Chapter Nine

648 33 0
                                    

Hanna's POV

"Totoo ba talaga yun?"

"Oo nga, may video nga'ng kumalat eh!"

"Yuck! I still can't believe it!"

"Yeah,me too.."

"I can't believe King Traiven actually like this piece of trash!"

"Nakakadiri!"

Sinasabi ko na nga ba.

May tao talagang naiwan dito sa school kahapon at binabantayan ang bawat galaw namin ni Traiven. I can't believe this! Ang dami-dami namang tsismosa't tsismoso! Kahapon pa nga lang nangyari yun tapos kumalat na agad.

Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.

May notification ako sa GC ng section namin. I click it at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pictures at videos namin iyon ni Traiven! Tapos samo't saring mga comments pa ang sinabi ng mga classmates namin.

Bigla ko na lang nabitawan ang phone ko ng maramdaman kong may bumato sa ulo ko.

Itlog!?

May bumato sa'kin ng itlog!?

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga ka-schoolmates ko na nakangisi at ang iba naman ay galit.

Tatakbo na sana ako ng palibutan nila ako at pinagbabato ng itlog.

"A-aray! T-tama na!!"

"Yan ang bagay sa'yo!"

"Maharot ka!"

"Malandi!"

"Para kang linta! Sobra ka makadikit kay Traiven!!"

At iba't-iba pang sigaw ang narinig ko. Wala naman ako magawa dahil wala akong matakbuhan. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko naman akalain na ito ang kapalit ng pagkaka-gusto ko kay Traiven. Akala ko pa naman malaya kong gawin ang mga gusto kong gawin sa school na 'to. But it turns out,na hindi pala.

"FVCK!"

Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses niya. Parang may dumating na para iligtas ako dito.

"Stop it!"

He covers me using his body. Siya ang nakasalo ng mga itlog na ibinato sa'kin. Inangat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Traiven.

Thank God he came!

"T-t-traiven..."

Agad na tumigil ang mga estudyante sa pagbato ng itlog sa direksiyon ko--should I say namin. Masama ang mga tingin ni Traiven nang tingnan niya ang mga estudyanteng nambabato sa'kin.

"You know this is against the rules! You are bullying your school mate! Why did you do that,huh!? What makes you do that!?"

Walang sumagot sa kanya kaya agad na niya akong hinila ay dinala sa building namin. Maraming mata ang nakatingin sa'min,pero parang walang pakialam si Traiven.

Dinala niya ako sa comfort room ng mga babae at tiningnan kung may tao sa loob. Nang masigurong wala ay pinasok niya ako sa isa sa mga cubicles ro'n. Kinuha niya ang bag ko at inilagay sa sink,sinara niya ang pinto sa kung saan ako nakatayo.

"Maligo ka muna diyan,ikukuha lang kita ng extra na damit sa locker."

"T-traiven... Wala akong dala nun..."

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon