4

644 30 0
                                    

Hawak ko ang notebook na sinusulatan kanina, nakaupo ako sa platform na semento habang nanonood ng practice ni Chem. Naka-concetrate lang sila sa pagpapasahan ng bola at pagpapapasok nito sa goal, nagkakatuwaan. Madalas rin siyang sumusulyap sa direksyon ko at kumakaway.


I sighed. Kahit hindi ngayon kita ang araw ay alam kong hapon na't kailangan ko nang umuwi pero mas pinili kong manatili...hindi lang para manood ng laro ni Chem kundi hintayin na ring dumaan si Loren at Anne mula sa pinuntahan nila kanina.


It's almost fifteen minutes yet they're still not coming back. Imposibleng dumaan sila sa ibang daanan, wala namang ibang corridor palabas sa lugar na iyon.


Pinilig ko ang ideyang nasa isip. Why am I so bother? Nag-aalala ba ako para kay Gretchen dahil alam kong may gusto siya kay Loren? Nababahala ba ako sa kung ano man ang ginagawa nila dahil alam kong hindi naman talaga gusto ni Loren si Anne? Is she harassing our President right now? Green thoughts suddenly enter my mind.


“Ugh!” I groaned, I tightly shut my eyes.


Nababaliw na yata ako!


I collected my mind and think rationally. Hindi naman yata magagawa 'yon ng SSC President at ni Loren...they're both respected person here in our school.


I almost jumped when someone tapped my shoulder. I immediately turned to know who's behind me and I saw Yorice, mukhang gulat rin sa naging reaksyon ko.


“Bakit ka naman nanggugulat?!”


Naupo siya sa tabi ko bago nahiga sa inuupuan habang nakalaylay ang paa. She look tired and not in the mood.


“Kung alam ko lang na aalipinin ako sa faculty room bago ibigay sa'kin ang schedule ng Intrams, edi sana hindi na lang ako pumunta!”


Napanguso ako. Minulat niya ang isang mata at tiningnan ako, tinapik niya ang braso ko bago naupong muli para harapin ako.


“Ikaw naman! Hindi ka man lang magtext na nandito ka lang pala! Kanina pa ako naglilibot para mahanap ka, muntik na akong umuwi mag-isa. Buti na lang nakita kita.”


Oo nga pala. Bakit ba hindi ko man lang siya inabangan na magpakita sa hallway? Namula ang pisngi ko nang maalala ang ginagawa kanina...iba ang inaabangan ko kaya nakalimutan kong hagilapin ang kaibigan.


“Wala akong load kaya hindi kita natext,” I simply answered, hiding the fact that I'm busy looking for someone else—which is totally none of my business.


“Sus! Bakit ka naman nandito?” she asked and glance towards the field. She nodded as if she finally found out the reason, “Kaya naman pala.”


Kumunot ang noo ko. “Ano?”


Kinurot niya ang tagiliran ko kaya agad akong umusog palayo para iwasan ang kamay niya roon.


“Ikaw, huh? Sabihin mo sa'kin, pinopormahan ka na ba niyang Archemedes na 'yan?”


Namilog ang mga mata ko sa akusasyon niya, umiling ako. “H-Hindi ah!”


“Ba't ka nauutal? Sinungaling.”


“Hindi nga! Kaibigan ko lang si Chem, 'no? Nakita niya ako kanina sa bench na pinagpahingahan ko kanina tapos inaya niya akong manood ng practice nila kaya ako nandito.”


“Daming satsat,” she refused to believe me.


“Oo nga. Ang malisyosa mo naman, Yorice Ignacio.”


LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now