𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (13)

3.4K 129 6
                                        

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (13)

𝗧𝗛𝗜𝗥𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗩

"Bakit hindi mo pa tinuluyan ang babaeng yun kuya?!" Galit na singhal ni Rica sa kapatid nya na ngayon ay nakatulala habang umiiyak. Galit sya sa sarili nya dahil naipahamak nya si Victoria

"Rica manahimik ka na muna pwede? Ang dami dami nating problema dumadagdag ka pa?" Mahinahong saad ni Reece sa kapatid
Sinamaan nya naman ng tingin ang kuya nya

"Ano?! Ako mananahimik?! Hindi nyo ba alam na buntis ang Victoria na yun at si Zian ang ama?!" Gulat namng napatingin si Ricardo sa kapatid nya at mas lalo syang nasaktan nang malamang nag dadalang tao si Victoria pero hindi sya ang ama nito

"A-ano? Buntis sya?" Wala sa sariling tanong ni Ricardo sa kapatid... Ngumisi naman si Rica bago magsalita

"Oo... Pero swerte at nagkunan sya dahil pag nagkataon, mawawalan ako ng saysay kay Prince Zian... Akin lang sya! At maski ang Victoria na yan ay hinding hindi makakatalo sakin!" Matapang nyang saad. Napailing naman si Reece sa kapatid bago sumabat sa usapan...

"Bakit ba galit na galit ka kay Victoria? Magkaibigan kayo hindi ba?" Naikuyom ni Rica ang kamay nya at tsaka masamang binalingan ang kapatid bago ilabas ang kanyang mahika para matamaan ang kuya nya pero nailagan naman ni Reece at ngumisi pa

"Wag mo kong tatanungin sa bagay na yan! Alam ko na alam mong kaya ako galit sa kanya dahil bukod sa inaagaw nya sakin si Prince Zian... Pati sina ama at kayo ay inagaw nya sakin..." Biglang tumulo ang luha sa mga mata nya nang maalala nya ang mga bagay na yun

Simula pagkabata, matalik na silang magkaibigan ni Victoria... Itinuring nyang totoong kapatid si Analisa at Victoria pero dahil mas matanda si Analisa sakanya ay mas naging malapit sya kay Victoria na kasing edad lang nya

Kahit na isa syang prinsesa ay wala naman syang pakialam kung isa lang simpleng mamamayan ang mga kaibigan nya. Naging mag kaibigan sila nang minsang iniligtas sya ni Victoria mula sa mga masasamang descendantes na noon ay binihag sya

Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Dahil din doon ay nagkaroon ng trabaho ang kanilang ama na si Tata Canor na noon ay kanang kamay ng kanilang amang hari. Bagama't hindi nakapag aral, matalino si Victoria... Palagi nyang natatalo si Rica sa lahat ng kompetesyon pagdating sa katalinuhan... Nagkaroon si Rica ng pagdaramdam pero agad din iyong nawala nang ibigay ni Victoria ang napanalunan nyang medalya sa kanya

Kasabay silang lumaki at habang umuusad ang panahon, palagi nyang napupunang mas nabibigyan na ng atensyon ng kanyang ama si Victoria... Madalas nyang marinig ang mga papuri nito... Madalas rin syang ikompara kay Victoria bagay na pinakaayaw nya... Doon nagsimula ang namumuong galit nya kay Victoria hanggang sa wala syang magawa kundi makipag plastikan dahil kasintahan ito ng kanyang kuya Ricardo

Naiinis din sya minsan kay Analisa. Dahil kung wala si Victoria ay si Analisa naman ang mapagtutuunan ng pansin. Maging ang kanyang mga kapatid ay ipinagsawalang bahala nalang sya... Hindi rin sya nabibigyan ng sapat na oras... Lumaki sya sa sama ng loob.

"Nasagot ko na ang inyong mga katanungan hindi ba? Nalaman nyo na kung bakit masama ang loob ko kay ama at sainyo" Hindi nya mapigilang masaktan. Noon palang ang kanyang mga hinanakit pero itinatago nya lang

"Dahil kay Analisa at Victoria... Nawala ng atensyon nyo sakin... Nawala ang pagmamahal nyo sakin... Kung nandito lang sana si ina, hindi ko mararanasan ang mga bagay na ito..." Dahan dahan syang umupo at napahilamos sa sariling mukha... Napaiwas naman ng tingin ang mga kapatid nya

"We're so sorry... Hindi namin alam na---

"Hindi nyo tlaga malaman kase wala naman kayong pakialam!" Sabat nya at padabohmg na umalis... Naiwan ang dalawa na tulala at napahinga ng malalim

"How is she?" Nag aalalang tanong nya sa kanang kamay nya na si Gerald na ngayon ay kakalabas lang mula sa kwarto ni Victoria...

"Pwede na daw po kayong pumasok... May sasabihin po ang manggagamot sa inyo" Kaagad syang pumasok at doon nya nadatnan ang walang malay nyang asawa... Parang kinurot ng maraming beses ang puso nya... Kaagad nya itong nilapitan at hinalikan sa noo

"K-kumusta ang kalagayan nya?" Mahinang tanong nya sa manggagamot na ngayon ay namumutla dahil sa takot sakanya

"A-ayos na po sya mahal na prinsipe... Nalunasan ko na po ang sugat sa likod nya... Huwag po kayong mag alala... Natanggal ko na rin po ang lason na nakabaon sa likod nya" Napatigil sya sa sinabi nito

"Anong sabi mo? Lason?" Napatango naman ang manggagamot bago magsalita ulit

"Opo, isang nakamamatay na lason na mula sa ngipin ng dragon... Buti po at naagapan kaagad dahil kung hindi, maaari nya itong ikamatay" Napatango naman sya at pasimpleng ikinuyom ang kamao nya... Kung sino man ang may gawa nito sa babaeng mahal nya ay hindi nya ito mapapatawad

"Makakaalis ka na... Salamat sa tulong..." Bagama't nabigla ay tumango ang mangagagamot habang palaisipan prin sakanya, dahil unang beses na nagpasalamat ang isang kinatatakutang prinsipe sakanya

Nang makalabas na. Naiwan sya. Naiwan si Zian kasama si Victoria... Pinakatitigan nya ang maamo nitong mukha bago inilapit ang labi nya sa labi nito saka masuyong hinalikan...

Hinaplos nya ang mukha nito at saka isiniksik ang mukha sa leeg nito. Pakiramdam nya, kapag nakahiga sya katabi si Victoria ay payapa ang lahat. Masaya ang lahat at wala syang iniindang problema kahit ni isa bagay na hinihiling nya na sana ay ganito nalang lahat...

"Hindi mo parin ba ako maalala mahal ko?" Mahina nyang tanong at humiga ng tuluyan sa tabi nito. May kung anong sakit ang naramdaman nya dahil sa hindi sya nakilala ng babeng minsan nang ipinagtanggol sya mula sa binggit ng kamatayan...

Hindi nya malilimutan ang gabi kung saan may humahabol sakanya. Sakay ang isang kabayo... Bagama't may sapat namn syang kapangyarihan ay nangangamba parin sya sa kanyang kaligtasan...

Natamaan sya ng pana sa kanyang braso. Naramdaman nya na ang panang iyon ay may lason base sa pakiramdam nya... Lason na nagtataglay ng ngipin ng dragon... Sa mga oras na yun, wala syang kasiguraduhan kung mabubuhay pa sya gayong marami nang nagbabanta sa buhay nya...

Akala nya, huli na ang lahat pero nakaring sya ng isang boses. Naamoy nya agad ang mabango nitong dugo pero wala syang kakayahan para lapitan ang babaeng iyon. Akala nya, ito ang taong pumana sa kanya pero hindi pala.

Nagulat sya nang bigla syang hawakan nito at halatang nataranta ang babae... Nang imulat nya ang mata nya ay nakita nya ang isang napakagandang babae na ngayon nya pa lang nakita... Hindi nya maialis ang kanyang tingin mula rito at sa kauna unahang beses, tumibok ng pagkalakas lakas ang puso nya. Hindi dahil sa kaba kundi dahil sa nabighni sya sa babaeng nasa harapan nya...

Kaagad nyang hinawakan ang braso nito at psinple nya itong minarkahan at tinanong ang pangalan. Mula ngayon, minarkahan nya ang babaeng ito dahil balang araw, ito ang magiging ina ng kanyang mga magiging supling

Bagama't nagtaka sya dahil iba ang pangalan na sinabi ng babae pero ipinagsawalang bahala nya lang iyon. Pakiramdam nya din y iba ang nasa harapan nya at hindi si Victoria... December... Iyon ang unang pumasok sa isipan nya at pilit na hinahanap kung sino iyon pero walang makapagsabi kung sino iyon kahit na nag utos na sya ng ibang mghahanap nito pero wala parin. Sa huli sumuko sya

Sa pamamagitan ng markang iyon ay nahanap nya ito pero malaking palaisipan kung sino si December at ano ang koneksyon nito sa babaeng nasa harapan nya

Kung sino man ang babaeng nasa harap nya at kung sino man ang tinutukoy nito ay wala na syang pakialam pa. Ang mahalaga, nasa kanya ang babaeng mahal nya. Hinalikan nya muna ito sa noo bago nagsalita

"Rest well my love... Madami ka pang ipapaliwanag sakin... Maraming marami" Malmbing nyang saad at hinalikan ang labi nito bago napagdesisyonang umalis...

Pasimpleng ikinuyom ni Rica ang kamay nya... Unti unting umagos ang masaganang luha sa mga mata nya... Hindi na sya naiinis kay Victoria. Kinamumuhian na nya ito...

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now