Simula

2K 65 21
                                    

DISCLAIMER:

This story is purely fiction and the plot is not associated with any personal and real records. All the characters in the story are either fictitious and the events are entirely fictional. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual event is purely coincidental.

Also, the author is an aspiring writer and still learning, beware of grammatical errors.

Furthermore, the story is open for CONSTRUCTIVE criticism and feedbacks will highly appreciated.

GIRLS' LOVE STORY AHEAD. If this is not your cup of tea, feel free to skip.



All right reserved.

katistyping

———

One. Two. Three. Tur-

“Ulit! Balik sa dating pwesto!” sigaw ng katabi ko kasabay ng pagpalapak ng kamay.

Sinenyasan niya si Greta na bumalik sa pinakalikod na bahagi ng stage, bumagsak ang balikat ng babaeng nasa ibabaw ng entablado at padabog na bumalik sa dating kinatatayuan.

“The shoulders! Chin up!” sigaw muli ni Yor nang mag-umpisang rumampa ang babae.

She's teaching Greta on how to walk properly while wearing a seven inch stiletto. Naaawa na nga ako sa kaklase ko dahil kanina pa siya pinapaulit sa paglalakad nang pabalik-balik.

Ako naman ay tahimik na nanonood habang inaalala kung ano ang itinuturo ni Yor sa kaklase namin. Inayos ko ang antiparang suot at palihim na nagdarasal na sana'y hindi na magkamali pa si Greta. Gusto ko na kasing matapos 'to at makauwi agad sa bahay.

Ngunit sadya yatang hindi dininig ng langit ang dasal ko dahil nagkamali na naman ang babae. Pinigilan ko ang sariling matampal ang noo, bukod sa medyo nahihirapan siyang dalhin ang sarili ay halatang wala ito sa focus at malayo ang iniisip. Ayos naman na siya kahapon tapos ganito na naman nag mangyayari ngayon.

“Break! Break muna. Come here, Gretchen." Nawawalan ng pasensyang utas ng aking kaibigan.

Maging ang ibang mga kaklase namin ay pinaalis niya na agad ring nagsialisan nang makitang wala na sa mood si Yor. Kahit ako ay naitikom na lamang ang bibig.

Lumapit sa amin si Greta at katulad ni Yor ay hindi rin maipinta ang itsura dahil sa iritasyon, kulang na lang ay hubarin niya ang suot na heels at ibalibag sa kung saan.

“Ano ba namang lakad 'yan? Akala ko ba okay na? Anong katangahan yon?”

“Yor…” saway ko. I apologetically look at Greta ngunit inirapan niya lang ako.

“Ano bang nasa isip mo't lutang ka? Akala ko ba gusto mong manalo tayo sa pageant? Bakit wala ka na naman sa focus?” patuloy na pangangalit ng kaibigan ko.

“Edi sorry! Gusto mo ikaw ang rumampa dyan sa stage, ikaw pala 'tong magaling e!"

Pambihira. Mag-aaway na naman sila.

Nanatili lang akong nakaupo at kalmado. Sanay na ako sa dalawang 'to, wala yatang pagkakataon na hindi sila nag-aaway kapag magkasama, dinaig pa ang mga aso't pusa kung mag-away.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa kaartehan mong 'yan, Greta. Ang sa'kin lang, e, ayusin mo nang matapos tayo rito kaagad. At saka bakit ba parang lutang ka?"

"Iniisip ko kasi kung pupunta ba si Loren dito! Yan? Okay na? Happy ka na?" Naiinis na pag-amin ni Greta.

“Aba't huwag mo na 'yang isipin dahil hindi naman pupunta si Loren dito kasi hindi naman siya kasali sa practice natin. Ako nga ang inassign niyang mag-assist sa'yo tapos hahanapin mo siya-”

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now