𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (23)
Halos hindi ako makapaniwala dahil sa nakita ko sa harapan ko. Biglang bumukas ang pinto pero di ko na iyon pinagtuuan ng pansin, sa halip ay nakatuon ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko... Nakakakilabot sya
"Love... I'm here--- hey! Who are you?! Why are you with my husband?!" Si Rica! Hindi nya pwedeng malaman na ako toh... Pero huli na ang lahat, nahablot na nya ang buhok ko. Gulat syang napatingin sakin at nanginginig ang mga kamay na binitawan ang buhok ko
"D-di ba patay ka na? Di ba?!" Tiningnan ko sya at nakita kong napaatras sya. Takot na takot nga sya na makita ako... Tinuro turo pa nya ako...
"P-pinatay na kita Victoria! Pinatay na kita! Bakit ba hindi kamawala wala?!" Sigaw nya at kumuha ng isang vase. Natuod ako sa kinatatayuan ko at parang di ko malaman kong anong gagawin ko...
Nakita ko kung pano nya ako batuhin pero imbes na umilag ay naestatwa ako. Akala ko ay matatamasn ako pero may isang nilalang na hinarangan ako... Napatingala ako sa kanya at kita ko parin ang mapupula nyang mata...
Sandali ko syang tinitigan. Takot akong salubungin ang mga tingin nya pero hindi ko naman maiwasang hindi sya matitigan. Nakakahipnotismo...
"Now I know who are you... He owns you right?" Naguguluhan man ay di nalang ako umimik. Alam kong yung impostor na prince Zian ang tinutukoy nya
"I felt sorry for him... Because I'm gonna own you, from now on..." Sana pala di nalang ako pumunta dito... Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko. Walang kurap kurap na nakatingin ako doon hanggang sa unti unting nabura ang paru parong pula sa braso ko. Bumalik ito sa normal pero nagulat ako nang biglang mapalitan ito
Isang maliit na dragon at may kulay asul na mata... Hindi ko alam kung kikilabutan o matatakot ako pero parang naghalo na lahat... Kita ko kung pano nya iyon himasin bago ako hinila papalapit sakanya
"Mang aagaw ka! Hanggang ngayon aagawin mo parin sya sakin!" Rinig kong saad ni Rica. Tinangka kong silipin sya pero hinarangan ako ni Prince Zian at umiling
"Just don't mind her... Would you mind if I'll marry you right now? Are you tired? My queen?" Malambing nyang saad pero sa tono ng boses nya ay kinikilabutan ako... Napailing ako... Naramdaman ko naman na hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko bago ako binulungan sa tenga
"Don't try to refuse me... I don't accept no answer... Understood?" Nang hindi nya marinig ang sagot ko ay pasimple nyang kinagat ako sa tenga... Dahilan para mapapikit ako. Nakagat ko ang labi ko dahil nagbibigay iyon ng kakaibang sensasyon sakin...
"Answer me... Do you understand?" Malamig nyang sabi kaya naman ay napatango ako...
"Say it... Tss. Don't bit your lips... You're so selfish... Lemme do it..." Nagulat ako nang sa isang iglap ay hinalikan nya ako... Ramdam ko mula doon ang may kasamang panggigigil... Kita ko mula sa peripheral vision ko ang galit na galit na si Rica.
Biglang bumukas pinto at iniluwa nun si Ricardo! Kinakabahan kong itunulak si Zian pero hindi sya natinag. Sadyang malakas sya kumpara sakin. Napahawak sya kay Rica na ngayon ay umiiyak na...
"Walang h*ya ka! Pati ba naman kasintahan ko aagawin mo?!" Galit na sigaw ni Ricardo. Humiwalay sya ng halik sakin at nakangising tiningnan ako bago nagsalita
"So? What if I own her right now? May magagawa ka? Wala di ba? Lemme tell you this... Kung ano ang gusto kong makuha makukuha ko. Well, your girlfriend is beautiful... Pwede mo naman syang ibigay sakin for the sake of your family right?" Hinawakan nya ang panga ko at hinalik halikan yun. Naiiyak ako sa ginagawa nya. Tiningnan ko si Ricardo, nakita kong napatingin sya sakin kaya humihingi ako ng tulong sakanya sa pamamagitan ng pakikipag usap sa mga mata nya...
"B-bitawan mo na sya Zian! Tama na! Umiiyak na sya ano ba?!" Nangangalaiting sigaw ni Ricardo... Napahinto naman si Zian bago ako tiningnan. Pasimple nyang pinunasan ang luhang kumawala sa mukha ko bago ako isinandal sa dibdib nya
"What ever f*cker!" Malamig nyang saad bago pinisl ang batok ko. Nakapagbigay yun sakin ng kuryente at bigla akong inantok. No! Ayokong matulog. Baka paggsing ko, nakatali na ako kasama ang demonyong toh! Pero sadyang makulit ang mata ko. Gustuhin ko man wag matulog ay di ko magawa, wala kong laban sakanya, isa lang akong hamak na mahinang nilalang at hindi pa galing sa mundong ito. Pero sya, sya ang totoong Prince Zian. Sya ang totoong Zian na kinatatakutan ng marami. Hindi ang lalaking minsan ko nang minahal
Nagising ako sa isang malaparaisong lugar. Napatulala ako sa ganda ng paligid. Sandali akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina. Teka kanina? Pero bakit nandito ako? Bakit nakahiga ako sa mga malilinis na damuhan? Sandali akong napatanga nang maalala ang nangyari kung saan na encounter ko yung totoong Prince Zian. Medyo kinilabutan ako sakanya...
Maya maya pa, isang nakaputing lalaki ang naaninag kong papalapit sakin. Maliwanag sya kaya medyo napapikit ako. Nang tuluyan ko na syang nakita, napatulala ako. Hindi maaari! S-si... Zian... Nakangiti sya sakin at...
"December..." Biglang nag iba ang tinig nya. Ang amo din ng mukha nya... Biglang kumabog ng malakas ang pintig ng puso ko at namalayan ko nalang ang sarili na nilapitan sya
"Z-zian..." Umiling sya bago ako tingnan sa mga mata nya
"Hindi ako ang totoong Zian. Gaya mo, meron din akong misyon. Nauna lang ako sayo sa mundong toh kaya nauna din akong makabalik sa totoo nating mundo dahil tapos na ang misyon ko. Nagawa ko na ang mga nakatakdang mangyari" Biglang kumirot ang puso ko. Nakangiti parin sya sakin
"Alagaan mo ang sarili mo. Alam kong gaya ko, malalampasan mo rin lahat ng pagsubok sa buhay mo... Pangako, kapag nakabalik ka sa mundo natin... Hahanapin kita... Papatunayan ko sayo kung gano kita kamahal... Yun ay kung di ka mahulog sakanya" Malungkot syang ngumiti bago ako nginitian ulit
"P-please, wag mo naman akong iwan... Paano ko maipapanalo to kung iiwan mo ko? Pakiusap..." Malungkot nya akong nginitian bago magsalita ulit
"Pasensya na... Wala akong maitutulong sayo... Pag butihin mo nalang ang lahat... Ako nga pala si Adrian sa totoong mundo. Ikinagagalak kong makilala ka, December..." Napatulala ako sakanya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pangalan nya... Adrian... Adrian... Adrian...
Unti unti syang naglaho. Naiwan akong mag isa. Nakita ko ang papalayo nyang bulto at nang akma ko na syang hahabulin ay bigla akong nagising sa katotohan...
Pagmulat ng mga mata ko. Madilim na pakigid ang bumungad sakin. Naramdaman kong yakap yakap ako ng isang makisig na lalaki. Nakasandal sa dibdib nya ang ulo ko. Inangat ko ang tingin ko at halos takasan ako ng lakas nang makitang sya nga... Ang totoong Prince Zian...
Nakapikit sya. Bigla ko namang naalala yung panaginip ko kanina. Nagpakita sakin ang impostor na Prince Zian... Si Adrian
"Adrian..." Hindi ko alam na naisambit ko na pala yun. Halos mapatili ako sa gulat nang biglang nagsalita ang kinakandungan ko
"Who the f*ck is Adrian?" Napalunok ako. Ang lamig ng boses nya. Naramdaman kong umaalog kami. At halos mamula ako sa hiya dahil nakasakay kami sa karwahe. Nakikita ngayon ng nagmamaneho na parang naglalampungan kami
"Don't stare at that f*cking driver... I might cut his head if I lost my temper" Napaiwas ako ng tingin nang sabihin nya iyon...
"S-san tayo pupunta?" Yan lang ang tanging lumalabas sa bibig ko. Sandali naman syang natahimik bago magsalita
"At may palace my queen... You'll marry me soon... I will be a future king... And you will be my queen... Sounds great right?" Nanatili akong tahimik at di na umimik. Pilit paring pumapasok sa isipan ko ang posibilidad kapag nasa kamay nya ako.
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami. Inalalayan nya akong bumaba. Yumuko ako dahil medyo nahilo ako. Nang iangat ko ang tingin ko, doon ko nakita ang napakagandang palasyo. Mas makulay, mas maganda, at mas malaki kesa sa naunang mga kaharian na nakita ko. Napatulala ako sa ganda nito... I didn't expect na meron pa tlagang mas gaganda pa sa ibang palasyo
"Welcome to our kingdom my queen... Get yourself ready, because you will have a big responsibility in this palace ... You will be the queen, I'm the king and soon, you'll bear our first child"

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...