𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (7)

3.7K 146 15
                                        


"Bakit pala tayo nandito? Sinong may birthday?" Tanong ko.

"Dumating na kase si Prince Zian ng Hyperion... Naalala mo nung mga bata pa tayo? Nung naikwento ko sayo na lalaking napupusuan ko?" Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi nya. Grabe! Ang dami kong hindi nalalaman tungkol sa kanya. Tsaka... Prince Zian? Napalunok ako... Gosh! Baka malaman nya na hinawakan nung Zian yung braso ko

Umiwas nalang ako ng tingin bago tumingin ulit sa nakakalulang fountain... Maya maya pa ay may mga grupo ng babaeng lumapit samin. Napalingon kaming dalawa ni Rica sakanila.

Kita ko yung magagandang damit nila na halatang mamahalin... Napa wow pa ko dahil sa naisip...

"Hi Rica! You're here! Invited ka pala! How are you?" Napatingin ako sa babaeng makapal yung make up. Maganda sya at binati nya si Rica. Ngumiti naman si Rica at nagsalita

"I'm fine Cheska! Thanks... Nga pala, Victoria, my best friend" Saad ni Rica... Tumingin ako sa babae pero tinaasan nya lang ako ng kilay... Porket ganito yung suot ko?

"Victoria? She's one of the royalties?" Takang tanong nung isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tsaka ako insimiran

"No... She's not..." Saad naman ni Rica at agad syang pumunta sa hanay nila at iniwan ako

"Aren't you aware na baka sisirain ng babaeng cheap na yan ang reputation ng family nyo? Be aware Rica..." Saad nung isa. Napahawak ako sa saya ko... Ayoko din kaseng basta basta nalang lumaban... Baka kung anong gawin nila sakin

"Never mangyayari ang bagay na yan... I won't let that happen... And besides, I'm just using here, and kuya just playing with here" Nanlaki ang mga mata ko. Plastik! Napatingin ako sakanya pero ngumiti lang sya

"Pinapatanong lang nila kung kumusta ka na raw?" Ngisi ni Rica. I glared at her. Manloloko tlaga ang babaeng toh. I never expected na may plastik na kaibigan si Victoria

"I'm fine..." Ngumisi din ako bago tiningnan sila na halatang nagulat dahil sa sinabi ko. Maski si Rica ay hindi nakapag salita

"Using and playing huh?" Sarkastiko akong ngumisi at bumaling kay Rica na ngayon ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin...

"N-naiintindihan mo kami?" Gulat na tanong nung isa... Tsk! Mga naturingang prinsesa pero masasama naman ang ugali

"Isn't it obvious? Sinagot ko nga kayo di ba so wag kang t*nga" Kita ko namang naikuyom nya ang kamao nya... Tiningnan nya ang hawak nyang wine at nakangising napatingin sakin. Hindi ko alam kung anong itatawg ko sakanya, masydong obvious ang gagawin nya. May time ako para makailag.

Agad nya ung itinapon sakin pero umilag ako kaya yung taong nasa likuran ko yung nabasa... Nakangisi at iiling iling ko syang tiningnan

"What the hell?" Mahina nyang sabi...

"What's happening here?" Isang malamig na boses ang pumukaw samin. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Pamilyar sakin ang boses na yun... Unti unting kumirot yung braso ko at parang nasusugatan na naman kaya hinawakan ko ito

Agad namang lumapit si Rica dun sa lalaki. Nang lumingon ako, ang dalawang kulay asul na pares na mata ang bumungad sakin. Malamig itong nakatingin sakin. At habang patagal na patagal ang titig ko sakanya ay mas lalong sumasakit ang braso ko dahilan para mapapikit ako

"H-hi Zian... Nice meeting you... My name is Rica a princess from Kingdom Nyx" Napamulat agad ako ng mata nang marinig ko ang pangalan nya.

Pero nagulat ako nang biglang may isang bagay na dumampi sa braso ko. Isang malamig na bagay at nang tingnan ko ito ay nakita ko ang kamay ni Prince Zian... Hinawakan nya ang braso ko at parang tinatakpan ang marka mula roon

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now