15

488 20 2
                                    

I rejected both of them because of you...

...it's you that I like, Sani.

She likes me!

Kahit ilang oras na ang nakalipas simula nang magkausap kami ni Loren sa locker room ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi niya, lalo na ng huli.

Hindi ko nakayanan ang ginawa niyang pag-amin, I walked out without saying anything. At ngayong tapos na ay paramg gusto ko siyang makita ulit at makausap. I want to ask her if she's telling the truth or she's just tripping me. Pero may parte rin sa akin ang ayaw siyang makita, I don't know if how will I face her.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama sa loob ng clinic. Yorice brought me here when she found out that I'm sick, pumayag naman ang facilitator na dalhin ako rito at mag-skip muna ng last subject para sa exam. Wala na rin naman akong naging choice dahil halos naghihisterya na si Yor at umiiyak dahil sobrang taas raw ng lagnat ko.

Nakapagpalit na rin ako ng maayos na damit galing sa kaibigan. Namula ang pisngi ko nang maalalang ibinigay ni Loren ang kaniyang t-shirt sa akin kanina ngunit hindi ko tinanggap dahil napangunahan ng kaba at pagkabahala.

Mas lalo lang yata akong hindi makakapagpahinga dahil sa dami ng iniisip tungkol sa nangyari kanina. Buti na lang at nagawa ko pa ring mahulog sa antok dahil na rin sa bigat ng pakiramdam.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa bulungan ng dalawang tao mula sa gilid ng kamang kinalalagyan ko. I slowly open my eyes and saw the white ceiling of the familiar clinic. I feel better than earlier. I blinked twice before drifting my gaze at my side.

I saw Yorice and Loren talking. Huli na nang marealize ko kung sino ang kausap ng kaibigan dahil sabay silang lumingon sa akin. Agad na lumapit si Yor at kinumusta ako habang nilalapat ang likod ng kaniyang palad sa aking noo.

“I'm okay, Yor.” Namamaos kong tugon sa tanong niya.

She's still look worried, “You're still pale. Do you want to eat something? Tinawagan ko na sina Tita kanina, they'll pick you up once you feel better, saglit lang ay nandito na sila.”

I coughed, doon ko lang naramdaman ang gutom. Pakiramdam ko ay walang laman ang tiyan ko...I forgot to take my snack kanina dahil mas naging abala pa ako sa ibang bagay. And then I realized that Loren's with us now. Sinikap kong huwag siyang sulyapan nang lumapit siya sa kama.

I can feel her gaze towards me and I can't help but to feel uncomfortable.

Akala ko ba gusto ko siya? Bakit ngayong umamin na siya ay naiilang na ako? Bakit naduduwag na ako? Dapat nga ay masaya ako. Maybe that's just a dream? Oh come on, I know that it's not...it's real.

“Bibili muna ako ng makakakain mo, si Loren na lang muna ang magbabantay sa'yo.”

Magpoprotesta sana ako ngunit huli na iyon, she waved her hand and excused herself from us before walking towards the exit door. Gusto ko na lang tumayo sa kinahihigaan at sumama kay Yor kaysa maiwan sa loob ng silid na ito kasama si Loren.

After the door slammed, silence stretched between us. Kulang na lang ay may mga tunog ng insekto ang bumasag sa katahimikan ng silid.

Napapikit ako at maingat na kumislot. When I slowly open my eyes, I saw her nearing me on the side of my sight. Umusog ako at tumagilid ng higa paharap sa kabilang direksyon kung saan hindi niya makikita ang reaksyon ko.

“Does your head hurts?” she asked.

Mariin akong pumikit, “Hindi na.”

Then we became silent again. I can't feel her presence near me kaya kampante ako na hindi siya sobrang malapit sa akin. Ngunit para pa rin akong napapaso sa titig na nararamdaman ko sa aking likuran.

I heard her sigh and cleared her throat. I waited for her to say something but seconds had passed, nothing came.

“You may go. Darating na rin naman ang mga magulang ko, Pres,” I said casually, not wanting to show her how much nervous I am right now.

She never fail to made feel nervous and reluctant whenever she's around.

“I want us to talk, Sani.”

I calm down myself, huminga ako nang malalim at marahang pumikit. Now, she wants us to talk? Ni hindi niya pa nga nalulubayan kahit isang segundo ang utak ko tapos ngayon dadagdagan niya na naman ang isipin ko?

“Talk about what?” I asked, acting clueless.

Ayokong isipin niya na big deal sa akin ang mga sinabi niya. Kahit alam ko namang gusto niya ako...na may gusto kami sa isa't isa ay hindi pa rin ako pupuwedeng basta-basta na lang sumunggab. I should think about the consequences. The situation. The people around us. I'm not selfish not to think about other people. Especially that I knew...that someone's going to be in pain.

Gretchen.

All of us thought they have a relationship—na pinabulaanan ni Loren sa mismong harap ko. Hindi porket sinabi iyon ni Loren ay hindi ko na iindahin si Greta. She'll be hurt. I don't know what to do. This is complicated than I expect it to be. Lalo pa't biglaan ang lahat.

“I want us to talk about what happened earlier...I know this isn't the right time but I want to say sorry. I became impulsive in saying how I felt instead of putting your condition first.”

I pursed my lips.

“Huwag mo ng isipin 'yon, wala lang 'yon sa'kin.”

Dammit! I sounded so heartless! Hindi naman totoong wala lang iyon sa akin. I'm just afraid to tell her that I also like her. I don't want to be impulsive...kung gano'n kadali para sa kaniya na sabihin lahat ng iyon, pwes sa akin, hindi.

I can feel that she'll going to say something but the door opened and I heard my Mom's worried voice from the back. Umayos ako ng higa at nakitang kakapasok lang niya sa pinto kasunod ni Yor at ni Papa.

Sinugod ako ng yakap ni Mama at nag-aalalang tinanong kung anong nararamdaman ko. I told her that I'm okay, sinuguro kong okay na nga ako para hindi na siya mag-alala pa sa akin.

I search for Loren across the room but she's nowhere to be found. Huli na nang makita ko ang pagsara ng pinto, kaaalis niya lang.

I felt guilty. I shouldn't told her that it's just nothing to me. Her feelings is valid, but I'm still afraid to admit the fact. I'm still confused and not ready. I hope she'll understand me.

We'll talk in the right time...just not now.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Kde žijí příběhy. Začni objevovat