𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

13.6K 264 6
                                        

AN: HI MGA BB'S! NAALALA NYO PA PO BA ANG STORY NA ITO? NAPOST KO NA SYA DITO PERO BINAGO KO... NAWA'Y SUPORTAHAN NYO PARIN!



''𝘛𝘩𝘰𝘶𝘴𝘢𝘯𝘥 𝘠𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘢𝘨𝘰 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘷𝘢𝘮𝘱𝘪𝘳𝘦𝘴 𝘴𝘶𝘥𝘥𝘦𝘯𝘭𝘺 𝘦𝘹𝘵𝘪𝘯𝘤𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘶𝘥𝘥𝘦𝘯𝘭𝘺 𝘥𝘪𝘴𝘴𝘢𝘱𝘱𝘦𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘳𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘧𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘺 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘣𝘰𝘰𝘬𝘴'

Nagising ako sa isang lugar kung saan ay hindi ko alam. Asan ba ako? Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot dahilan para mapabusangot ang mukha ko sa sakit.

Nang igalaw ko na ang katawan ko, nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaposas ako. What the h*ll?! Bakit ako nakaposas? Hindi ko alam pero biglang nanginig ang tuhod ko nang maalala yung nangyari...

Naalala ko na may sinabi sakin si Prof Leo, bago ko makita yung parang liwanag na nasa libro... Ano bang ginawa nya? Bakit ako nandito?

Biglang may pumasok na babae at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumutla nyang balat... Kinilabutan ako nang makita ko ang mga mata nya... Ang matang yan... Kung hindi ako nagkakamali... M-mata ng bampira...

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now