28

969 24 1
                                    

Saglit na natahimik ang pagitan sa aming tatlo bago tumikhim ang katabi ko at magsalita.

"Nagpapalipas lang ng oras, Pres. Pero paalis na rin naman ako."

What? Anong ako? Kasama niya ako hindi ba?

Bahagyang magkasalubong ang mga kilay ng babae na nakatayo sa pintuan ng silid habang nakatingin sa aming dalawa ni Yor na para bang isa kaming malaking problema na kailangan niyang resolbahin. Napalunok ako sa nerbyos samantalang ito namang katabi ko ay nakuha pa akong sikuhin.

"Alis na siguro ako-"

Nataranta ako nang maglakad siya palapit kay Loren kaya agad akong sumunod at kumapit sa kaniyang damit.

"Sasama na ako."

"Pero ang sabi mo magpapaiwan ka saglit? At saka ikaw na magligpit ng mga ginamit natin, parating na si Chem, e."

Wala akong sinabing gano'n!

Gusto ko ng hilahin ang kaibigan para makaalis na sa lugar at makabalik sa room kaso dumating naman si Chem at inaya ang babae.

"Uh, tuloy pa ba tayo?" asked Archemedes while cluelessly looking at us.

I saw how Loren darted her sharp gaze towards the boy ngunit hindi rin nagtagal dahil bumalik ang kaniyang atensyon sa akin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Oo naman! Importante ang lalakarin natin, e."

Anong importante? "Kailan pa naging importante ang pagland- hmmp!"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang takpan ng babae ang bibig ko.

"Sama ka na lang kay President. Pabalik ka na sa room, Pres?"

"Galing lang ako roon, umalis ulit para hanapin kayong dalawa. Hindi ba't pinagsabihan kayo ng Dean na huwag lumabas? Anong ginagawa niyo rito?"

"May lakad kasi ako, e. Hindi na ako nakapag-paalam kasi akala ko hindi ka papasok, kaya nagpasama ako kay Sani...ang mabuti pa isama mo na itong kaibigan ko. Hindi pa ako babalik sa classroom, e."

Agad kong naalis ang kamay niya sa bibig ko at matalim siyang tiningnan.

"P-Pero..."

"Pres, ikaw na bahala d'yan kay Sani. Sama lang ako sa tropa ko," tukoy nito kay Chem.

Nakita ko kung paano umismid ang lalaki dahil sa sinabi ni Yor.

"Sasama na lang ako sa inyo-"

"Huwag na. Sumama ka na lang kay Loren pabalik ng room. Bye! Una na kami, pressy!"

At ang walang hiya, talagang umalis at sumama sa lalaki! Ni hindi man lang maayos na nagpaalam sa akin bago umalis. Nakuha niya pang sumenyas ng thumbs up sa akin sabay turo sa babaeng kanina pa tahimik na nagmamasid. Isa pa 'to! Imbes na pigilan si Yor sa pag-alis ay nanood lang talaga!

Instead of entertaining my unwell feelings, I tried to distract myself by putting back the equipments on their right places.

Namumutla pa rin ako sa kaba ngunit hindi na ako sobrang kabado, hindi tulad kanina. Medyo naiinis na rin ako dahil sa inasta ni Yor.

Kakasabi ko pa lang sa kaniya sa nararamdaman ko para kay Loren pero heto siya't binugaw kaagad ako! Napakawalang-hiya.

"Why are you here? Tapos ka na ba sa pinapagawa ni Sir?"

Kulang na lang siguro ay ipunas ko isa-isa ang mga pingpong balls sa uniporme ko para lang may maging rason para hindi harapin ang kasama ko.

"Oo. Hindi naman ako aalis sa room kung hindi pa tapos."

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now