"S-san mo nakuha ang markang iyan?" Napatingin ako kay Analisa dahil sa itsura nya ay para syang takot at halatang di mapakali. What's the problem with this? Tatoo lang naman to and di naman big deal to di ba?
"Ahh! Ito ba? I don't know rin kung san ko nakuha to, you know, nalaman ko lang nung may nagsabi na kanino ko raw to nakuha. I don't know kung san" Confident kong sabi. Totoo naman, I really don't know kung san ko nakuha ang bagay na to. Hindi ko rin naman kase alam kung where
Hinawakan nya yun at sandaling napatulala mula doon. Hindi ba sya nakakita ng mga ganitong marks or tattoo dati? Marami kaya to sa mga tattoo shop.
"H-hindi ako makapaniwala... Ang markang ito. Kung hindi ako nagkakamali. Marka yan ng isang maharlikang descendantes" Hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi nya. Ano raw? Marka ng isang descendants? Ano yun?
"A-ate paki explain please, di ko tlaga gets yung sinabi mo" Saad ko pero kinunutan nya naman ako ng noo. May problema ba sa sinabi ko?
"H-hindi kita maintindihan... Anong sabi mo?" Naguguluhan nyang tanong. Napatahimik ako at parang hindi muna ako makapagsalita
Baka isipin na naman nya na nasasapian ako! Oh no! Ayoko masampal ulit. Ang sakit kaya nya manampal"A-ahh... Ang ibig kong sabihin ay, hindi ko mainitindihan ang iyong mga sinabi... Yun nga" Mukhang na convinced ko naman sya. Bakit di sya nakakaintindi ng english eh samantalang sa mga story books or sa mga movies na napapanood at nakikita ko bihasa sila. Does it mean na may hindi sinasabi yung book?
"Nangangamba ako para sayo Victoria..." Kita ko ang pag aalala sa mukha nya na parang may malaki tlagang problema... Pati ako kinabahan sakanya
Hinawakan nya ang braso ko na may marka at nagsalita ulit"Lingid naman sa iyong kaalaman hindi ba na kapag may marka kang ganito, ibig sabihin ay pag mamay ari ka na nang isang descendantes... Minamarkahan ka nya bilang pag aari nya... Maaaring maging alipin, o maging kanyang asawa" Hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi nya... What? Ako magiging slave ng demon vampires? Never!
Humarap sya sakin at kaagad na niyakap ako.
"Nangangamba ako sayong kaligtasan... Hindi biro ang dadanasin mong buhay kapag minarkahan ka nila at mapasakamay ka nila... Maraking pagsubok ang daranasin mo... Natatakot ako para sayo" Bigla akong nalungkot at niyakap din sya pabalik.
Pati rin ako ay nahawa sakanya. Ngumiti ako bago kumalas ng yakap at nagsalita
"Wag kang mag alala ate Analisa... Promise ko sayo na hindi ako mapapahamak... Tsaka, keri ko yang mga jejemon na vampires na yan noh? Kaya tiwala ka lang!" Nguniti ako at pinakita ang muscles ko na ikinatawa nya
"Minsan hindi tlaga kita maintindihan. Hindi ko tlaga alam kung bakit nag iiba ang iyong pananalita na para bang nabibilang ka sa mga descendantes" Saad nya. Agad naman akong naupo at nagsalita
"Pinag aaralan kase yun kaya naman ay natutunan ko" Palusot ko dahil alam kong magtatanong padin sya tungkol sa mga bagay bagay na yan...
"Pinag aralan? Iyo bang nakalimutan na hindi tayo nakapag aral?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. So it means di rin sila marunong magbasa ganun?
"A-ahh! Basta! Nagpaturo ako dun sa matandang si ano..." Sino ba kase yung ipapalusot ko?
Naputol ang pag uusap namin nang pumasok si ama. Ang weird pakinggan na nakikitatay ako sa kanya even though di ko sya tatay. Pero no choice ako, from now on magiging si Victoria na ko...
"Analisa... Paghandain mo ang kapatid mo... Dumating na si Tandang Sito at nais kong patingnan ang kapatid mo sakanya para makasiguro tayo" Tumango naman si Analisa at naghanda. Sino kaya si Tandang sito. Curious ako

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...