𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (27)
"Iha... Kumain ka na, ibinilin sakin ng mahal na prinsipe na kumain ka raw at wag magpalipas ng gutom" Magalang na saad nung matandang katulong. Nang lumingon ako sa kanya ay bahagya ko syang nginitian...
Nag aalala ko namang tiningnan ang labas at nanginginig na iniisip si Zian... Huminga ako ng ilang ulit bago ipinikit ang mga mata ko saglit...
"Hindi po makabubuti kapag palagi nyo po syang inaalala" Hindi pa pala umalis ang matanda. Ngumiti sya sakin bago nagsalita
"Kay ganda nyo naman po mahal na reyna... Masaya po akong makilala kayo. Ako nga po pala si Risa. Tawagin mo nalang akong nanay Risa" Ngumiti ako sa kanya at biglang may isang taong pumasok sa isip ko. Si nanay Nora. Kumusta na kaya sya? Ayos lang ba sya?
"Nakikita nyo po ba ang ang limang buwan na iyan?" Tiningnan ko ang itinuro nya at nakita ko ang limang makukulay na buwan. Pero may dalawang kapansin pansin. Pareho itong kulay itim. Habang ang iba ay kula dilaw, kahel, at puti... Parang may kung anong hiwaga sa likod ng mga buwan na iyon
"A-ano pong ibig sabihin nyan? Bakit po lima ang buwan dito?" Takang tanong ko. Hindi ko lang lubos maisip na meron pala tlagang lima ang buwan. Sa modern world kase, isa lang ang buwan.
"Hindi nyo po ba batid kung bakit?" Naitikom ko ang bibig ko bago umiling iling sakanya... Nakita ko namang nagtataka syang tiningnan ako...
"Bueno... Kaya may limang buwan ang nasa kalangitan. Ay dahil sumisimbolo iyan sa mga makakapangyarihang kaharian dito sa ating mundo... Ang kulay dilaw na iyan ay ang kaharian ng Galatea... Sakop ng kaharian ng Galatea ang lungsod o bayan ng galatea" Saad nya, sandaling pumasok sa isip ko si Myra. Nabanggit nya sakin na tubong galatea sya
"Ang kulay puting iyan naman ay sumisimbolo sa kaharian ng Crunos... Sakop ng kaharian ng Crunos ang bayan at lungsod ng Crunos" Bigla ko namang naalala na ang buwan na iyan ay sumismbolo sa bayan nina Victoria. Dyan sila nakatira
"Ang kulay kahel naman na isang yan na nasa bahaging hilaga, iyan naman ang simbolo ng kaharian ng Larissa... Sakop rin ng kaharian na iyan ang bayan at lungsod ng Larissa..." Napatango ako... At pinakatitigan ang buwan na iyon
Biglang nagawi ang tingin ko sa dalawwng itim na buwan... Nakapagtataka dahil parehas silang itim
"Kung nagtataka ka kung bakit itim ang dalawang iyan ay dahil ang kaharian at lungsod ng mga buwan na iyan ay parehong sumasabak sa digmaan..." Doon ko nainitindihan ang lahat...
"Kulay Asul ang kulay ng isang buwan na iyan na nasa bahaging kanluran. Ang kaharian ng Hyperion. Kung saan nabibilang ng pinakamalakas na kaharian dito sa ating mundo... Samantalang ang buwan na nasa bahaging silangan naman ay ang buwan na sumasagisag sa kaharian ng Nyx... Ang kahariang sakim at maraming masasama" Biglang pumasok sa isip ko si Rica
"Walang ibang ginawa ang kahariang iyan kundi ang maghasik ng lagim. Kapantay nila ang kaharian ng Hyperion pagdating sa kapangyarihan at karangyaan... Masyadong nabulag ang sinaunang hari sa kayamanan kaya naging ganun ang kanilang kaharian. Puno ng sumpa at malagim na kasaysayan" Halos mangilabot ako sa sinabi ng matanda...
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa dalawang maiitim na buwan na nasa itaas. Maya maya pa ay nagulat ako nang biglang may malakas na sumabog. Yumanig ang buong palasyo at nagkagulo ang mga kasamahan ko
"Jusko! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Malapit nang mawala at maubos ang ating lahi!" Natatakot nyang saad at nanginig sya
Hinawakan ko ang mga kamay nya bago nagsalita. Nag aalala ako sakanya
"Nay Risa... May problema po ba?" Tanong ko. Maya maya lang ay may pumasok na tatlong kawal sa kwarto namin at agad kaming nilapitan
"Sumama po kayo saamin mahal na reyna! Kailangan nyo pong maprotektahan!" Hinawakan ko ang kamay ng matanda bago magsalita

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...