𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (18)
"Ihahatid kita sa inyo... Gusto mo?" Masuyong tanong nya sakin. Nandito kami sa likod ng hardin kung saan maraming mga bulaklak. Umiling ako sa kanya bago nagsalita
"Ayoko... Dito lang ako... Hindi ko sya iiwan" Saad ko. Nakita ko namang napahinga sya ng malalim bago malungkot na tumingin sa mga bulaklak
"Sige. Ikaw ang bahala... Basta, nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan" Napangiti at napatango ako bago sya niyakap.
"Salamat... Salamat at naintindihan mo ko Ricardo... Pasensya ka na kung biglang nawala yung pagmamahal ko sayo" Mahina kong saad at humingi ng paumanhin.
"Kung hindi ba sya dumating... Ako parin kaya?" Tanong nya sakin. Hindi ko naman intensyong saktan sya. Gusto kong sabihin sakanya na hindi ako si Victoria. Gusto kong ipaliwanag sakanya na hindi ako ang babaeng mahal nya. Kaso kapag sinabi ko yun, paniguradong hindi nya ako paniniwalaan
"S-siguro..." Gusto ko sana dagdagan pero wala na akong maisip na idadahilan. Napahinga ako ng malalim bago humiwalay ng yakap sakanya...
"Ayos lang yan... Wala namn kong magagawa di ba? Hindi naman kita kayang pilitin na mahalin ako pabalik... Maghihintay pa rin ako, hanggang sa mahalin mo ko ulit" Nginitian ko lang sya bago niyakap ulit
"Ehemm!" Napalingon kaming dalawa nang may biglang tumikhin sa likod namin. Doon ko nakita si Zion. May kasama syang babae. Sa tingin ko, isa syang prinsesa... Tiningnan ako nito at nginitian. Ngumiti rin ako pabalik. Mukhang palakaibigan naman sya
"Anong ginagawa mo dito mahal na reyna? At tsaka... Bakit mo kasama ang lalaking iyan?" Masamang baling nya kay Ricardo. Hindi ko rin alam kung bakit ang init ng ulo nya kay Ricardo...
"Kase..."
"Hindi na sya ang reyna ngayon..." Biglang saad ni Ricardo na ipinagtaka ni Zion
"Ano bang pinagsasasabi mo? Sya lang naman ang asawa ng kapatid ko" Ngising saad naman ni Zion... Tumingin sya sakin bago bumaling ulit kay Ricardo
"Ang kapatid kong si Rica ang magiging asawa ng kapatid mo. Nakalimutan mo na ba? Hindi papayag ang konseho kapag ang pinakasalan ng magiging hari ay isa lamang hamak na mahinang nilalang" Nilingon ko sya at nakita kong hinawakan nya ang kamay ko
"Paumanhin pero iyon ang tingin ng lahat sa mga kagay ninyo" Mahinang saad nya at para syang nag sosorry dahil hindi nya sinasadyang sabihan ako ng mahina. Sa huli, ngumiti lang ako sakanya at tumango. Alam ko namn na mahina tlaga ang tulad namin...
"Ako bang pinaglololoko mo? Hindi magiging reyna ang kapatid mo... Hinding hindi ako papayag" Hindi ko alam pero parang may gagawin si Zion. Meron akong nakikitang kapansin pansin sakanya
Tumawa naman si Ricardo. Nakita kong parang napipikon na si Zion sakanya kaya naman ay hinawakan nung babae ang kamay nya at masuyo syang nginitian na nakapagpakalma sakanya. Girlfriend siguro nya ang babaeng ito
"Tama na... Wag na kayong mag away... Hali na kayo, pumasok nalang tayo sa loob" Ngumiti ako sakanila. May pag aalala naman akong tiningnan ni Ricardo
"Hindi ka ba aalis dito? Baka masaktan ka na naman..." Mahinang saad nya. Napatingin naman samin si Zion bago nagsalita
"Anong sabi mo? Masaktan?" Nagtataka nynng tanong at bumaling ng tingin sakin na ikinayuko ko
"M-magkasama sina Zian at Rica" Saad ko at yumuko ulit. Natigilan naman si Zion bago huminga ng malalim at hinilot ang sentido nya...
"Myra, samahan mo na muna si Victoria hm? Kakausapin ko lang ang kapatid ko" Saad nya kaya naman ay ngumiti naman ang babae bago lumapit sakin at kumapit sa braso ko saka ako nginitian.
"At ikaw... Sumama ka sakin sa loob" Walang emosyong saad ni Zion kay Ricardo at agad naman itong sumunod. Naiwan kami dito ni Myra. Nakakapit parin sya sa braso ko
Nang kami nalang dalawa ay sya na ang unang nagsalita
"Ikaw pala ang magiging reyna ng palasyong ito... Kay ganda mo naman mahal na reyna" Bigla syang yumukod sakin dahilan para mapangiti ako. Ang amo ng mukha nya. Maganda at maputi rin sya
"S-saang kaharian ka pala galing?" Tanong ko sakanya na ikinangiti nya.
"Hindi ako isang prinsesa, isa lang din po akong mamamayan na katulad ninyo. Ako po ay galing sa bayan ng Galatea" Nakangiti nyang saad. Bigla naman akong nag alala sakanya
"Sana hindi ka matulad sakin. Sana si Prinsipe Zion na ang para sayo" Saad ko dahilan para mapangiti sya
"Hindi naman po sya magiging hari kaya wala po akong dapat ikabahala. Saka, matagal naman na po kaming may relasyon at alam na yun ng lahat" Saad nya...
"Ano nga po plang pangalan nyo mahal na reyna?" Tanong nya
"Wag mo na akong tawaging mahal na reyna... Hindi na ako magiging reyna. December nalang" Ngiting saad ko na ikinatango nya.
"Sige December... Ang ganda naman ng pangalan mo, ngayon ko lang narinig ang pangalang iyan" Ngumiti ako bago ulit nagsalita sakanya
"Ngalan ng buwan ang pangalan ko" Pag amin ko sakanya. Kumunot naman ang noo nya.
"Luna po ang pangalan ng buwan hindi December" Napatango ako. Oo nga pala, walang buwan dito sa kanila katulad sa modern world kaya di nya maiinitindihan ang sinasabi ko
"Oo nga pala... Ah basta, yung pangalan ko ay hindi ko alam kung saan galing, siguro sa libro nakuha ng nanay ko" Saad ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sakanya. Tsaka, gusto ko rin na tawagin nya akong December para hindi lang si Myrna at tumawag sakin nun
"Oo nga pala December... Kilala mo ba si Myrna?" Tanong nya
"May kilala akong Myrna, nagsisilbi sya duto tama ba?" Tumango at ngumiti naman sya. Bkit ba ang hilig hilig nya ngumiti? Nakakahawa tuloy
"Opo... Sya po ang ate ko... At balak ko po sana na kunin sya pag naging asawa ko na si Zion" Ngiting saad nya. Naalal ko bigla si ate Analisa. Bigla akong nalungkot. Nakasama ko man sya sa maikling panahon, alam kong naituring ko na syang parang kapatid
"Nandito pala dalawang hampas lupa" Napalingon kami sa nagsalita. Biglang nandilim ang paningin ko nang makita si Rica habang suot nya ang magarbong damit na pang prinsesa. Nakangisi sya samin
"Kawawang Victoria... Sabi ko naman kase sayo, hindi ka mananalo sa labang ito" Saad nya at tumawa. Parang may ibig syang sabihin sakin. Parang may alam sya sa lahat
"Ako na ang magiging reyna at magiging asawa ni Zian... At ikaw? Maiiwan ka sa putikan. Pwera nalang kung pakakasalan ka ng kapatid ko, at pag nangyari yun, hindi magiging madali ang magiging buhay mo sa mga kamay ko" Ngumisi sya ulit bago umalis.
Hinawakan naman ni Myra ang braso ko
"Ayos ka lang? Wag mo na syang pansinin. Kayo parin naman ang ituturing kong reyna" Pagpapagaan nya ng loob sakin. Dahil sa sinabi nya, nagkaroon ako ng lakas para lumaban. Gustong gusto kong sigawan si Rica pero natatakot ako, baka pag nalaman to ni Zian. Sasaktan nya ulit ako

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...