Chapter Twelve

625 32 0
                                    

Hanna's POV

"You see Traiven,one week ka pa lang nanligaw sa'kin pero ganito na ang natamo ko. Ang dami ko ng pasa sa buo kong katawan. Suki na yata ako ng infirmary eh."

Tinitigan ako ni Traiven.

Hindi ko naman alam na ganito ang kahinatnan ko ng pumayag ako ng magpaligaw kay Traiven.

"I'm not blaming you Traiven. But the situation explains how forbidden the love for us. It's not the time for us to be together."

"Don't say that." Naiiyak na saad niya.

"Ano'ng gusto mong sabihin ko,na okay lang na sagutin kita habang parami ng parami ang nambu-bully sa'kin? Traiven,I love you"

Gulat siyang napatingin sa'kin.

"But i think this is not the time for us. It's complicated."

"No... That's not true, they're just bitter and they can't accept the fact that I love you. Kaya sila umaakto ng ganun."

"Kaya binibuntun nila ang galit nila sa'kin dahil hindi mo magawang magkagusto sa kanila."

Napapailing ako habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Traiven,galit na galit sila kasi nagkagusto ka sa isang kagaya ko. Pangit at mahina. Hindi katulad nila,matatatag sila at magaganda pa. Hindi sa sinabi kong insecure sila sa'kin pero kasi,inggit na inggit silang hindi mo sila pinagtuunan ng pansin eh. Naghihintay lang pala silang mapansin mo, pero heto ka... Isang babaeng may halimaw na hitsura ang pinansin at pinagka-gustuhan mo."

It hurts when you let yourself to be bullied. Masakit tanggapin ang katotohanan pero mas maganda na yun kesa ang maniwala sa kasinungalingan.

"You're not a monster Hanna."

Umiling lang ako sa kanya at tumayo sa kama ng infirmary room. Kinuha ko ang bag ko.

"Where are you going?"agad niyang tanong at hinawakan ako sa braso.

"I need some time to think Traiven... Please spare me." Pabulong kong sabi sa kanya.

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa'kin.

"F-fine. But if,you come back... Remember that I won't let you go again."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at lumabas na sa infirmary room.

Kailangan kong makapag-isip. I need to clear my mind. I need to rest and think about this things.

Because After all.... I'm not here to fall in love and not to be bullied and to be protected with the person that I should protect.

But things got complicated and I fall in love with him.

•°•

Traiven's POV

I sighed. Again.

Dalawang linggo na.

Hindi parin bumabalik si Hanna.

"Bro,relax! Birthday mo na bukas oh!" Nash chimes in.

I snorted at him, "It'll be the most boring birthday ever."

"Wag mong sabihin yan. Malay mo,bukas na babalik si Hanna! Isu-surprise ka lang niya." Si Jelene.

I know they're making a way to make me happy but it's obvious that I'm not getting better since Hanna left. I think when she leave she also take my happiness away.

I'm too OA. I know.

Pero parang wala talaga akong buhay this past few days. Pa'no na lang kaya bukas? Birthday ko na bukas and I want her to be present on my birthday. Bahala na kung walang gifts. Basta nandito lang si Hanna.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon