hahabol ako sa party ni Zumi,mas importante pa siya sa party na 'to.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon