7

521 27 5
                                    

Natigil ako sa paghakbang. Nilingon ko siya at nakitang abala pa rin siya sa pag-ayos ng maayos niya namang locker.

Tahimik akong tumikhim at akmang paalis na nang magsalita siya ulit, ngunit sa pagkakataong ito ay hinarap na ako.

“Aren't you going to congratulate me?” aniya at sumandal sa locker. She fold her thin arms across her chest while watching me.

Tumikhim ako at kusang bahagyang yumuko ang ulo, “Congrats, Pres.”

After I said those, silence stretched between us. Iyon ang naging senyales sa akin para umalis ngunit nagsalita siyang muli.

“Where have you been?”

Umawang ang labi ko. Ako ba ang kinakausap niya? Kami lang naman ang nandito kaya sino pa nga ba?

“Saan ka galing?” ulit pa nito na para bang hindi ko naintindihan ang sinabi niya nung una.

She's watching me intently, just like how she always look at me... it's always gloomy and serious yet there's something in it. Sobrang lalim at hindi ko maintindihan.

And what? She's asking me if where I had been?

Nakita niya ba kami ni Chem kanina? Obviously, nasa pintuan nga siya at nabangaan ko pa.

What now? Is she eavesdropping too? Ganti ba 'to para sa nagawa ko noon?

Gaganti nga ba siya? Sa klase ng taong katulad niya ay malabo iyon. She's thinking way too good at imposibleng gumanti siya sa akin nang dahil lang sa ganoon kasimpleng bagay. At saka bakit naman siya gaganti? She's not interested in me, right?

So you're secretly meddling with her personal life because you're interested with her?

I gasped. Umiling ako sa isip at itinabi ang ideyang iyon. I'm not! Hindi na ako uulit pa, ‘no?!

I bit my lower lip before I speak, “Bakit mo natanong?” I backfired.

Dadagdagan ko pa sana ng sarkasmong mga salita ngunit hindi ko na ginawa. She's our president after all, I should respect her no matter what at saka alam kong pagsisisihan ko lang kung magsasalita nga ako nang nakabase sa emosyon ko ngayon. I'm avoiding to act impulsive lalo na't siya ang kausap ko.

She remained silent. Tila hindi tinatanggap ang naging sagot ko kaya sa huli ay sinabi ko kung saan kami nagpunta ni Chem. Kailangan ko ba talagang sabihin? Ano naman sa kaniya kung galing kami ng mall? Papagalitan niya ba ako? Bakit naman siya magagalit? Ano naman 'yon sa kaniya?

“Talagang sumama ka muna sa kaniya?”

“A-Anong ibig mong sabihin?” I gulped. There's something piling up within my stomach up to my chest.

“Mas inuuna mo pa ang pagsama sa boyfriend mo kaysa tulungan kami-”

“Hindi ko siya boyfriend.”

She smirked, “Then what? Flirt?”

Nainis ako sa huling sinabi nito. How dare she is? Bakit niya iniisip na may something sa amin ni Chem? Bakit siya nangingialam? At bakit siya naiinis?



“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” I simply answered. Hangga't maaari ay hindi ko na palalawigin pa ang pag-uusap na ito.

Pakiramdam ko ay hindi siya ang Loren na nakilala ko. The Loren I know is calm and composed...hindi kagaya ngayon. Ilang segundo na siyang mukhang wala sa mood. Napa'no ba siya? Hindi ko naman siya inaano, ah!

How ironic it is. Sinabihan niya akong huwag mangialam sa kaniya tapos heto siya ngayon at halos sumabog sa kung ano man ang nararamdaman niya?



LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now