27

455 15 2
                                    

"Hindi nga raw pwedeng lumabas," I said in a low voice.

Panay naman ang pilit ni Yor sa akin na sumama sa kaniya.

"Akala ko ba hindi na tayo aalis? Bakit ngayon, ikaw na itong namimilit?" Dagdag ko pa.

"Hindi naman tayo makikita ng Dean kapag lumabas tayo!" aniya at kinuha ang braso ko't hinila-hila para mapatayo ako.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nababaliw ka na ba? Paano kapag nahuli tayo, edi patay tayo?"

Pumunta kasi rito kanina lang ang Dean, tila napadaan lang nang aksidente at nakitang wala kaming guro kaya pumasok panandalian para bantayan kami. Nagbilin pa ito na walang lalabas pero heto ang kaibigan ko at parang hindi yata narinig ang bilin kanina ng Dean bago ito umalis.

"Samahan mo 'ko-"

"Bakit muna-"

"Magkikita kami ni Archemedes." Tila naubus ang pasensya na aniya. "Sumama ka na lang, okay?"

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako paalis ng room. Hindi rin naman ako mapakali kaya naman lingon ako nang lingon sa paligid. Lakas talaga ng tama ng babaeng 'to sa lalaking 'yon! Aba't nagagawa ng tumakas sa klase samantalang noon ay hindi ako magawang samahan kapag pupunta ako ng canteen.

"Anak ka ng tokwa, Yorice. Kapag tayo talaga nadakip rito, sinasabi ko sa'yo." I threatened.

Natawa siya at kumapit sa braso ko, "Bakit ba natatakot ka? Edi kapag may nakakita tatago tayo gaya no'ng nangyari noon."

"Gaga, hindi tayo magkaklase no'n. At saka hindi 'yon sadya, muntik ka pa ngang madapa no'ng tinakasan natin yung mga humahabol sa'tin."

"Oh, akala ko ba kanina gusto mo rin mag cutting?"

"Kanina 'yon, noong wala pang bilin yung Dean!"

Tsaka ko lang napansin kung saan kami papunta.

"Maglalaro tayo?"

"Sure. Magtatagal rin saglit si Ark e," she answered enthusiastically.

Kung kanina ay ako ang may kagustuhan na maglaro, ngayon naman ay nabaliktad na. Parang gusto ko na lang hilahin ang kaibigan pabalik ng room. Pakiramdam ko kasi ay mahuhuli kami kung sakali man'g may makakita. At kapag nahuli kami ay tatanungin kami kung saan kami pumapasok at malalaman ng Dean na sinuway namin ang bilin niya.

Gustohin ko man'g pilitin si Yor ay hindi ko na nagawa pa lalo na nang makapasok kami sa silid kung saan namin madalas palipasin ang oras namin.

The room is full of equipments but it is arranged neatly. Sa gitna ay may malawak na hard table na palagi namang naroroon.

"Sa wakas! After so many days, makakahawak na rin ulit ng paddle."

Dumiretso ang kaibigan ko para kumuha ng dalawang paddle at isang ping-pong ball. She approached me and gave me the other one before going across the hard table.

Walang patumpik-tumpik niyang inumpisahan ang laro na kalmado ko namang ginantihan.

"Ano na ba kayo ni Chem?" Tanong ko nang hindi ko na mapigilang magtanong sa kalagitnaan ng laro.

Nagkibit-balikat siya at hinuli ang bola na muntik ng mahulog.

"Huwag mo 'kong sasagutin ng ganiyan, Yorice. Kilala kita."

She smirks, "I will answer your question if you beat me."

"And you'll owe me a libre!" Agad kong dagdag.

Natawa na lang siya at nilakasan ang hampas sa bola.

I expertly maneuver my body and extended my arm to catch the ball using my paddle. Dahil sa pwersa ay napalakas iyon dahilan para mag bounce ang pingpong sa mesa at hindi na nahabol pa ng kaibigan.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon