24

428 13 1
                                    

"Nakakainis naman, bakit bigla na lang nagpa-quiz si Sir Aaron. Ang baba tuloy ng nakuha ko," disappointed na wika ng isa sa mga kaklase ko nang matapos ang panghuling session namin sa araw na 'yon.

"True. Tapos yung coverage, pang next quarter pa. Nakita ko kanina sa book, e."

"Dami niyong reklamo. Nag-announce naman si Sir last week, ah?" Hindi mapigilang singit ni Yor sa mga ito.

Umiling na lang ako at nilagay sa loob ng bag ang mga gamit bago iyon sinaklay sa isa kong balikat.

Natigil ako sa ginagawa nang umilaw ang screen ng cellphone ko na nasa bulsa lang ng bag. Kinuha ko iyon at binasa ang nakaflash na notification roon.

Unknown number:
Let's see each other after class.

"Ilan ba nakuha mo?"

Humugot ako ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili. What the hell, it's just a text! Bakit kinakabahan ako kaagad.

Nagtipa ako ng reply matapos mapakalma ang sarili.

Ako:
Ok:)

"Thirty, ikaw ba?" si Yor.

Lumapit ako sa kanila at tumayo sa tabi ni Yorice. Tinapunan ako ng tingin ng dalawa nitong kausap ngunit agad ring umiwas na parang hindi ako nakita.

Sumimangot ang isa na si Jena, "Nineteen lang! Salot talaga sa buhay 'yang subject na hawak ni Sir Aaron, e. Buti na lang guwapo si Sir kaya gusto ko pa rin ang subject niya kahit mahirap."

Sabay na umingos ang dalawang kausap nito.

"Teacher natin 'yon, limitahan mo naman 'yang pagiging malandi mo, girl." Walang hiyang wika ng kaibigan ko.

Mabuti nga at kahit papaano ay mataas ang nakuha nila samantalang ako ay naka-sampo lang. Nakakahiya pa dahil inannounce ni Sir ang mga nakakuha ng mababang mga marka!

Nang makatakas sa dalawang kausap ay agaran akong inaya ni Yor na umalis. Hindi pa naman bukas ang gate dahil maaga ang dismissal namin ngayon pero kung makahila naman ang isang 'to ay para bang nagmamadali itong makauwi.

"Ano bang meron? Nagmamadali lang?"

Tila natauhan siya sa ginagawa at naging kalmado ang paglalakad kaya naabutan ko siya. Saglit siyang natahimik bago ako nilingon.

"Hindi, ah. Nagugutom na kasi ako. At saka kailangan ko talagang umuwi ng maaga ngayon."

I was about to ask her why when someone interrupted, it's Archemedes.

"Hi, girls. Ang aga yata ng uwian niyo, ah?"

I beamed and greeted him, "Nagpaquiz lang kasi si Sir kaya maaga kaming pinauwi," wika ko at binalingan ang babaeng kasama.

I saw how Yor's face flushed when they made an eye contact accidentally. Natigilan rin ang lalaki. I gulped. Umakto ako na parang walang nakita at tumalikod na lang para maunang maglakad patungo sa canteen.

Tahimik kaming tatlo at mas lalo lang yatang nagpa-awkward iyon sa sitwasyon ng dalawa. Kahit ako ay naaawkwardan na rin dahil pakiramdam ko ay ako ang pumipigil sa kanila na makapag-usap.

Something smells fishy. Noong isang araw ko pa ito napapansin, hindi lang ako makapag-tanong dahil hinihintay kong isa sa kanila ang magkwento sa akin tungkol sa nangyayari. I just know that Chem likes Yor, that's all. Hindi ko alam kung umamin na ba ang lalaki ngunit sa nakikita ko ay mukhang may nangyayari na.

"I want a chocolate ice cream with choco chips on top, miss." Yor said casually on the counter.

Solo namin ang buong canteen ngayon dahil karamihan sa mga estudyante ay may klase pa at ang iba naman ay nakatambay lang sa field at naghihintay na mag-uwian.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now