𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (1)

9.7K 209 2
                                        

"Do you believe in fantasy?" Napairap ako sa kawalan nang magsimula na namang magkwento si Prof Leo... Here we go again. I know magkukwento na naman sya about fantasy and yan ang kinaiinisan ko

Umupo sya sa lamesa at masayang humarap sa mga kaklase ko na halatang excited makinig sa panibagong kwento nya

"Sir, totoo po ba ang vampires? I heard po na totoo daw sila and they exist nung mga thousand years pa, sayang di natin sila nasilayan o naabutan"

"Is it true po ba na nabubuhay sila noon but they extinct because of humans?"
"Eh yung reincarnation sir. Is that true rin po ba?"
"Yung mga fairies? Are they real?" Halos masuka naman ako sa mga tanong nila... Seriously? Pati boys na kaklase ko fairies na din ang gustong maging topic? Kasalanan to ni Prof eh! Actually he's really weird. Yung tipong parang ang seryoso tlaga ng mga kwento nya na parang mapapaniwala ka tlaga na totoo sya...  Pero dahil hindi ako uto uto, mabilis din akong hindi maniwala.

Ngumiti muna sya ng malawak bago magsalita

"Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sa inyong they're quiet real?" Narinig ko ang bulung bulongan nila na ikinataas ko ng kilay. Don't tell me naniniwala na naman sila sa bagay na yan? Inis akong napasabunot sa sarili kong buhok. Mukhang magiging story time ang mging klase namin ngayon ah?

"Really sir? Eh what about powers, magics, witches, dwarfs and fantasy world is it possible na it's quiet real din po?" Hindi lang pag kainis kay sir ang nararamdaman ko ngayon, pati na din sa mga uto uto kong kaklase na naniniwala. Tsk!

"It's possible that they're quiet true din... Wala naman tayong evidences na totoo sila. But try to look at your places, the people that surrounds you, do you think totoo sila?" Napahinga ako ng malalim. Masisira utak ko.

Agad akong tumayo dahilan para mapatingin silang lahat sakin. Tinaasan ko sila ng kilay kaya umiwas sila ng tingin at hindi na ako tiningnan pa..

"What are you doing Ms. Castro?" Tanong ni Prof... Gusto ko sanang samaan sya ng tingin kaso baka mapagalitan nya ako at ibagsak sa grades ko. Wag naman sana!

"Mukhang magsostory telling na naman kayo sir... Aalis lang ako, baka kase madisturbo ko kayo" Bored kong sabi pero walang emosyon at seryoso nya lang akong tiningnan...

"Aalis ka? Hindi mo lang ba aalamin kung bakit hindi na nabubuhay ang mga bampira sa panahon ngayon?" Seryoso padin ang mukha nya

"Prof... I'm not interested at your story got it? Hindi din naman po ako mahilig sa fantasies at alam ko namang hindi magkakatotoo yan. Kakabasa nyo yan ng libro" Saad ko at aalis na sana nang magsalita ulit sya

"Subukan mong lumabas... Pero siguraduhin mo lang, na sa bawat desisyon na gagawin mo. Asahan mo na may kaakibat itong mangyayari. At siguraduhin mo lang na handa ka sa mga bagay na yun at handa kang harapin ang mga posibleng mangyari na magiging dahilan para magbago ang takbo ng buhay mo... " Agad akong napabalik sa kinauupuan ko at agad na umupo. Hindi ko alam pero bigla akong natakot...  Bakit ba kase ang lalim nya magsalita. Di ko sya maintindihan minsan

"W-what do you mean sir?" Tanong ko nang makaupo na ako. Kita ko parin ang seryoso nyang mukha

"Ibig kong sabihin... Sa oras na aalis ka nang hindi pa natatapos ang klase ko asahan mo na ipapatawag ko ang mga magulang mo at siguraduhin mong tanggap mo ang marka na ibibigay ko sayo" Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung bakit hindi ako kumbinsido sa sinasabi nya...

Parang may iba pang ibig sabihin na di ko alam kung ano at feeling ko parang kailangan kong malaman. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at pinilit na makinig sa pambata nyang kwento tsk! .... Actually, 45 years old na si Sir Leo pero bakit hanggang ngayon ay ang hilig nya padin sa fantasy?

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now