Chapter Thirty-Two

508 23 0
                                    

Zumi's POV

"What the fuck are you doing here?"

His voice sounded cold and emotionless. Ibang-iba sa Traiven na kilala ko.

"I want to talk to you..." Kailanman ay hindi ako kinakabahan sa mga desisyon ko pero,eto ako ngayon,kabadong-kabado sa harapan ni Traiven.

"What for?" He asks as he cross his arms in front of his chest.

Humakbang ako papalapit sa kanya habang nakakuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng bulsa ng suot kong leather jacket. Gustong-gusto ko siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit pero alam kong hindi pa puwede.

Alam kong hindi ko siya mapapa-amo ngayon.

"I want to say sorry."

"Sorry? Sorry's not enough Zumi,Blythe or whoever the fuck you are."

Nangilid ang luha ko ng marinig ang sinabi niya.

"Sorry can't bring back the trust that I gave you. Your sorry can't heal my broken heart. So before my visions get dark,you better leave this place because you won't like it when I'm mad."

Gusto ko nang umiyak sa harapan niya pero matindi ang pagpigil ko sa emosyong gustong kumuwala sa kaloob-looban ko.

"Traiven.... Please,let me explain e-everything.. please..."

Damn,i never say 'please' to anybody. But Traiven is an exemption.

"Explain? Explain what? You don't need to explain everything. Everything is done. So leave."

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Please Traiven.... I'm begging, please let me explain everything..."

Iwinaksi niya ang kamay ko at lumayo sa'kin na para bang nandidiri siya.

Sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ngayon ay hindi ko na magawang pigilan ang emosyon ko. He looks so disgusted,parang magkakasakit siya kung hahawakan ko siya,it looks like I bring the virus with me that it makes him feel so disgusted over me.

"Don't. You. Dare. Touch. Me." Matigas niyang saad. "I don't like you to touch me with that filthy and dirty hands of yours." He said before he jog away.

Lumuluhang tinitingnan ko siyang tumatakbo palayo sa'kin. It hurts me even more. Halatang ayaw na niya sa'kin,the way he look at me it seems like he want me to vanish in this world.

I feel so small.

Ayaw na ayaw niyang hawakan ko siya,ayaw niyang hawakan ko siya dahil batid niyang ginagamit ko ang mga kamay ko sa pag patay. Pag patay ng mga kriminal,hindi ng mga inosente.

I badly want to explain everything to him.

Unang araw ko pa lang ng pag-habol sa kanya pero ito na ang natamo ko. Fuck.

Pero kahit na ganun,hindi ako titigil. Wala sa bokabularyo ko ang pagsuko at pagtigil.

So,be ready my dear Traiven....

Dahil simula ngayon ay araw-araw mo na akong makikita.

I won't stop until I get you back.

•••••

Traiven's POV

I feel so fucking disgusted. And that's true.

Dali-dali akong lumayo sa kanya pagkatapos niya akong hawakan. Nandidiri sa tuwing iniisip ko na ang mga kamay na ginamit niga sa pagpatay ay ipinanghawak niya sa'kin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ilan na kaya ang pinatay niyang tao.

She's an animal. Wala siyang puso dahil nagawa niyang pumatay ng kapwa-tao niya.

I fucking hate her.

Yet,















I still love her.

Kahit nandidiri ang isipan ko dahil sa mga nagawa niya,hindi ko parin maikakaila ang ibang epekto niya. Malakas parin ang tibok ng puso ko tuwing nasa harapan ko siya.

I can still imagine her face before when she introduced herself as Hanna and her real and bare face right now.

She dye her hair with color orange. She looks so beautiful, she's wearing a black fitted pants,black leather jacket,a black T-shirt inside and a black boots.

Her outfit really compliments her milky white skin. Kung noon ay na-in love ako sa mukha niya na hindi pa ganun kakinis,ano pa kaya ngayon? I know she have a good heart,pero bakit nagawa niyang pumatay? Hindi man lang ba siya nako-konsensya sa ginawa niya?

Napatigil ako sa pag-jogging medyo hindi lang kalayuan sa bahay namin, kitang-kita ko parin siya pero nagtago ako sa isang punong naroon at pinagmasdan siya.

Nakasandal siya sa pader ng gate namin at umiiyak.

It brokes my heart seeing her like that.

She looks so hopeless.

Fuck you Traiven for making her feel like that.

But i know she deserves that. I love her but i hate her.

Nakakulong ang mukha niya sa mga palad niya at umuuga ang mga balikat niya. I badly want to hug her.Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko,i want to know that she's strong enough to handle everything,i want to know if she won't surrender easily,i want to know that she's really persistent to her decision and I want to know if she still deserve my trust.

I know that she also suffer when we broke up,pero ako yung mas nasaktan.

The moment i found out that she's not the girl that I imagined to,she didn't just broke my heart but she also broke my trust.

Nahihirapan ako habang pinagmasdan ko siya,kung pwede lang sana ibalik kaagad ang dati ay ginawa ko na. Pero hindi yun ganun kadali eh.

Nang mag-angat siya ng tingin ay doon na tumulo ang luha ko,her eyes were swollen,her nose is red and her pink lips become red because of crying.

Based on her physical appearance,i know that she also had sleepless nights.

Naaalala ko na naman ang pag-iyak niya sa loob ng library bago kami maghiwalay at ang isa-isang pagtulo ng luha niya kanina sa harapan ko. Nadudurog ang puso ko tuwing naaalala ko ang mukha niyang puno ng lungkot at pagsisisi.

I'm also sad and angry at myself for hurting her. But she also hurt me.

I want us to get back together but i need to make sure if she really feels the same as me. If she really love me.

Dahil sa sinabi ni Mommy at Daddy kahapon na isa lang akong mission sa kanya ay parang pinipiraso ang puso ko. Kaagad kong na-gets kung bakit niya ako sinagot dahil kailangan niya akong bantayan,hindi para mahalin.

I know that I can't handle when she'll tell me that she didn't really love me,the thoughts of it makes me feel sick. Because honestly,i don't really know if she really loves me. That's why i want her to prove herself to me.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon