Chapter Seven

852 36 1
                                    

Hanna's POV

Madaling natapos ang weekend at heto ako,naghahanda para sa school. Well,hindi na ganun ka-boring ang weekend ko kasi nung Sabado nga ay pumunta ako sa bahay nina Traiven at nung linggo naman ay sinundo ako ni Traiven sa apartment ko at ipinasyal ako sa mga magagandang pasyalan dito.

Ang saya-saya!

Pumara ako ng taxi. Hindi naman matagal ang biyahe kaya maya-maya pa ay nakarating na ako sa school.

As usual, para akong nasa isang nobela at pelikula pagkapasok ko dahil pinagtsi-tsismisan ako. Kesyo,bakit daw dumidikit ako kay Traiven? Kasalanan ko ba kung kaibigan ko ang guwapong heir ng school na 'to?

"Alam mo ba,nakita ko silang dalawa ni Traiven sa amusement park kagabi,nakasabay ko pa sila sa pagsakay sa ferris wheel!"

Ows? Siya pala yung grabe kung makatingin sa'kin kagabi,akala ko nag-selos siya kagabi eh. Yun pala isa sa mga tsismosa at ito tsi-ni-tsismis na ang nakita kagabi.

Ang dilim na nga nun eh,nakita pa niya? Kakaiba!

"Oh well,siya din yung kasama ni Traiven dun sa Tom's world sa mall!"

Eh ano naman ngayon kung ako yun? Hmp! Inggetera lang talaga!

"Ang kapal-kapal ng mukha akala mo kung sino tong maganda! I'm sure,nagpapalibre lang yan kay Traiven!"

Duh! Hindi ko naman kasalanan kung masyadong mabait si Traiven kaya niya 'ko nilibre!

"Can't blame Traiven tho. Everybody in their section says she's an angel and a genius. Bagay lang ang pakikisama niya kay Traiven, pareho silang may utak."

Wow! Positive comment!

"Hanna!"

Ayan na ang prinsepe nila! Kakaiba ang lalakeng 'to,wala siyang kaibigan pero fans marami! Grabeh! Iba talaga kapag guwapo.

"Uy,Traiven.."

"Good Morning! Pumunta ako sa apartment mo kanina,akala ko hindi kapa pumunta dito eh."

Gosh! Ang cute niya talaga magtampo!

"Oo na,sorry na. Nauna na ako kasi pupunta pa sana ako sa library,pero dahil nandito kana! Samahan mo na lang ako!"

In just a blink of my eyes,nakangiti na ulit siya ng malapad. Naka-display ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Pwedeng maging model ng iba't-ibang brands ng toothpaste!

"Sure! Let's go!"

Hinawakan niya ang kamay ko at patakbo akong hinila.

Oof!

Muntik na ako'ng mapatid! Ang excited naman ng lalakeng 'to.

•°•

Rinig ko ang pag hinga ni Traiven ng malalim habang bitbit namin ang mga test papers ng section namin sa subject na Math.

"Nung hindi pa ako nag-transfer dito,ganito ba palagi ang trabaho mo?"

Napatingin siya sa'kin at ipinilig ang ulo sa kaliwang side.

"Well.... Yeah,ang tatamad kasi ng mga classmates ko eh. Minsan tinutulungan ako ni Liezel pero yun nga lang,hindi ako kinakausap."

I chuckled, "Pa'nong hindi?"

"Nagsasalita naman siya pero yung ‘Tulungan na kita’ part lang,tapos wala na! Naka-lock na agad yung bibig niya."

Kawawang bata.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon