20

467 18 2
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging normal ulit ang takbo ng araw ko. Mas naging busy kami dahil kinailangan naming bumawi sa quizzes scores namin, lalo na ang iilan sa amin na nakakuha ng mga mabababang marka sa nakaraang grading at isa na ako doon.

Sa kabutihang palad naman ay nagawa kong i-ahon ang subjects na hirap ko talagang ipasa. Sa tulong na rin ni Yor at ng kaunting sipag kong mag-aral ay nabawi ko ang grades na kinakailangan para malamangan ang grado ko noong last quarter.

"Si Miss Fortuno at Miss Tuazon lang ang nakapasa sa subject ko. So basically the rest of you must find another chance to get higher scores. Malaki ang possibility na umattend kayo ng remedial this coming summer break, kaya kung ako sa inyo gagawa na ako ng paraan para hindi na umattend pa ng klase sa bakasyon," ani Miss Peralta, teacher namin sa English.

I was so happy that I also passed my major subjects, ibig sabihin ay ligtas na ako sa remedial! This is my second time not attending special class.

"Congrats, Sani!"

"Thank you, Agatha." Maligayang ani ko sa kapwa ko nakapasa na si Agatha Fortuno.

Nang matapos ang klase ay marami ang bumati sa akin. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay Yor at natawa na lang ako sa inasta niya.

"Taray, tumatalino na yarn?"

"Gaga, matalino na ako dati pa. Ngayon ko lang nahanap kung saan ko itinago," I joked.

We both laughed not minding if our classmates hear our witch-like voice.

"At dahil jan, ililibre mo ako ng lunch ngayon!" She announced cheerfully.

Natigil ako sa pagtawa. Tinapik ko ang kaniyang braso, "Wala akong budget ngayon."

"Edi kay Archemedes tayo magpapalibre!"

"Huy, kapal mo. Walang librehang mangyayari-"

"Speaking of the devil. Andyan na siya," anito sabay nguso sa may pintuan.

Agad naman akong lumingon at nakitang naroon nga si Chem at nakangiting kumaway sa amin.

"Taray. Inaaaraw-araw ka na niyan, ah? May something ba?"

Hinarap kong muli si Yor at inirapan siya, "Wala. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na magkaibigan lang kami."

"Pero ang sabi niya sa'kin nililigawan ka raw niya-"

"Oh, tama na. Tara na at nagugutom na ako."

"Sus. Palusot!"

Inignora ko na lang ang panunukso niya. Kinuha ko ang bag ko at naglakad patungo sa kinaroroonan na Chem. Walang nagbago sa reaksyon ng kaniyang itsura, nakangiti pa rin at maaliwalas ang aura.

"Sasabay ka ulit, 'no?" Natatawang tanong ko.

Hindi naman kasi normal na bibisita siya rito ng ganitong oras. Madalas ay hapon siya pumupunta rito para sumabay sa pag-uwi namin ni Yorice ngunit simula noong isang araw ay sumasabay na rin siya sa amin tuwing lunch. Hindi ko naman iniisipan ng masama iyon dahil kaibigan ko rin naman siya at okay lang sa'kin na sumama siya sa amin. Mas masaya nga 'yon dahil nakakapag-bonding kaming tatlo.

"Obviously. Nagpapalakas sa'yo para sagutin mo na," biglang singit ni Yor sa usapan.

Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kaniya. Tinuro niya si Chem gamit ang kaniyang hintuturo.

"Oras na malaman kong sinasaktan mo 'tong kaibigan ko, malilintikan ka sa'kin."

Kumunot naman ang noo ko, inalis ko ang braso ni Yor sa balikat ko at hinarap siya.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz