𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (20)
"B-bakit mo ba to ginagawa sakin Zian? Hindi ka nman ganyan dati ah?" Mahina at diin kong tanong. Isang malamig na titig lang ang ibinato nya sakin bago nagkusang umalis sa kama at tinalikuran ako. Hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya! Hinding hindi...
"Why? Hindi ka ba nasiyahan na ginawa ko yun sayo? Just be thankful kase kahit papaano ay binibigyan parin kita ng atensyon" Naikuyom ko ang kamao ko bago pinigilang wag bumuhos ang luha ko
"W-walang h*ya ka... Apaka h*yop mo! Ano ba kaseng kailangan mo? Asan ba yung magaling mong asawa? Asan ba yung h*gad na yun?" Diin at puno ng galit kong tanong sakanya dahilan para sakalin nya ako
Halos hindi na ako makahinga dahil sa ginawa nya. Hindi ko man lang naisip na pwede nya itong gawin sakin
"Hindi h*gad si Rica! Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang asawa ko... Respetuhin mo sya! Isa ka lang naman parausan ko" Nagpumiglas ako at sa wakas ay nabitawan nya ako. Kaagad na dumapo ang kamay ko sa palad nya. Sinampal ko sya
"P-parausan? Parausan pala huh? Pwes paalisin mo na ko dito! Pakawalan mo na ako! Gusto ko nang umuwi samin! Gusto ko nang makatakas mula sayo! Ayoko na Zian! Ayoko na!" Malakas kong bulyaw at hinampas sya ng unan. Pero di man lang sya natinag...
Kaagad kong kinuha ang mga damit ko na hinubad nya kanina tsaka yun sinuot. Galit ko syang binalingan bago magsalita ulit
"Tatakas ako! At kapag nangyari yun, hindi na ako babalik pa sayo!" Bigla naman syang ngumisi bago lumapit sakin at bumulong sa tenga ko
"Okay... Run, as fast as you can... Pero kapag nahuli kita... Hindi na kita pakakawalan... Dahil una sa lahat, akin ka lang..." Nanindig ang balahibo ko dahil sa sinabi nya... Napaatras ako... Ipinagsawalang bahala ko naman ang sinabi nya bago lumabas sa kwarto nya...
Nang tuluyan na akong makalabas ay agad akong napasandal sa dingding. Doon ako umiyak nang umiyak pero panandalian ko naman yung pinunasan.
"Susmaryosep! Anong nangyari sayo iha?! Diyos ko! Bakit ang gulo ng itsura mo?" Nag aalala nyang tanong at napatingin doon sa may kwarto na malalpit sakin saka naawang tiningnan ako
"N-nay..." Kaagad ko syang niyakap bago doon humagulgol. Ramdam ko namang hinagod nya ang likuran ko bago magsalita
"Hayaan mo, kakausapin ko si Zian iha... Wag kang mag alala..." Mahina nyang saad kaya napangiti ako ng mapait.
"Halika, ihahatid kita doon sa kwarto mo" Saad nya at hinawakan ako. Namiss ko tuloy si mommy. She's always there for me kapag nalulungkot ako at may nanakit sakin
Nang makarating kami sa kwarto. Agad nya akong kinuhanan ng damit na masusuot at tsaka nilapitan
"Maligo ka muna... Ihahanda ko ang pambihis mo dito... Mag uusap tayo pagkatapos" Wala sa sarili akong napatango at kaagad na pumasok sa banyo.
Nang tuluyan na akong makapasok ay napasandal ulit ako sa dingding. Doon na naman ako umiyak. Pinahiran ko iyon bago nagbuhos ng tubig sa katawan. Sa bawat dampi ng tubig sa katawan ko ay nag papaalala sakin kung paano nya ako galawin. Feeling ko ang dumi dumi ko nang babae. Bakit ba kase nahulog pa ko sakanya? Bakit sa lahat ng pwedeng mahalin bakit sya pa?
Kahit na galit ako sakanya, nanaig parin sakin ang pagmamahal ko sakanya.
Nang matapos akong maligo ay kaagad akong lumabas at nagbihis. Nang tuluyan na akong matapos ay nakita ko si nanay Nora na nakaupo sa kama ko. Nang makita nya ako ay tinapik nya ang tabi nya senyales na doon ako pwedeng umupo.
"Masakit pa ba ang katawan mo?" Umiling iling ako bago nagsalita
"Y-yung puso ko po yung masakit nay..." Mahina kong saad. Pinunasan ko naman ang luhang kumawala sa mga mata ko.
"Wag mo munang punasan ang luha mo... Hindi ka pa naman titigil di ba?" Mahinang tanong nya sakin kaya natigilan ako. Umiwas sya ng tingin at huminga ng malalim
"Wag mong pilitin ang sarili mo iha... Sa kilos mo, alam kong pinipigilan mong maging emosyonal... Alam kong pinipilit mong ipakita na hindi ka mahina... Kagaya ng isang tula, hindi mabuting ipilit ang hindi naman tugma" Seryosong saad nya...
