23

438 17 4
                                    

I wanted to be in silence the whole time but it's not appropriate since I should say something. Ako lang rin naman ang magsisisi kapag pinalagpas ko pa ang pagkakataong ito.

She's silent too and seems like waiting for me to say something.

I collected my confidence in every corner of my body before I cleared my throat silently.

"Congratulations pala sa inyo. Balita ko nanalo raw halos lahat ng nasa team ng school," I said, kinda awkward.

I feel so dumb. What the hell!

"First place ka hindi ba?" I added and faced her.

My heartbeat low-key skipped a beat when I found her piercing eyes watching me. I blinked twice, umawang ang bibig ko at panandaliang nawala sa disposisyon ngunit agad rin namang nakabawi. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kalsada, I saw her looking in front too in my peripheral vision. Nakahinga ako ng maluwag.

"O-Okay lang 'yun. Ikaw pa rin naman ang pinakamagaling para sa akin...I mean sa amin," I said despite of my racing heartbeat.

"Thanks. I did my best to be in the highest spot but I failed. But it's okay, all I wanted while in Baguio is to get back here as soon as possible," she glance at me again kaya napalingon rin ako sa kaniya.

Ngumiti siya at sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood ko kung paano kumislap ang mga mata niya sa tuwa na naroroon. I was mesmerize and left in awe.

Hindi ko alam ngunit tila may humawak na mainit na kamay sa puso ko habang nakatitig sa mukha niyang may nakapaskil pa rin na sinserong ngiti.

She's being more beautiful when she's smiling like that. She's intimidating most of the time, isa na sigurong prebilehiyo ang makita siyang nakangiti nang ganito. Hindi ko na rin tuloy mapigilang mapangiti. I almost forgot where I am going to, ni hindi ko namalayang huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Uminit ang pisngi ko nang matanto iyon. Kung hindi pa niya tinanggal ang seatbelt at bumaba ng sasakyan ay hindi ko pa mamamalayan ang pinaggagagawa ko.

She opened the door for me. Nang makababa sa sasakyan ay hinarap ko siya at binigyan ng magaan na ngiti.

"Salamat."

She smiled, too. She sighed and put her hands inside the pocket of her jeans. She's still tall as before. Saka ko lang napansin na medyo nagbago ang kulay ng balat niya. From a porcelain skin tone it gets warm ivory, siguro'y dahil sa pagttrain niya iyon. Malamig sa Baguio kaya kahit papaano ay hindi naging pang-morena ang balat niya. It fits her though.

Sumandal siya sa kaniyang sasakyan, bumaba ang kaniyang tingin sa bitbit ko. I shifted my weight and look at the white box na hawak ng kanang kamay ko.

Tumingin ako sa loob ng compound namin at nakitang wala namang tao roon. Bumalik ang tingin ko kay Loren na pinanonood ang bawat kilos ko.

I bit the back of my cheek and stepped forward before extending my arm to give the cake I made for her.

"Para nga pala sa'yo. I made this for you, sorry kung ngayon ko lang naibigay-"

My words blown by the wind when she suddenly stepped closer to me and hugged me. At dahil mababa ako ay nakayuko siya nang bahagya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang rumirehistro pa rin sa isip ko ang nangyayari.

"I missed you so much, Sani. I'm happy to see you again."

Halos mabitawan ko ang kahon na hawak. Dahan-dahan kong ibinaba ang kanang kamay sa gilid. A smile slowly crept in to my lips and tapped Loren's back using my free hand. I feel like I'm in a safe zone while we're hugging each other.

This is our first physical contact but instead of feeling awkward, I felt comfortableness and joy which made my heart beats so fast. Uminit ang pisngi ko at napayuko na lang sa balikat niya upang itago ang kahihiyan, pakiramdam ko ay mapapansin niya ang bilis ng tibok ng puso ko.

I heard her chuckle and hug me more.

"Anong balak mo sa Friday, Sani?"

I'm smiling like an idiot while eyeing the nothingness. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Nahirapan rin ako sa pagtulog kagabi sa kakaisip at katitili habang iminumukmok ang mukha sa unan. Kahit kulang sa tulog ay hindi ko magawang makaramdam ng pagkabagot.

Nababaliw na yata ako!

"Hala. Naboang na!" Yorice exclaimed beside me.

Nilingon ko siya at inalis ang malawak na ngisi sa mukha.

"Ano 'yan? Bakit ngumingiti ka jan nang mag-isa? Nakainom ka na ba ng gamot mo?"

Matalim ko siyang tiningnan, umayos ako ng upo. I combed my hair using my fingers and put on my eyeglasses.

"Ano ba kasi 'yon?" said I.

"Tinatanong ko kung ano ang balak mo sa Friday?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong balak? Ano bang meron?"

"Gaga, hindi mo alam? Birthday mo sa Biyernes, uy! Huwag kang umakto na nakalimot, kilala kita. Kunwari ka pa d'yan, ayaw mo na naman lang magpakain!"

Oo nga pala. Muntik ko na namang makalimutan.

I used to spend my birthday alone. Kahit minsan ay gusto ng mga magulang ko na magcelebrate pa rin at maghanda kahit papaano. Madalas ay si Yor lang ang bisita ko dahil magkapit-bahay lang naman kami. Last year nga ay sumama ang loob niya sa akin dahil hindi ako naghanda at hindi ko siya inimbitahan, kaya sa huli ay nilibre ko na lang siyang mag Chowking kaya nagkabati rin kami.

"Anong plano? Engrande ba ang debut? Nako, hindi pwedeng hindi dahil ikaw ang bunso!"

Umiling ako at bahagyang natawa, "Ayoko mag debut nang engrande, Yor. You know me, I'm not into that kind of stuff at saka ayokong mapagastos ang parents ko ng malaking halaga."

Sumimangot naman ang huli at hinawakan ang braso ko bago ako niyugyog.

"Ano ba naman yan. Dapat espesyal ang araw mo. Kung ako sa'yo hahayaan ko si Tita na magplano ng birthday mo, alam mo naman 'yon-"

"Eh, hindi ka naman ako kaya sorry ka." I made face to tease her, "At saka kahit simpleng handaan lang okay na ako. Wala rin naman akong maraming kaibigan para maging sapat sa kakailanganing bisita kung sakali man'g malaki ang party."

Totoo naman 'yon. Siya lang naman at si Chem ang ka-close ko rito. Marami rin naman akong kilala at nakakakilala sa'kin pero hindi ko feel na i-consider sila as my friends. Kadalasan kasi ay nakakausap ko lang naman ang mga iyon kapag kinakailangan na talaga.

Ilang saglit nakasimangot si Yor bago napatuwid ng upo at muling hinarap ako. Nagulat naman ako nang hawakan niya bang balikat ko at pinaharap ako sa kaniya.

"What if mag-bar na lang tayo?"

Napairap ako. "Anong gagawin natin do'n?

"Magpapamisa tayo do'n, beh." She answered sarcastically and imitate how I roll my eyes. "Malamang magcecelebrate at iinom!"

"I don't drink alcohol. At saka hindi papayag sina mama."

"Gurang ka na. No need to have a consent. At saka sure naman ako na papayag sila kasi..." she trailed off and put her arm on my shoulder, "ako ang magpapaalam sa'yo!"

"Ayoko," I said with finality.

Mas okay kung sa bahay ko ise-celebrate ang simple kong debut. Nangulit pa si Yorice ngunit paulit-ulit lang akong tumanggi roon.

"Kahit tumambling ka sa harap ko, hindi ako papayag." I said while laughing.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