16

469 17 3
                                    

Sinamahan kami ni Yor palabas ng campus. Gaya ng napagkasunduan ay hindi muna ako papasok at sa susunod ko na lang ite-take ang exam sa subject na hindi ko natapos.

Hindi ko na rin nakita si Loren magmula nang mag-usap kami sa clinic. Nagpaalam ako kay Yor bago pumasok sa sasakyan. Nasa backseat ako samantalang si Mama ay nasa front seat at Papa naman sa driver's. I can feel that they're still watching me, nagbabantay kahit pa sinabi ko naman na kanina na okay na ako.

“Ingat po kayo. Ingat, Sani. Magpagaling ka!”

Kumaway ako sa kaniya nang tumulak na ang sasakyan paalis  Tinanaw niya pa kami hanggang sa hindi ko na rin siya makita.

Bumuntonghininga ako at umayos ng upo. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili. Wala na ang bigat ng pakiramdam ko, medyo sumasakit nga lang ang ulo ko.

Naging mabilis lang ang oras. Namalayan ko na lang ang oras nang magising ako dahil sa naramdamang gutom. Tumingin ako sa digital wall clock at nakitang madaling araw na, ganunpaman ay bumangon pa rin ako. Mas okay na ang pakiramdam ko kumpara kanina kaya nakakayanan ko ng gumalaw mag-isa.

Nagtungo ako sa kusina para ibsan ang gutom na nararamdaman. I ate the food I found in the refrigerator, ininit ko na lang. Ilang minuto rin akong nag-stay sa kusina na naiilawan lang ng isang maliit na wall lamp.

Nagdala ako ng gatas pagkabalik sa kwarto. I put it on the side table and sat at the corner of my bed. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri, I was about to lay on my bed when my phone beeped.

Ilang saglit pa akong natulala roon bago kinuha at binuksan ang screen. I feel kinda disappointed when I saw that it's just an alarm.

What now? Sino bang tatawag sa'kin sa ganitong oras?

Nahiga ako sa kama at binasa lahat ng nasa notifications. There's some texts from Yorice, Chem, my sister and my parents (kanina siguro noong nasa school pa ako)...but one text message caught my attention. It's from an unknown number. I immediately swipe my lock screen and read it's message.

Unknown number

How are you?

I heaved a sigh. May ideya na kung sino iyon ngunit hindi ako gaanong umaasa na tama nga ang hinala ko. She's not into texting, sa tanang buhay ko ay hindi ko siya nakitang humawak o gumamit man lang ng cellphone o baka hindi ko lang siya nakikitang nagce-cellphone.

May nagtutulak sa'kin na mag-reply sa text message na iyon, hindi kalaunan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nagta-type ng isasagot. I don't know if it's good to text an unknown number in the middle of the night.

Naalala ko tuloy ang mga nabasa ko noon na creepy stories na kapag daw may nagtext o tumawag sa madaling araw ay huwag sasagutin dahil hindi raw tao ang may-ari ng numerong iyon.

I stopped from typing. Akmang buburahin ko na ang message ko nang aksidente kong mapindot ang send button. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Kahit ano yatang isipin ko patungkol sa kung kanino ang message ay napapraning pa rin ako. I off the screen and set aside my phone, umayos ako ng higa at pumikit para makatulog ulit.

I heard my phone beeped once under my pillow. Dahan-dahan akong nagmulat at kinapa iyon. Kahit kabado ay agad kong binasa ang nakaflash sa screen.

It's Loren. Your friend gave me your number:)’

My heart skipped a beat. Napaupo ako at inulit na binasa ang mensahe. Kinusot ko pa ang mata ko at tinapik ang pisngi para masigurong hindi nga ako nananaginip.

Hindi ako kaagad nakapag-isip ng mairereply. Hindi ko akalaing magrereply siya kaagad gayong madaling araw na at sobrang aga pa para maghanda sa eskwela. Nagising ko ba siya? Nakakahiya! Dapat ay ipinagpabukas ko na lang sana ang reply ko!

My phone beeped again, another text message from her.

‘You still there? Can I call?’

Wala pa sa limang segundo ay nag-umpisa nang mag-ring ang cellphone ko dahil sa tawag. Agad kong sinagot iyon para hindi na makagawa pa ng ingay na maaaring makapagising sa mga magulang ko na nasa kabilang kwarto lang.

I gently put the phone to me ear, my hand is trembling even though no one is yet speaking on the other line. I licked my dry lips.

“Bakit gising ka pa?” namamaos na wika ni Loren mula sa kabilang linya.

Nanindig ang mga balahibo sa aking batok. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya at ibinulong niya lang iyon sa akin.

I cleared my throat, “Kakagising ko lang, kumain ako saglit. Ikaw?”

This is so odd. We're freaking talking in the middle of the night...she called just to check if I'm fine. It's obvious that she's eager to talk to me, but I am still confused—about her feelings towards me.

“Naistorbo ba kita?” I added.

Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak, napahawak ako sa comforter para suportahan ang sariling hindi masyadong maaapektuhan. This is the first time I heard her chuckling while talking to me, I can imagine her red face and smiling chinky eyes.

“Of course not. I can't sleep. I'm worrying about you.”

“Can you please stop acting weird?!” syempre hindi ko sinabi 'yan.

Halata namang gusto ko 'to pero mas pinapangunahan pa rin ako ng pagdududa. It feels like something between us bounding for us not to touch each other. Parang may pader ang nasa harap ko at pumipigil sa akin na tanggapin ang nararamdaman niya.

I thought I like her?! Why I'm afraid to accept her now? Ganito ba talaga? Don't get me wrong. I'm still falling for her. Gusto ko pa rin siya. Pero may parte sa akin ang natatakot at naduduwag.

Pakiramdam ko ay kapag nagiba ang nakapagitan sa amin ay magiging masama iyon. Sa parte pa lang na masasaktan ko si Gretchen ay nakakakonsensya na. Hindi pa man rin ako nalilinawan sa kung bakit ako nagustuhan ni Loren dahil magmula nang umamin siya ay hindi na kami nakapag-uusap pa nang maayos dahil iniiwasan ko siya.

Do I need an explanation? Yes.

Why'd she said that she likes me despite of kissing two different girls? Kahit pa sabihing si Gretchen at Anne ang nag-initiate, hindi maikakailang may kasalanan rin si Loren doon. That girls won't kiss her if she never did something that made them fall for her. Sobrang imposible na sa akin siya magkagusto dahil malayo ako palagi, hindi kami nagkakasama madalas at never ko siyang tinuring na kaibigan—because of my hidden feelings and thinking of the fact that she'll never liked me as one of her friends, too.

Kaya bakit ako? Bakit hindi sa kanilang dalawa na pareho niyang nakasama nang matagal? Is she just playing with those girls? Ako ba ang kasunod sa dalawang 'yon? Ako ang susunod niyang biktima?

My goodness. Ano ba 'tong iniisip ko?

I yawned. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko nang maalalang nasa kabilang linya pa pala si Loren. Naging tahimik kaming dalawa at nakikiramdaman lang lang sa isa't isa. Silence cut off when she finally speak again. I don't want to be rude and end the call without saying anything kaya mas pinili kong manahimik at huwag munang magsalita.

“Go back to sleep. I'm sorry-”

The line was cut suddenly. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang screen. Pabagsak akong humiga at huminga nang malalim, I put my phone on my chest.

What should I trust? My mind—who's always pulling me back and which always prevents me from being true to how I feel; or, my heart—who is willing to sacrifice everything and trying to break down the wall that my mind has built?

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now