𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (15)
Lumipas ang ilang araw at tuluyan na akong nagising. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nakikita ngayon si Rica. Pansin ko rin na iba na ang pakikitungo sakin ng mga kasambahay, kung dati ay tinatarayan nila ako pero ngayon ay nginingitian, at binabati pa nila ako. What the hell is going on?
Napahinga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad nang makita ko si Zian. Nakatalikod sya sakin habang nakaupo at parang may hinahawakang picture frame. Sa loob din ng ilang araw ay naramdaman ko ang pag aalaga nya sakin, kaya lang, kung minsan ay nagiging mainitin ang ulo nya at pinapagalitan ako.
Dahan dahan ko syang nilapitan. Nakaumang ang pintuan ng kwarto nya kaya naman ay malaya ko syang nakikita. Dahan dahan din akong lumapit sa kinaroroonan nya at palihim na umupo sa tabi nya
"I-i miss you mom..." Nakita ko kung pano sya umiyak.
"I really miss you" Dagdag pa nya at hinalikan ang picture frame. Para naman akong na touch dahil sa ginawa nya. I never thought na ganito sya kalambot despite of his cold and dangerous appearance. Akala ko, wala tlaga syang puso but I was wrong.
"D-dont worry mom... They'll pay what they did to you... I'll make them pay" Malamig nyang sabi. Kita ko kung pano nya pahiran ang mata nya na para bang isang bata..
So, kaya ba ayaw nyang may pumasok sa kwarto nya kase ayaw nyang may makakakitang umiiyak sya? Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa nalaman. Sinosolo nya lahat ng sakit sa puso nya
Bigla ko syang niyakap patalikod. Ramdam kong natigilan sya at dahan dahang nilingon ako.
"W-wife... What are you doing here... Di ba dapat nagpapahinga ka? Then why are you here?" Mahina nyang tanong sakin. Hindi ako umimik at mas lalo syang niyakap
"Just a minute Zian... Alam kong kailangan mo ng comfort" Saad ko at pasimpleng ngumiti sakin. Hinawakan namn nya ang kamay ko at pinsil iyon. Sa tuwing gagawin nya yun, para akong kinikilig na ewan. Sign na ba to na nahulog na ko sakanya?
Gumalaw sya kaya napabitaw ako ng yakap sa kanya. Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan sa noo bago ngumiti at nagsalita...
"Sinusundan mo ba ko? Did you miss me? Kakabisita ko palang sayo kanina ah?" Kumunot ang noo ko bago nginitian sya
"Masama din bang puntahan ko ang asawa ko?" Natigilan sya dahil sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala...
"W-what did you say? I wanna hear it... Repeat it... Please..." Malumanay ko syang nginitian bago hinila sa batok at hinalikan... Gumanti din naman sya kaya naman ay humiwalay ako kaagad sakanya at nagsalita
"Ang sabi ko, masama bang puntahan ang asawa ko? May iba pa ba akong asawa?" Tinaasan ko sya ng kilay pero umiwas lang sya ng tingin. This past few days ay napapansin kong parang hindi sya mapakali at tahimik.
Hinila nya ako at niyakap ng mahigpit...
"Of course not... You know what? Masaya ako kase nandito ka... I'm really happy kase binisita mo ko... I thought you didn't love me at all..." Napahinga ako ng malalim bago magsalita
"So, your mom died? When? Hindi ko man lang nakita ang second mommy ko" Biro ko sakanya pero imbes na tumawa ay nalungkot pa sya" Tumingin sya sa labas at nakita ko ang unti unting pagpatak ng luha sa mga mata nya
"She's now in heaven... I wish... I wish na sana nandito pa sya... Sana sinabi nya sakin na aalis sya para naman di ako umasa na babalik pa sya... Sana isinama nalang nya ako" Humagulgol sya na parang bata, niyakap ko sya para iparamdam ko sakanya na hindi sya nag iisa. Na nandito ako, hindi man ako sigurado pero handa na ako, handa na akong manatili sa tabi nya hanggang sa matapos ang misyon at pagbabantay ko sakanya
"Ayoko na!" Maktol ko nang hindi ko man lang matamaan yung target na nasa gitna gamit yung pana. Nandito kami ngayon ni Zian sa training ground. Ang sabi nya, tuturuan daw nya akong lumaban since ako daw ang magiging reyna at sya ang magiging hari...
"Take two... Wag ka kaagad susuko Victoria... You can do it. I swear magagawa mo yan! Go!" Nag thumbs up sya sakin kaya natawa ako. Okay, so hindi lang pala sa modern world may thumbs up? Pati rin pala dito?
Ang cute nya pag chinecheer nya ko. Para syang isang fan...
Huminga ako ng malalim bago isinentro ang hawak kong pana at nag concentrate sa target. Nang masiguro kong nasa center na ay agad ko itong binitawan.Ganun nalang ang gulat ko nang may sumalo sa panang yun, napaatras ako. Kaagad namang lumapit si Zian sakin at inilagay ako sa likod nya.
Nakita ko si Ricardo, malungkot syang tumingin samin. Agad nyang itinira ang nakuha nyang pana sa gawi ni Zian pero buti nalang at nahatak ko sya. Nakita kong ngumisi si Ricardo.
"What are you doing here a**hole?" Walang ganang tanong ni Zian kay Ricardo na ngayon ay nakatitig sakin
"I'm just visiting you majesty, may masama ba?" Sarkastiko nitong tanong. Biglang pumasok kaagad sa isip ko na sya ang pumana sa likod ko.
"You're disturbing us b*stard! Leave us and get lost can you?" Nakatitig parin sakin si Ricardo at parang may gusto syang sabihin sakin.
"Ang galing, ako pa ngayon ang nakakaisturbo sainyo? Lemme remind you kamahalan, na ang babaeng kasama mo, ay kasintahan ko" Nanlaki ang mga mata ko. Oh my god! Oo nga pala! Girlfriend nga pala nya si Victoria... Pero di naman ako si Victoria
Nilingon ako ni Zian at parang nagtatanong sya sakin kung totoo ba ang sinasabi ni Ricardo
"O-oo... Boyfriend ko nga sya pero hiwalay na kami..." Kinakabahan kong saad. I'm sorry Ricardo, I need to do this. Pero si Victoria tlaga ang girlfriend mo at hindi ako. Tumawa naman sya ng malakas.
"So totoo nga? Buntis ka Victoria? At ngayon sinsabi mo sa prinsipeng to na hiwalay na tayo? Pano mo nagawa to? Si Rica ang asawa nya at hindi ikaw!"
"Shut up! Your sister will never be a queen in this kingdom! She's just my concubine at wala nang hihigit pa dun" Malamig na saad ni Prince Zian... Nangangalaiti naman sa galit si Ricardo bago nagsalita
"Hindi nyo ba alam na nagbalak magpakamatay ang kapatid ko dahil sa inyo ha?! Dahil sa kagaguhan nyo! Nagtangkang magpakamatay si Rica! Nagsumbong sya samin, h*yop ka, sinampal mo ang kapatid ko... Wala kang karapatang saktan sya!" Dahil sa sigaw ni Ricardo ay nagtago ako sa likod ni Prince Zian
"Lower your voice... You're scaring her" Niyakap nya ako bago nagsalita ulit
"Leave us alone... At pwede ba, wala akong pakialam kung mamatay man ang kapatid mo, she deserve it... She's so desperate to the point na sasaktan nya si Victoria..."
"Hindi ganun ang kapatid ko, magkaibigan sila ni Victoria... Baka gumagawa ng kwento yang babaeng yan..." Napatingin ako sakanya. Napalunok sya at ramdam kong parang napipilitan syang sabihin yun sakin...
"Bawiin mo ang sinabi mo... Hindi ganun ang asawa ko" Diing saad ni Zian at nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya... Tumawa naman ng malakas si Ricardo na parang nababaliw bago nagsalita ulit
"Asawa? Really? Asawa mo sya? She's not a princess nor one of a royalties pero bakit naging asawa mo sya? Alam mo ba na labag sa batas ng konseho ang ginagawa mo Prince Zian?" Ngumisi si Ricardo. Tiningnan ko naman si Zian at nagbabakasakaling mali ang sinasabi ni Ricardo pero umiwas lang sya ng tingin.
"Yeah I know... But please, Leave us alone... You're disturbing us... Nag eensayo kami" Malamig nyang sabi kay Ricardo. Malutong namang ngumisi si Ricardo bago nagsalita
"Sige... Sabi mo eh... Pero wag kang pakampante Zian... Nasa itaas ka pa ngayon, darating ang araw na babagsak ka" Napaigtad ako dahil kaagad naglanas ng isang mahika si Zian. Isang yelo.
Pero kaagad itong nailagan ni Ricardo at tumawa pa sya bago nawala na parang bula. Nakakakilabot ang tawa nya at dumagundong pa tlaga hanggang sa kasulok sulokan ng palasyo. Tiningnan ako ni Zian bago nagsalita
"I need to rest... Bumalik ka na rin sa kwarto mo" Saad nya at iniwan ako. Nakaramdam ako na parang may hindi magandang mangyayari... Feeling ko parang may masamang mangyayari sakanya o saakin... Balang araw...

BẠN ĐANG ĐỌC
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
Viễn tưởngTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...