3

696 31 3
                                    

I continued eating. Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga patutsada ni Yor tungkol sa mangyayaring pageant, minsan lang ako sumabat kapag tinatanong.

Pakiramdam ko ay matagal na kaming naroroon at hindi maubos-ubos ang pagkain ko sa sobrang bagal ng oras. Wala akong masyadong interes sa usapan lalo pa't tungkol lang naman iyon sa pageant.

“Nga pala, may practice ka ba, Pres?” biglang baling ng kaibigan ko sa tahimik ring si Loren.

“Wala.”

“Oh? May practice ngayon sa archery, ah?”

Oo nga pala.

“Nako, hindi muna siya sasali sa archery. 'Di ba, Loren?” singit ni Greta sabay akbay sa katabi nito.

Tumango lang si Loren at nilagok ang tubig sa kaniyang baso. Saglit kaming nagkatinginan ngunit agad rin naman akong umiwas ng tingin.

“Ikaw, Sani? May sasalihan ka na ba?”

Nagulat naman ako nang sa akin napunta ang usapan. Dipensado akong umiling at ngumiti.

“Wala akong alam na sports, e.”

“Weh? Ang galing mo nga sa table tennis! Nako, kung alam niyo lang na magaling siya. Ayaw lang sumali sa training,” proud na wika ni Yor at umakbat rin sa akin.

“Hindi ah! Palagi mo nga akong natatalo,” I said, laughing.

“At least hindi ba? Kahit kulang ka sa height kaya mo pa rin maglaro, hindi lahat marunong mag table tennis.”

Aba't nagawa pang manlait!

“Oo nga. Dapat nagtatry ka rin para naman hindi ka lang palaging nakabuntot dito sa impaktita mong kaibigan,” sali ni Greta sa usapan.

“Hoy! Sinong impaktita? Ikaw nga 'tong maarte, akala mo kung sinong nagmamaganda!”

Mag uumpisa na naman sanang magbangayan ang dalawa nang magsalita si Ren.

“You should give it a try, don't waste opportunity.” anito, nang nilingon ko siya ay sa akin siya mismo nakatingin.

Para akong mahihimatay sa kaba. I can't believe na kakausapin niya pa ako pagkatapos ng nangyari kanina, I thought she's mad at me tapos ngayon kung umakto siya ay parang wala lang iyon sa kaniya. Her piercing eyes darted towards me, tila binabasa ang buong pagkatao ko. She licked her lips before she stood up.

“Where are you going?” si Greta kay Loren.

“Meeting. Excuse me,” tugon nito at tumingin pa sa'kin nang isang beses bago tuluyang umalis.

I don't know what to feel. Dire-diretso ang lakad niya, may ilan pang bumabati sa kaniya, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Lumipat ang tingin ko sa sumusunod nang si Greta.

“Nakakaloka talaga ang Gretchen na 'to, oo. Kaunti na lang talaga iisipin ko nang obsessed siya kay Ren...”

May mga sinabi pa si Yor ngunit hindi ko na iyon nahagilap pa. Nakatulala lang ako sa may pintuan at malalim ang iniisip. Nagpapaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Loren kanina. I'm still amaze by the fact that she spoke to me despite of what I did earlier.

Well, it's just nothing. Ako lang naman siguro ang nag-iisip pa sa bagay na iyon.

“Huy!”

Napatalon ako sa gulat nang biglain ako ng katabi. i blinked twice before looking at her.

“A-Ano?”

“Ano, nganga na lang d'yan? Papanoorin kitang tumulo 'yang laway mo? Tara let's na. May kailangan pa akong asikasuhin.”

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Where stories live. Discover now