Chapter Twenty-Six

520 24 0
                                    

Zumi's POV

"Let them go!!" Sigaw ko kay Warren na prenteng naka-upo sa pang-isahang sofa habang umiinom ng wine.

Walang malay si Traiven habang nakatali sa isang upuan,si Tita Angelica naman ay walang malay din habang nakahandusay sa malamig na semento katabi si Tito Mike na duguan sa braso.

"Miss,kung sino ka man. I suggest na dapat umalis kana dito dahil baka madamay ka pa."

I smirked, "Do you think I'm damn afraid of you fucker? Dream on." I coldly stated.

"Miss Florida,tanging mga tauhan lamang ni Salvatores ang nandito sa mga hideout nila. Nahuli na namin ang iba at ang ilan naman ay mga sugatan na at may patay rin. Pero wala dito ang kanilang amo."

Rinig kong sabi ng isa sa mga NBI sa kabilang linya.

My jaw hardened seeing Traiven being tied up tightly in the chair.

Bawal ko namang sabihin kung nasaan ang ilan sa mga tauhan ni Salvatores at ang mismong boss nila dahil baka malaman pa ng tangina na may kasabwat ako.

"Z-zumi...." Napatingin ako kay Tita Angelica ng bigla na lang siyang magsalita.

"Tita..."

"Zumi,si Traiven..."

Dumagundong ang mala-demonyong pagtawa ni Warren.

"Si Traiven mo ay walang malay na naka-upo at nakatali sa kanyang upuan,hahaha..."

"Walanghiya ka talaga Warren! Wala kang awa! Pati anak ko dinamay mo sa katarantaduhan mo! Pakawalan mo siya!" Sigaw ni Tita habang paunti-unting bumangon.

"Sa tingin mo naman susundin kita Coreen Angelica? Kung noon sana,oo. Dahil mahal na mahal kita,pero ngayon kahit pa na mahal parin kita ay hindi na kita susu—"

"Oh just shut the fuck up fucker and let them go!"

Galit na napatingin sa'kin si Warren. It's as if he's throwing bullets in my direction with the way he looks at me.

"Sino ka bang babae ka ha? Bakit ka ba nangingialam dito? Alam mo,kung umalis ka na lang kaya para hindi masayang yang kagandahan mo dito?"

"Do you think I'm that stupid to leave my mission here with you? Mag-isip ka nga kung kaninong bahay ang pinasok mo at pinagbihagan mo?"

"Miss Florida,nasa Pruedivers' mansion sina Salvatores?"

Tumawa ako,isang hudyat na tama ang kanilang sinabi. Narinig ko naman ang pagmamadali nila sa kabilang linya.

"This is not your place you stupid specie,you should've think of that first before you enter this area."

"Sugurin niyo siya!"

Pinaikot ko ang mga mata ko bago sinipa ang paparating na kalaban. Akala naman kasi ng bunggot na to na hindi ko alam kung paano makipag-away.

Well,dear. I am not Zumi Florida for nothing.

Kahit masakit ang sugat ko ay pinilit ko paring patumbahin ang mga sumugod sa'kin dahil alam kong kapag nagpatalo ako dito ay ang buhay naman nina Traiven ang kapalit. And I don't want that to happen.

"Magaling ka bata." The demon praised me.

I gave him my smug look despite of the pain i feel on the left side of stomach.

"I am not a kid. I can even kill you here,right now."

He laughed loudly as if  i said something funny.

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon