"Iyo ba tlagang nakalimutan? Hindi mo ba tlaga maalala si Ricardo?" Takang tanong ni Analisa. Alinlangan akong umiling. Totoo naman kase, bukod sa boyfriend sya ni Victoria, hindi ko rin naman alam kung pano ko sya pakikitunguhan. Like, nag kikiss ba sila?
"Hindi tlaga... Nakalimutan ko talaga, Ate Analisa. Please, sabihin mo sakin" Pagpupumilit ko sakanya. Humarap naman sya sakin bago nagsalita
"Matagal mo nang kasintahan si Ricardo... Bagamat magkaiba kayo ng lahing pinanggalingan, hindi iyon naging hadlang upang mahalin nyo ang isa't isa" Nanatili akong nakinig sa kanya
"Do you mean isa syang royalty? Part din sya ng mga royalties? Gosh! What if mahuli kami ng mga parents nya? Lagot kami... Hindi ba bawal yun?" Saad ko sakanya. Parang nagpapanic ang sistema ko
"Ha? Ayusin mo nga ang iyong mga sinasabi... Hindi na kita mainitindan... Ano bang pinagsasasabi mo?" Nakalimutan ko na hindi pala tlaga sya marunong mag english.
"Ibig kong sabihin... Isa syang mayaman di ba? I mean royalty parang maharlika ganun... Hindi ba bawal yung ganun? So bakit may relasyon kami? Baka mahuli kami ng parents nya" Nag aalala lang ako kay Victoria... Alam ba to ng tatay nya? Gosh! Paniguradong pag nahuli sya pareho silang mapaparusaha
"Oo... Hindi nga iyon pwede... Ngunit, sadyang matigas kayong dalawa at ipinagpatuloy nyo parin ang inyong pagkikita at lihim na relasyon" Saad nya at napahinga ng malalim
"Hindi ba sya nangangamba na baka malaman to ng mga magulang ni Ricardo? Ate Analisa baka kung anong gawin nya kay Victoria... We need to do something... Kailangan nilang maghiwalay" Nagpapanic kong saad. Ako yung kinakabahan para sa kanilang dalawa
"Ikaw si Victoria... Ano bang nangyayari sa iyo? Nitong mga nagdaang araw tila nagbago ata ang kilos mo at madalas ka nang malimot sa mga bagay bagay... Tila naaapektuhan ka ng marka na nasa balikat mo kaya madalas ka nang makalimot" Saad nya. Gusto ko sanang icorrect na hindi yun dahil sa marka na nasa balikat ko kundi dahil hindi naman tlaga ako si Victoria...
"Mukhang siguro nga... Gusto ko sanang ipatanggal to. Gusto ko lang mawala tong nasa balikat ko. Kumikirot din kase" Saad ko. Napahinga naman sya ng malalim bago magsalita ulit
"Hindi na mawawala ang bagay na yan... Minarkahan ka na at mawawala lang ang bagay na yan kung sakaling mamatay ang taong nagbigay sayo nyan" Napahawak ako sa ulo ko. So it means, kailangan kong patayin yung may gawa ng bagay na to? Or kailangan syang mamatay ganun?
Ni hindi ko nga alam kung sino at kanino o kailan ko to nakuha. Ang sakit sa ulo!
"Paano ko mapapatay ang nilalang na yun?" Gulat namang napatingin sakin si Analisa
"P-papatayin? Hindi mo maaaring patayin ang may gawa nyan sayo Victoria, makapangyarihan sya... At isa pa, wala sa lahi natin ang pumatay ng tao" Saad nya pa at hinawakan ang balikat ko
"O-okay... Sorry naman, hindi na mauulit... Tsaka, pano na? Kailangan ko makipaghiwalay kay Ricardo ate" Saad ko. Namomroblema na tlaga ako.
"Ikaw ang bahala... Bakit biglaan ang pakikipaghiwalay mo sakanya? May problema ba kayong dalawa?" Tanong nya. Kung alam nya lang lahat ng mga naranasan ko, siguro hindi nya masasabi ang bagay na to
"Oo nag away kami" Saad ko. Napapikit ako. Ayoko sanag magsinungaling pero kailangan at hindi ko din naman bet yung si Ricardo na yun
"Nakita ko syang may ibang kasamang babae... Maganda at mas sexy sya sakin. Feeling ko naman di kami bagay" Saad ko. Gwapo naman si Ricardo pero ayoko sakanya. Kita kong napatakip ng bibig si Analisa at medyo nag aalala din sya para sakin

BINABASA MO ANG
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...