10

502 20 1
                                    

Sinundan ko ng tingin ang hawak niyang camera. She's waiting for me to answer her questions.

Paano niya nalaman? Kusang lumipad ang kamay ko sa aking pisngi. Gano'n ba kahalata ang pag-iyak ko kanina?

“H-Hindi. Wala siyang ginawa sa'kin. Kung ano man 'yang iniisip mo, nagkakamali ka.”

Bakit ba parang nababahala siya tuwing nakikita niya kaming magkasama ni Chem? May nalalaman ba siyang hindi ko alam?

Umagat ang isa niyang kamay, napahakbang ako ng isang beses paatras. Tumigil naman iyon sa ere at dahan-dahan niyang ibinaba.

Tila tambol ang puso ko na paulit-ulit hinahampas dahil sa tindi ng kalabog nito.

What is she doing?

Pansin kong matapos noong nangyari sa classroom ay lagi niya na akong nilalapitan, she's even talking to me. It's odd. Noon naman ay hindi niya ako ginaganito, pwera na lang kung importante. Nakakakaba at nakakalito.

Ano pa bang ibang dahilan nito? Obviously, she's making sure that I'm not telling others what I saw that day. Ayaw niyang bumuka ang bibig ko para ipagsabi iyon sa iba.

“Kung lumalapit ka sa'kin para siguruhing hindi ko sinabi sa iba yung tungkol sa nakita ko...huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin iyon.”

Sinikap kong maging buo ang boses sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Nagtagumpay naman ako.

Mas lumalim lang ang titig na ibinibigay sa akin pagkatapos kong sabihin iyon. Her lips are in thin line and her hooded eyes at me. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Tumaas ang isang kilay niya bago nag-iwas ng tingin.

“I know...”

Oh. Alam niya naman pala, e. Bakit parang nababahala pa rin siya?

“...and I'm not doing this all because of that,” she said and look at me again.

Her eyes are showing mixed emotions and I don't understand those. I can't tell what are those. This is the first time I talked to her and saw how her eyes danced with colors behind. She licked her lips and sigh.

“I just want to tell you that-”

“Sani!”

Tila humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa nang biglang tumili si Yor at niyakap ako nang makalapit. Natigil sa pagsasalita si Loren, I glance at her... she's serious again.

“Alam mo ba? Ang sabi sa'kin ni Miss Cortez exempted na raw tayong lahat sa exams niya!” Tili pa ng kaibigan ko.

“T-Talaga? Bakit raw?” I asked, trying to act like nothing happened.

But at the back of my mind, there's the curiosity piling up about what Loren's about to say.

“Haler? Nangako siya sa'kin na ipapasa niya tayo kapag nanalo yung section natin, hindi ba? Nakwento ko kaya 'yon sa'yo! Biruin mo 'yon, kahit na section A tayo malaking bagay pa rin 'yon kasi bawas sa gawain.”

She's still blabbing about the good news, syempre hindi lang ako ang kinakausap niya, pati na rin si Loren—na tahimik lang at nakikinig habang nakatingin sa akin. I felt uneasiness and tried to ignore her temporarily. I don't want to show how uncomfortable I am after our short and interrupted talk.

Ano bang sasabihin niya sa'kin?

I set aside that question and listen to Yor, na walang alam sa kung ano ang naputol niyang usapan. I am disappointed yet thankful because she came. Disappointed dahil hindi ko nalaman ang gustong sabihin ni Loren at nagpapasalamat dahil hindi ko nalaman iyon...I don't know what will happen next if she said those. But it increases my curiosity. I want to talk to her again but it will never happen because Greta called her name.

“Kita na lang tayo mamaya!” si Gretchen sabay kaway habang nakahawak sa braso ni Loren.

Bumaba ang tingin ko sa nakahawak na kamay ni Greta sa braso ni Loren. They seems like a real thing. Bulag na lang yata ang hindi makakakita na meron talagang namamagitan sa kanila. I feel guilt. Guilty dahil kahit alam kong may iba na siyang gusto ay hindi ko pa rin pinipigilan ang sarili kong nararamdaman.

Ugh! I feel so stupid.

Hindi naman kami close ni Greta pero parang kaibigan ko na rin siya. Kaya mali itong nararamdaman ko para kay Loren. Kahit saang anggulo tingnan ay mali ito. I should learn on how to control myself habang maaga pa.

Tinanaw ko sila hanggang sa makalabas sila ng lugar. Hinanap ko ang camera at nakitang hawak na iyon ni Yor. She's watching me and I don't know how long is she doing that.

“What?”

“Okay ka lang ba?”

My brows creased, “Oo naman. Bakit?”

Nagkibit-balikat siya at nag-umpisa na namang magkwento tungkol sa ibinalita niya kanina.

“Mamaya, sumama ka sa'min, ah? Magpaalam ka na sa parents mo para hindi ka mapagalitan kapag umuwi ka nang late,” Paalala niya nang magpaiwan na siya sa classroom.

Uuwi kasi ako ng bahay, I have money to buy my snacks pero mas pinili kong umuwi dahil gusto ko munang umidlip. It's still three in the afternoon but I already feel exhausted. Bukod sa gusto kong matulog ay binilin rin sa akin ni Mama na subukang umuwi dahil bibisita ang grandparents ko ngayong hapon sa amin. Pwede namang umuwi dahil wala namang klase ngayon.

I took off my shoes when I finally enter my bedroom. It was decorated with things in pink, even the walls are painted with pink, my bedsheets pink...everything is pink except to my bathroom and clothes of course.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit at basta na lang nahiga sa kama nang nakadapa. I hugged my pillow and closed my eyes.

I just want to tell you that...

The tiredness and sleepiness thrown out of the window when I remember what Loren told me earlier. Napabalikwas ako ng tayo at patihayang muling nahiga sa kama.

“Anong sasabihin niya sa'kin?”

I tried to recreate the scene inside my head and think of the possible things that she might told me. But one of those possibilities stand out even though I don't want to accept it.

Bakit niya naman sasabihin 'yon? I'm not her type. At saka may Gretchen na siya, 'no! Kaya bakit ko iisiping aaminin niya na may gusto siya sa'kin kanina?

“Nababaliw ka na, Sani.”

Sinong magkakagusto sa isang tulad ko 'di ba? Bukod sa itsura ay wala na akong magandang dulot sa paligid ko. Kahit ang parents ko noon ay laging nangungunsume sa'kin dahil sa pasaway ako, ngayong high school lang naman nagbago ang ugali ko at naging mahiyain...hindi pa magaling sa klase.

Kaya bakit ako magugustuhan ng isang katulad ni Loren? I'm almost her opposite...no, I'm her opposite.

Social suicide kung hahayaan niya ang sarili niyang mapalapit or worse magkagusto sa'kin. Mukhang kontento rin siya kay Greta (kung meron mang namamagitan sa kanilang talaga), kaya sobrang labo ng iniisip kong baka may gusto nga siya sa'kin.

“Nagawa niya ngang i-reject si Anne—na maganda, matalino at sexy—ikaw pa kayang mukhang alikabok lang sa section niyo,” I said to myself and laugh bitterly.

“Sani, lumabas ka na riyan, nasa baba na ang Lolo't Lola mo!” Tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

“Pasunod na po!”

Bumangon na ako at nag-umpisang magbihis. Kahit gaanong isip ko yata sa nangyari ay hindi man lang nabawasan ni isang katiting ang kuryosidad ko tungkol doon.

What should I do to make myself stop from thinking about her? Ang sabi ko ay titigilan ko na ang pag iisip sa kaniya at nang matigil na rin ang nararamdaman ko sa kaniya ngunit heto ako't hindi pa rin madala-dala.

Should I talk to her and ask her about that?

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt