"Anong balita? Kumusta ang iyong pakikipag usap kay Tandang sito?" Usisa sakin ni ate Analisa. Actually, kailangan ko rin ng mapagsabihan ngayon, you know, kahit na hindi ko totoong kapatid si Analisa alam kong concern sya sakin. Sabagay, akala kase nya kapatid nya ko
"Sabi ni Tandang sito. Kailangan ko raw pangalagaan ang markang toh" Agad kong tiningnan ang braso ko at nakita ko ang pulang marka na nasa balikat ko. Hinawakan ko yun at tsaka dinama ang gaspang nun para tlaga akong may tattoo
"Huh? Bakit raw? Ngunit delikado ang iyong kalagayn nyan Victoria..." Hinarap ko sya at hinawakan sa balikat nya. Ginaya ko lang yung ginagawa nya sakin
"Okay lang ako... Ako nang bahala sa lahat ate... Magtiwala ka sakin, walang mangyayaring masama sakin... Pangako" Saad ko. Kita ko namang napahinga ng malalim si Analisa bago nagsalita ulit
"Sige... Hindi na ako mag aalala pero ito ang maibibilin ko sayo, mag iingat ka at kung may problema man ay wag kang mag dadalawang isip na sabihan ako" Saad nya kaya napatango ako.
Nasa labas ako at abala sa pagsusulat ng mga dapat kong gawin para sa magiging misyon ko... Tama nga si Prof Leo. Kailangan kong paghandaan ang mga bagay na posibleng mangyari. Nang biglang may sumigaw at tumawag sakin.
Nang tingnan ko sya ay nakita ko ang nakangiti nyang mukha. Maputi rin sya, maganda at mahinhin kumilos. Hindi ko sya kilala at never ko pa syang naeencounter. Sino ba sya?
Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Nang humiwalay sya sakin ng yakap ay kaagd nya akong hinarap nang nakangiti
"Kumusta ka na?" Hindi parin ako umimik at gulat na nakatingin sa kanya. Kaibigna din ba sya ni Victoria?
"S-sino ka?" Naguguluhan kong saad. Kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. At nang mapatingin sya sa braso ko ay kaagad na masama ny akong tiningnan
"Anong sino ako? Hindi mo ba ako nakikilala Victoria? O sadyang nagpapanggap ka lang? Tsaka, bakit may marka kang ganito?" Usisa nya. Napatingin naman ako sa braso ko. Problema nya?
"Hindi nga kita kilala. Sino ka ba? Tsaka hello? Magtatanong ba ko kung kilala kita? Mindset naman!" Inirapan ko sya at hindi tiningnan. Sya yung pumunta dito tas ako pa aawayin nya? Napatayo namn sya pero di ko sya pinansin. Ang dami kong problema tapos dadagdag pa sya?
"Victoria... Ikaw pa ba yan? Bakit nagbago ka ata? Nakalimutan mo na ba na ako ang iyong matalik na kaibigan? Ako ito si Rica! Bakit hinfi mo ko nakikilala? May kailangan ka pang ipaliwanag sakin!" Inis ko syang binalingan bago nagsalita
"Talaga? Best friend kita? Eh bakit jan sa inasta mo parang hindi? At tsaka, hindi ko na kilala kung sino si Rica di ba? Sang lupalop ka ba galing?" Sumasakit ulo ko sa lugar na to! As in ang daming problema na ewan!
"Wag ka nang mag maang maangan pa... Iyo bang nakalimutan na ako si Rica? Kapatid ng iyong kasintahan!" Biglang pumasok sa isip ko yung Ricardo na pumunta dito... Tiningnan ko yung Rica at nakita kong umiiyak sya
Tumaas ang kilay ko at nakita kong napaupo sya pero hindi ko sya tinulungan. Napairap ako sa aking naisip. Ang drama nya, hindi ko lang sya makilala umiyak na agad. Ganito ba tlaga ka childish yung mga tao dito or sya lang?
"Okay fine! Halika pasok..." Walang gana kong saad at hindi na sya tinulungang tumayo. Agad ko syang tinalikuran. Narinig ko naman ang boses ni ate Analisa senyales na nasa bahay na sya
"Jusko! Prinsesa Rica! Bakit ka nakadapa?" Tumaas ulit ang kilay ko. Prinsesa huh? Hindi ko alam pero iba yung feeling ko sakanya. Something wierd na parang di ko maexplain na ewan.
Ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa higaan at napadaing pa dahil nakalimutan kong hindi nga pala foam ito. Napahinga ako ng malalim bago sandaling ipinikit ang aking mga mata.

YOU ARE READING
Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)
FantasyTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 Akala ko, hindi sila totoo at haka haka lamang. Akala ko noon, sa kwento at sa libro lang sila nababasa. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Fantasy will ne...