26

426 16 1
                                    

"So, hilig mo pala ang pagbe-bake, Sani?" Liam asked.

I let out a small smile and shook my head lightly, "Hindi naman. Marunong lang ako pero hindi ko masasabing hilig ko talaga."

We're sitting around the small table na nasa gilid at malilim na parte ng pool. Kaharap ko ang dalawa samantalang naglulumikot naman sa paanan ko ang aso nina ate na si Chichi.

Sa totoo lang ay gusto ko ng umalis sa lugar na ito, kung hindi lang masamang tingnan ang pag-alis ko't pag-iwas sa mga bisita ay gagawin ko talaga ang gusto. May hiya pa naman ako upang pigilan ang sarili na huwag gawin iyon.

Nang makarating kasi ako kanina rito ay natagalan pa ang dalawa na bumalik. Nagmamadali nga sana akong makaalis ngunit hindi ko naman magawang takasan ang mga tao rito lalo pa't bantay-sarado ang bawat kilos ko ni Ate Mina.

"Ikaw na ang bahala sa dalawang kasama ni Mr. Mori, makakasundo mo naman sila dahil magkakaedad lang naman kayo." Iyon ang sabi niya nang lumapit siya sa akin.

Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko, Ate. Oo nga at halos kaedad ko lang ang dalawa pero hindi naman ibig sabihin no'n ay kaya kong makisama sa kanila. Buti sana kung walang issue na nagaganap sa pagitan namin ni Loren, edi sana ay madali lang ang lahat ng ito.

"You should try making business about baking. May potential ang gawa mo," he said again and took another cookie I made.

"I was thinking about that before but I'm not really into baking. Ilang taon rin kasi akong nag-practice bago ko nakuha ang tamang tantsa sa pagbe-bake, e."

"I see."

Nagtagal pa ang pag uusap naming dalawa. Si Loren ay nakikinig lang at nanginginain rin ng ginawa ko. Halos wala nga akong nakain roon dahil sa hindi ko magawang mag-relax kahit saglit lang. Knowing the fact that those people who's rummaging inside my head are in front of me is like a torture. Isang parusa ang pagkontrol sa sarili na huwag ipahalata sa kanila na nakakahalata ako lalo pa't panay ang sulyap sa akin ng babae. Mukhang wala namang ideya si Liam sa nangyayari sa amin ni Loren kaya kahit papaano ay kumakalma ako.

It's already six in the evening when they finally leave the house. Nasa likod ako ng pamilya ko at nakatayo sa pintuan ng gate habang tinatanaw ang pag-alis nilang tatlo sakay ng dalawang kotse. Nagkatitigan pa kami ni Loren habang nagpapaalam siya sa pamilya ko ngunit agad rin akong tumalikod at nagtungo sa loob ng bahay.

My knees wobbling like a jelly and I have no enough strength to stand when I finally reached the sala. Nanghihina akong napaupo roon at nagpakawala ng malalim na paghinga.

This is so insane. Sobrang liit naman yata ng mundo namin para magkita nang ganito.

Boss ng Ate ko ang Uncle ni Liam. At ang lalaki naman ang kababata ng babaeng gusto ko. Natural ay magkalapit ang pamilya nila sa isa't isa. Ibig sabihin maaari nilang makilala ang pamilya ko dahil sa koneksyon ng Ate ko sa Uncle ni Liam. Hindi rin imposibleng kilala na ni Ate ang pamilya ni Loren.

Nasapo ko ang noo ko at pumikit.

"Ate, kilala mo ba ang pamilya ng dalawang kasama ni Mr. Mori kanina?" Tanong ko nang masolo ko si Ate.

Tumutulong kasi ako sa pagliligpit ng mga gamit. Hindi ko na rin naman pinalampas ang pagkakataon na makapagtanong. I have some point to ask dahil mukhang hindi naman allow si Ate na kilala ko ang isa aa kanila.

"Oo naman. Kaso kay Liam lang, yung sa girlfriend niya, hindi, e."

My eyes widened in fraction because of she acknowledge Loren as Liam's girlfriend. Tumukhim ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ano ngang apelyido ni Loren?"

"Co."

Saglit na natahimik si ate at nang lingunin ay nakita kong tumigil ito sa ginagawa at nagiisip.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Onde histórias criam vida. Descubra agora