"Lahat ng mga bagay sa mundo, lahat ng mga pangyayari, may kaakibat na bakit... Bakit nangyayari ang lahat ng ito... Parang ganun lang... Alam kong gusto mo nang sukuan ang lahat... Alam kong gusto mo nang tapusin ang misyon mo" Sandali akong natigilan. Bakit nya nalaman? Paano nya nalaman na may misyon ako? Alam ba nya na tao ako?
"Pasensya ka na iha... Nabasa ko kase yung talaarawan mo. Wag kang mag alala... Di ko naman ipagsasabi sa kahit kanino na hindi ka totoong taga dito... Hindi ka galing sa mundong ito... Sana, wag kang matulad kay Victoria... Wag kang matulad sakanya at sana di mo danasin ang dinanas nya... Ang dinanas ng totoong Victoria..." Malungoot nyang saad.
"Alam ko sa mga oras na ito, tinatanong mo ang sarili mo kung bakit parang alam ko ang lahat... Nararamdaman kong malapit nang magwakas ang paninirahan naming mga bampira sa mundong ito... Alam ko na balang araw ay mabubuhay ang kauna unahang tao sa sanlibutan" Mahinang saad nya. Nanatili akong nakatingin sakanya
"Sige na... Magpahinga ka na... Mamaya, tutulungan kitang makatakas dito" Seryosong saad nya na ikinatigil ko
"P-pero... Bahagi po si Zian ng misyon ko... Kailangan ko po syang protektahan" Tutol ko pero umiling iling sya...
"Alam ko... Pero hindi ka rin dapat na mamatay o mapahamak sa mga kamay nya, kailangan mong tumakas... Huwag kang mag alala... Ako na ang bahala sa kaligtasan nya... Papadalhan nalang kita ng sulat" Saad nya kaya napatango ako. Desperada na akong tumakas...
Hatinggabi ako tinulungang tumakas ni nanay Nora... Dala nya ang isang gasera na nagbibigay liwanag samin. Naglalakad kami sa gubat. Dala dala ko rin ang ibang gamit ko. Gabay ni nanay Nora, sumunod lang ako sakanya... Ang sabi nya, ihahatid nya ako saamin.
Pero nagulat ako dahil imbes na daan ang dadaanan namin, isang tubig... Ramdam ko na parang medyo lumalalim ang tubig kahit hindi naman ako naglalakad. Napatingin ako kay nanay Nora na hindi sya gumalaw man lang... Bigla akong kinilabutan
"N-nay... Bakit parang nasa ilog tayo?" Tanong ko sakanya. Pero nagulat ako kung sino ang nasa harap ko... Hindi! Paanong....
"Ihahatid na kita sa iyong huling hantungan Victoria..." Ngumisi sya sakin...
"R-rica! Paanong... Anong ginawa mo kay nanay Nora? Nasan sya? Bakit ikaw ang nandito?" Pinaikot nya ang gasera at tsaka nagsalita
"Pinatulog ko lang naman sya... Nagbabalak kang tumakas di ba? Paniguradong hahanapin ka nya kaya ako na ang tatapos sayo para hindi ka na nya hanapin pa..." Nagulat ako nang biglang ihagis nya ang gasera sa tubig at hinawakan ako saka parang may isang bula akong nakita
Nang imulat ko ang mata ko ay doon ko nakitang nasa bangin kami. Kahit madilim. Kita ko ang lalim ng bangin... Paniguradong patay na ako kapag bumagsak ako dyan...
"May huli ka pa bang sasabihin bago mamaalam mahal kong kaibigan?" Nanginginig ko syang tiningnan
"R-rica maawa ka wag!" Pakiusap ko pero para syang bingi at ngumisi lang
"Sige na... Sabihin mo na... Dahil paniguradong hahanapin ka ni Prince Zian at ng pamilya mo... Sige na Victoria..." Umiling iling ako bago umatras
"H-hindi!" "Babawiin ko sayo si Zian! At ako ang magiging reyna Rica!" Tumawa ulit sya ng malakas bago nagsalita
"Talaga ba? Pwes hindi na yun maari! Dahil simula ngayon, mawawala ka na! Hindi ka na makakabalik sa totoo mong mundo! Mamamatay ka na!" Napatulala ako saglit. Isang malakas na pwersa ang tumulak sakin dahilan para mapatili ako at mahulog sa malalim na bangin. Namalayan ko nalang ang dugong umagos sa ulo ko. Kasabay nyon ay ang pagsara ng talukap ng mga mata ko.
Mahal na mahal kita... Prince Zian. Hanggang sa muli

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...