25

418 14 0
                                    

Habang nasa jeep ay hindi ko maiwasang balik-balikan ang nasaksihan kanina lang. Tila sirang plaka na nagpaulit-ulit ang larawan ni Loren at Liam sa utak ko.

Ilang tao pa ba ang hahalikan niya sa mismong harap ko? Una si Gretchen, ngayon naman ay si Liam...pagkatapos niyang sabihin sa'kin na ako ang gusto niya, tapos iba na naman ang pinapakita niya sa'kin ngayon?

Is she giving me mixed signals? Pinaglalaruan niya lang ba ako?

Parang kahapon lang ay niyakap niya ako at sinabing miss niya na ako, ah! Bakit ngayon iba na naman ang kasama niya at ang malala pa ay naghahalikan sila.

Sinadya niya bang itext ako na magkikita kami? Pinaghintay niya ako roon para lang ipakita sa akin 'yon?

Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi inis at selos. I know, I don't have the right to get jealous where in fact I should let her do whatever she wanted to. Sino ba ako para magselos? Hindi niya naman alam na gusto ko rin siya. At lalong hindi ko siya pag-aari.

Pero tama bang hayaan niyang halikan siya ng iba samantalang alam niyang may pinapaasa siyang ibang tao?

Maybe she finally realized that I'm not worth it. It's possible that she's just testing something inside her. Baka nag-eexperiment lang siya sa mga babae at ako ang naisipan niyang gamitin para patunayan sa sarili na hindi rin maglalaon ay sa lalaki pa rin siya magkakagusto.

Kung gano'n nga, sobrang kapal naman ng mukha niya! Pagkatapos niya akong paasahin nang ganito? Pagkatapos niyang ipaintindi sa sarili ko na gusto ko nga siya, na may gusto ako sa isang babae?

She just ruined my life without even knowing it by putting me in a kind of situation where I got confused and ask myself if who really I am.

Tapos ngayong may lakas ng loob na akong umamin. Ngayong inako ko na ang totoong ako, saka siya maghahanap ng iba at tatalikuran ako nang gano'n kadali?

Kulang na lang ay sumabog ang ulo ko sa paulit-ulit na iniisip. I'm tired of putting things into places inside my head. Pagod na akong kwestyunin ang sarili kung tama bang hinayaan kong makapasok si Loren sa buhay ko. Kahit ano yatang isipin kong rason para mabawi ang nararamdaman ko para sa kaniya ay wala na iyong magagawa para mabura iyon sa sistema ko.

I like her for real. Nagising na lang ako isang araw na siya agad ang pumapasok sa isipan ko, kahit noong nawala siya ng ilang linggo ay walang palya siyang bumibisita sa utak ko kahit nasa kalagitnaan kami ng klase o sa hatinggabi pa man.

Simula noong nawala si Gretchen ay parang leon na nakawala sa hawla ang nararamdaman ko para kay Loren. Despite of what happened between me and Greta, hindi iyon nag-iwan ng puwang upang maging rason para i-atras ang nasimulan ko na.

I just put myself in a situation where I'm the only one who's going to suffer pain in the end. This is risk and I'm willing now to take it.

Nang makababa sa jeepney ay naglakad pa ako papasok ng subdivision dahil bawal namang makapasok roon ang mga pampublikong sasakyan.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang matamlay na naglalakad patungo sa bahay. Nawala na rin sa isip ko ang binilin sa akin ni kuya Jeff kanina. Dumiretso ako sa loob ng bahay at nang makarating sa kwarto ay pasalampak na nahiga sa kama.

Marahan akong pumikit at pinigilang sabunutan ang sarili dahil kanina pa nakapaskil sa gilid ng utak ko ang larawan ng dalawang iyon!

Sana pala ay hindi na ako naghintay. Sana ay hindi ako nagpauto sa text na iyon ni Loren. Paano niya ba nagawang magtext sa'kin pagkatapos ay sasama lang rin naman pala siya sa ibang lalaki?

Nagpipilitan man ay nagawa ko pa ring maligo at magbihis ng pambahay bago pumunta sa bahay nina ate Mina. Hindi na ako nag abala pang magsuklay dahil sila-sila lang rin naman ang naroroon. I'm wearing a white spaghetti strap that hugs my petite body and a black short shorts, inilabas ko rin ang tsinelas pambahay na may disenyong pink bunny na regalo sa akin ni Lola noong birthday ko last year. Hindi ko na rin sinuot ang salamin sa mata dahil nasa bahay lang naman ako at hindi ko kakailanganin iyon.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें